chapter 83: Sleepover

Magsimula sa umpisa
                                    

"Grabe, mas sweet pa kayo kesa sa hersheys na hawak mo" sabi ni Jop.

"Haay, miss ko na tuloy magkagirlfriend. Makapaghanap nga bukas" sabi ni Jam.

Namula ako sa sinabi nila. Concerned lang naman ako ah!>/////<

"Eh kung magkasakit siya, wala nang manlilibre sakin!" bigla ko na lang nasabi.

Hindi naman talaga yun ang gusto kong sabihin pero ayoko talaga pag inaasar nila ako eh. Diba kapag inaasar ka sa crush mo, idedeny mo? Parang ganito din yun.

Medyo lang pala.

Basta! Nahihiya ako pag inaasar nila ako!

"Ay grabe Shin oh. Tagalibre ka lang pala ni Hana" sabi ni Jop.

O___O

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin! Syempre mahal ko siya kaya concerned ako at ayoko ko siyang magkasakit!" sabi ko.

.

.

.

.

Pucha.

Ano yung sinabi ko?! Sa harap pa ng troputik!!!>////<

"WOAAAAHHHH" sabay sinabi ng troputik.

"Sayang di ko narecord yun!!!" sabi ni Jam.

"Damn nilalanggam ako sa inyo!!" sabi ni Jam.

"Oh shit! Namumula ka ba Shin??" sabi ni Neil.

"Shit! Namumula nga siya!" sabi ni Nathan.

Talagang matindi mangasar ang troputik. Pero mas nakakaasar ang tawa nila.

"Shut up guys. Late na, uuwi na kami" sabi ni mr. putik, halatang iritable ang mukha.

Nakita ko na 10:00 pm na pala.

"Aga naman ah. Diba usually tayong umuuwi ng 1am? May curfew ka na ba Shin?" sabi ni Jop at nagtawanan ang troputik.

"Ako wala, si tabachoy meron" sabi ni mr. putik.

"Hindi nga ako tabachoy eh!" sabi ko.

Ang kapal ng muka ng lalaking to! matapos ko ibigay sa kanya ang last hersheys ko, sasabihin niyang tabachoy ako? walang utang na loob!

"Kahit ano pa ang maging itsura mo, mataba ka man o payat. You will always be my tabachoy" sabi niya habang nakatitig lang sa mata ko.

O///O

"Si Hana naman ngayon ang namumula!!!" sabi ng kambal.

"Just a little payback. Tara na" sabi ni mr. putik at tumayo na siya.

Kainis ka mr. putik!

Ay hindi pala. . .

KAINIS KAYO TROPUTIIIIIIIK!!!!

Si mr. putik ang humatid sakin gamit ang kotse niya at 20 minutes pa bago kami makarating sa bahay.

10 minutes na ang nakakalipas at wala parin kaming sinasabi.

Awkward.

Kung yung ibang couples sanay sila maging lovey dovey. . . kami hindi.

Mahiyain kaming couple at hindi kami sanay na ipakita ang nararamdaman namin. Mas madalas pa nga kaming magaway kesa sa maging sweet sa isa't isa eh.

Public vs. PrivateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon