i
"Veronica, sumunod ka na sa amin sa California please.." Hinawakan ni mama ang kamay ko. I know she knows na hindi niya ako mapipilit sa gusto niya.
Pinagda-drive ko si mama papuntang Airport dahil ngayon na ang balik niya sa California. Bumisita siya para sa birthday ko bukas pero napaaga ang balik niya dahil naospital si Andrea, ang half sister ko which is ang totoong anak ni mama sa kanyang totoong asawa.
Ayokong sumama sa kanya sa California, ayokong makasama ang bago niyang pamilya pati na rin ang half sister ko. Ayokong makita kung gaano sila kasaya doon at kung gaano sila kaperpekto.
"Mom, alam mo naman diba? Busy ako sa trabaho tsaka gusto kong kasama si papa dito." I look at her in the eyes.
My mama and papa is not married. Isang gabi lamang ako nabuo, nagpapasalamat na lang ako kay mommy dahil binuhay niya ako at kay papa na inalagaan ako. Well, hindi ako inalagaan ni papa sa pamamagitan ng pagpapatira sa akin sa bahay nila or whatsoever but through financial assistance lamang dahil may ibang pamilya rin si papa.
I grew up alone. 17 years old na ako ng umalis sa bahay ng tita ko na kapatid ni Mama at tumira sa condo na hiningi ko kay papa sa 17nth birthday ko.
"Anak, alam kong you and your papa are not in good terms since then. Wag ka nang magsinungaling sa akin please. At isa pa hindi ka pa rin ba niya pinapakilala sa pamilya niya?" I sighed. My mom knew me well kahit hindi kami masyadong magkasama.
"Ma 'yaan mo na si papa. Baka hindi pa siya handa."
Hindi ko alam kung bakit ko pa ba laging ipinagtatanggol si papa kay mama kahit galit ako sa kanya.
"Veronica 24 years na at hindi pa rin siya handa!?" Napaharap si mama sa akin ng tuluyan.
Hindi ko na siya sinagot.
"Ma andito na tayo." Bumaba na ako sa sasakyan at kinuha ang bagahe ni mama. Nilagay ko ito sa tabi at humarap sa kanya. "Ingat ka doon ma, alagaan mo sarili mo. Ikamusta mo na lang ako kay Andrea at kay tito Andy." I kissed her in the cheeks and hug her.
"Ikaw din. Basta kung may problema tumawag ka lang sa akin ha? I love you." She said between our hug.
"I love you too mama." Hindi ko alam kung bakit ganito kami ka drama ngayon.
"Pasok ka na dun ma, baka ma late ka pa sa flight mo." I smiled at her.
"Oo nga pala.." May kinalikot siya sa hand bag niya at nilabas ang maliit na box na naglalaman ng kwintas. "Happy 25th birthday my dearest Elizabeth Veronica Sierra." Pinatalikod ako ni mama at isinuot niya sa akin ang kulay gold na kwintas na may disenyo ng tatlong falling star.
"Thank you mama." I hugged her again and this time it was tighter.
Hindi ko inaasahan na iyon na pala ang huli naming pagkikita kasi pagkatapos ng isang linggo ay iniwan niya ako.
Naaksidente sila habang papunta sa park kung saan sila magpipicnic. Sad to say si mama lang ang hindi nakaligtas habang si Tito Andy na asawa ni mama ay nasa hospital parin at si Andrea naman ay medyo maayos na ang lagay dahil konting galos lang ang natamo nito.
Hindi ko kayang pumunta sa California, hindi ko pa matanggap. Paminsan minsan ay tumatawag lang ako kay Andrea para mangamusta pero hindi naman kami masyado nakakapag usap dahil naiiyak lang kaming dalawa.
YOU ARE READING
Star Keeper
FantasyElizabeth Veronica Sierra Dee who hates her name as well as her life keeps a star that changes her life. 🌠
