Hindi ko ma-ipaliwanag ang aking kaligayahang nararamdaman sa mga oras na ito. Kung pwede ko nga lang silang ayain na sumama rito kaso hindi pwede eh. Nangako ako sa kanila na magiging lihim ito sa mga tao.

Eto na siguro ang magiging sikreto ko habang buhay. May balak din naman akong sabihin ito kay Albert ngunit huwag muna sa ngayon, may time para riyan. Bigla tuloy akong naka-dama nang kakaibang kasabikan ngayong ikinasal na ako sa kanya. Magsisimula kasi ang aking buhay na kapiling ko na siya.

Pangarap talaga namin ito ni Albert. Ang bumuo nang isang masayang pamilya at mag-sama hanggang sa tumanda. At sa mga oras na ito, dito na magsisimula ang lahat.

***

ERIER

Ganoon pala ang tinatawag nilang kasal, na pwede palang magsama ang dalawang indibidwal base sa pag-ibig at pang-habambuhay na iyon. Sabi nila Chamie at Marinagua, isa siyang responsibilidad. Ang susunod kasi na hakbang nito ay magiging mga magulang ang dalawang indibidwal na iyon at bubuo kayo nang isang pamilya. Mukhang complicated para sa akin ngunit parang exciting.

Magkakaroon nang anak na mapapasa-inyo hindi tulad sa planeta namin ang mga bata ay itinuturing na government owned na palalakihin nang mga piling eksperto. Kaya parang isang contest ang naging buhay ko noon nung bata pa ako. Mas may sense pa pala ang structure nang kanilang planeta sa mga ganitong bagay.

Magmula kasi nang matutunan ko ang mga ganyang ideya na sa planetang Earth ko lang natutunan ay palagi nalang akong nag-iisip. Mas masaya siguro kung may kasama kang mamuhay, hindi katulad sa planeta namin na nabubuhay kami bilang isang indibidwal. Na yung existence namin ay para lang sa pagpapa-unlad nang aming mundo. Na ngayon tinatanong ko tuloy sa aking sarili kung saan ba ko lulugar at bakit ba talaga ako nabubuhay. Kung may makakasama siguro ako na mamahalin ko, hindi na mahalaga ang existence at purpose dahil ang mahalaga may minahal ako. Papaano kaya kung magkaroon nang pamilya sa planeta namin? At ako magkaroon nito, kahit sa isipan ko lang nabuo iyon mukhang ito na ang pinaka-magandang mangyayari sa buhay ko.

"Erier dalian mo!" tawag ni Avara. Naputol ang aking pagmu-muni muni. "Mag se self-destruct itong bahay,"

Tumango akong mag-isa at humingang muli ng malalim. Hawak ko ang isang aparato na sing liit ng battery. Isa itong diary na ginawa ko sa aming planeta. Na document ko rito ang aking pakikipag-sapalaran sa Earth. Eto ang aking magiging souvenir pag-uwi ko ng aming planeta, ang mga ala-ala ng aking adventures.

Pinagmasdan ko ang paligid na aking natatanaw mula sa verandah. Wala man kaming napala sa misyon ito ngunit marami akong natutunanan na nagpa-bago ng aking pananaw sa buhay. Itatatak ko ang mga ito sa aking puso at isipan.

Pinag-masdan ko rin ang bahay sa huling pagkakataon. Nakita ko pa yung itim na t-shirt at khaki pants na sinuot ni Iris, maayos itong naka-tupi at naka-patong sa coffee table. Hindi ko maiwasang mapa-ngiti dahil eto yung sinuot niya bago kami makipag-laban.

"Mami-miss kita Iris," hinaplos ko ang telang iyon. "Sana magkita pa tayo,"

Bigla akong napatalon sa gulat dahil umuga nang napaka-lakas. "Erier umalis kana!" sigaw muli nang boses.

Kumaripas ako ng takbo at nagtungo sa basement. Nakita kong nalusaw ang Aston Martin, ang naging sasakyan ko rito sa mundo. Tumapak ako sa may korteng bilog sa sahig at kasunod nito bigla akong naglaho. Umakyat ako pabalik nang Ieverin. Natanaw ko sa 3d hologram sa gitna nang main control room na naging isa nang bakanteng lote ang bahay na aking tinirahan.

Si Mamir ang tumayong ikalawang piloto nang Ieverin. Halos may katagalan din ang ginawa naming pag-contact sa aming planeta. At ayon kay Avara nagulat daw ang central base nang aming planeta dahil ang aga raw naming mag-report sa kanila. Hindi na siya nag-explain pa ng mahaba at hindi rin namin sinabing nabigo ang misyon. Kailangan kasi naming ma-inform muna ang central base na pabalik na kami. Hindi rin kasi basta-basta mapapasok ang airspace ng aming planeta. May protective barrier ang aming himpapawid at binuo ito laban sa mga kaaway na alien race. At alam ko na kung sino ang tinutukoy nila.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now