"Salamat po sa inyo!" bulalas ko.

Hinahaplos niya ang aking ulo at nakita ko si tatay sa kanya. At speaking of tatay, napalingon ako sa gawi nang simbahan kung saan doon dinala ang mga tao na bawat isa ay pinoprotektahan nang maliwanag na bagay. Bumitaw ako kay Ezeros at tumakbo patungo roon.

"Huwag kang mag-alala Iris ligtas na sila," sambit ni Eke. Lumingon ako sa kanilang tatlo.

"Kailangan muna namin silang ilagay sa barrier pansamantala," singit ni Geaia sa aking isipan. "Hindi namin sila pwedeng gisingin, malilito at magugulat sila sa pangyayari. Magkakaroon muna kami nang isang briefing kung pa-paano namin ire-restore itong pamayanan ninyo,"

"Ibabalik niyo po ang lahat sa dati?" tumango silang tatlo sa akin.

"Pero Iris sa ngayon kailangan mo munang magpa check-up sa station," wika ni Ezeros.

Lumapit sa tabi ko sina Chamie at Marinagua. "Halika na girl sasamahan ka namin," wika nilang dalawa.

"Nasaan si Hector?"

"Kasama na siya nang kanilang pangkat, uuwi siya sa kanyang bahay. May pag-uusapan sila," wika ni Marinagua.

"Gusto ko siyang maka-usap. Puntahan natin ang bahay niya,"

"Girl, sasamahan ka namin pero kailangan mo munang magpa-gamot," wika ni Chamie. "Look at you may sugat ka sa ulo mo,"

Dahil sa stress at kung ano-anong emosyon kanina sa pakikipag-laban halos hindi ko namalayan na nagka-sugat pala ako. Sumulyap muna ako sa simbahang nababalutan na ngayon nang kulay asul na liwanag bago sumama sa dalawang girls.

Hindi ko pa sinasadyang marinig ang isang miyembro na nakikipag-usap sa tatlong lider. "Wala na roon ang bangkay nang kanilang lider nila,"

Nawala? Hindi kaya may kumuha, pero sino? Galit ang mga alagad niya sa kanya kaya pinatay na siya nang tuluyan ng mga ito. Nagkibit balikat nalang ako. 

Tumapak kaming tatlo sa isang bilog na nakalatag sa lupa at kasunod nito, sabay-sabay kaming naglaho. Nakita ko nalang ang aking sariling nagbalik sa kanilang station sa kagubatan.

***

ERIER

Iniwan namin si Iris sa pangangalaga nang tatlong leader at nagpasyang umuwi sa bahay. Tahimik kaming lahat. At sa loob loob namin, naipag-higanti na rin namin sa wakas ang kamatayan ni kapitan Zegyr. Nakuha na rin namin ang transmisyong ninakaw nang mga kalaban.

Pagkarating namin sa bahay ay agad kaming umakyat nang Ieverin at nagtipon-tipon muli. Naging tahimik pa rin kaming lahat, bakas sa mukha na bawat isa sa amin ay may malalim na iniisip. Hindi man namin nagawa ang misyon ay may mas makabuluhang bagay naman ang nangyari sa amin dito.

"Uuwi tayo nang Xyleveria sa lalong madaling panahon," wika ni kapitan Okron . "Saka na natin pag-planuhin ang hakbang na gagawin natin pagkarating doon,"

Sumulpot si Avara sa tabi ni kapitan. "They messed us up. All along may hindi tama kapitan. Sinabi nang isang miyembro nang Alien Convention na ang mga Alpha Draconian lang ang gumagawa nang ganoong gawain. Ang paglaruan ang gene pool nang kahit anong alien races,"

Yun nga rin ang pinag-tatakahan ko. Bakit nagkapareho ang misyon namin sa ideya nila.

Huminga muna nang malalim si kapitan. "Kailangan natin imbestigahan ito pagbalik nang Xyleveria,"

"Kapitan hindi ba nila tayo ipakukulong? Walang nangyari sa misyon," singit ni Mamir. May takot sa tono nang pananalita niyang iyon.

"Sisiguraduhin kong hindi mangyayari iyon," sagot ni kapitan. "Kailangan nilang magpaliwanag sa atin,"

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin