Fangirls are not just fangirls. They are dreamers. Pero paano kung ang babaeng walang interes ang makapasok sa isang pinakasikat na eskwelahan kung saan nag-aaral ang mga Kpop artist na galing sa iba't-ibang entertainment/company? Ngunit sa ipinapak...
INSPIRED BY: BARBIE AND THE PRINCESS CHARM SCHOOL.
Sandy POV
Search: Fangirl.
- Definition of fangirl. : a girl or woman who is an extremely or overly enthusiastic fan of someone or something.
Scroll..
Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
Scroll..
Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
Scroll..
Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
Ganito ba talaga ang fangirl? Masyado silang nag-iimagine, ang layo naman ng inspirasyon nila.
Ang tingin lang naman sa kanila ay fangirl lang pero sa tingin ng mga fangirl ay inspiration nila ang mga ito.
Bakit ka nagagalit? Totoo naman ah. Kaya ako hindi ako magpapakafangirl sa mga tulad nilang mga koreano.
Bakit ko ba sinesearch? Wala lang na curious lang ako.
"ATE! Halika dito, eto na yung hinihintay koooo kyaaaaa!" Sigaw ni Amanda sa'kin sa sala. Nandito kasi ako sa kwarto habang naglalaptop.
"Ayoko manuod nyan. Ikaw nalang mag-isa nangdadamay ka ng hindi dapat idamay eh. Puro koreano lang naman yan." Sigaw ko pabalik sa kanya. Tumahimik ng ilang minuto siguro nanonood na siya, pero nagulat ako nang bigla siyang pumunta sa kwarto ko.
"ATE! Raffle ngayon! Kung sino man ang mabunot makakapasok sa eskswelahang pinapangarap naming mga fangirls! Manood na kase tayoooo! Please?!" Pagmamakaawa sa'kin ni Amanda habang hawak-hawak ang magkabilang braso ko at tinutulak patayo. Tinabig ko ang mga ito.
"Bakit kailangan kasama ako?! Ikaw nalang, busy ako!" Sigaw ko at maglalaptop na sana nang bigla niya akong hinila kaya ang bagsak ko ay sa sala pa rin kasama siyang manood. Napasimangot ako. Oo nga, nagsisimula na.
"Bakit kase kailangan kasama pa ak~" Di na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang magtititili. Napatingin nalang ako sa t.v at napanganga ako dahil sa sobrang laki at ganda ng labas ng eskwelahan na 'to.
May mga van na naka parking sa labas nito at isa-isang naglabasan ang mga lalaking mukhang nga prinsipe. Napangiwi ako nang marinig kong tumili si Amanda.
"KYAAAAAH! KIM TAEHYUNG! BTS! OMYGOD!" Sigaw ni Amanda sabay kuha ng banner niyang pagmumukha nung Kim Taehyung ata dahil magkamukha ang mukha neto sa t.v.
Nakapasok na ang BTS daw at may sumunod na isa pang van at bumaba ang siyam na gwapong lalaki na lalong nakapagnganga sa'kin.
"WAAAA! EXO WE ARE ONE! HIRAP MAGING MULTIFANDOM PERO DI KO PAGPAPALIT SI KIM TAEHYUUUNG!" Sigaw ni Amanda sabay kuha naman ng lightstick na puti at iwinagayway ang mga ito sa ere. Natawa ako ng mahina dahil sa kahibangan niya.
Napatingin ako sa isang lalaking medyo familiar kay kim taehyung. Magkapatid ba sila? O magkamukha lang?
"Sino 'yon?" Sabi ko sabay turo sa kamukha nung kanina pang sinisigawan ng kapatid ko. Napatigil siya sa pagsisigaw at tinignan ang tinuro ko. Tumili muna ulit siya bago niya ako sinagot.
"Si Baekhyun 'yan ate! Byun baekhyun! Waeyo waeyo?! Type mo? Magkamukha sila ni V no?!" Sigaw niya kaya napatakip ako ng tenga. Napatingin ulit ako kay Baekhyun.
"Sinong V?" Tanong ko.
"Si Kim Taehyung. Stage name niya yung V" Mayabang na sabi niya habang yakap ang banner at ang lightstick.
Hanggang sa naglabasan na ng van ang mga ibang grupo. Nakalipas na ang 30 minuto. Nagsimula nang magparaffle ang lalaking nakasuit. Nasa harap niya ang isang kahon na gawa sa glass at inikot ito dahilan na magsama-sama ang mga envelope na nasa loob ng kahon.
Ewan ko pero bakit kinakabahan ako. Siguro masyado na din akong na pre-pressure kapag ganyan katahimik ang mga tao at naghihintay ng sagot kung sino ba ang makakapasok sa paaralang pinapangarap ng mga fangirls at ng kapatid ko.
"Okay, so the lucky girl na makakapasok sa university na 'to ay si..." Dahan-dahan binuklat nung lalaking pogi or Mc ang papel na nabunot niya.
Ewan ko pero kinakabahan din ako pati ang kapatid ko. Grabe kasi ang sensasyon ang naidudulot nito lalo na ang katahimikan ng mga tao kaya mas lalo akong na pre-pressure.
"Is...."
Napapikit ako ng lalong hinigpitan ni Amanda ang yakap sa'kin. Bakit ba ako nandito?
"Sandy Mae Santiago! Congratulations!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Amanda kaya napadilat ako at nagulat sa nakita ko na nakalagay ang pangalan ko sa t.v.
"CONGRATULATIONS ATE!" Sigaw ni Amanda sa'kin na paos na at yumakap ito sa'kin habang ako ay nakatulala at naninigas sa pagkakaupo.
Ako? Paano naging ako? Paano?
"Bakit ako?!" Gulat na tanong ko sa kanya. Nag peace-sign siya sa'kin. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Nagkaroon ako ng ideya dahil sa mukha ni Amanda. Si Amanda ang may pakana ng lahat ng ito.
"Ate kaya ikaw ang ini-register ko kasi masyado pa akong bata. 12 years old lang ako ikaw 19 na. Kaya ikaw nalang ang ini-register ko. 14 pataas lang kasi ang pwede eh." Paliwanag ni Amanda sa'kin habang tinataas ang mga kilay nito.
"Hindi ko man lang alaaaam!" Sigaw ko sa kanya akala ko matatakot siya pero tumawa lamang siya.
"So Sandy. Congratulations, maya-maya lamang ay nandyan na ang magsusundo sayo kaya mag-impake ka na at sabay-sabay nating pasukin ang K-POP university." Ngiting sabi ng MC. Maya-maya agad?
"Ate mag-impake ka na!" Utos sa'kin ni Amanda.
"Ayoko! Sino ang magbabantay sayo dito?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Nginitian ako nito. Jusmiyo. Hindi pa ako handa. Masyadong mabilis.
"Ate para sa'kin din naman 'yang pagkapanalo mo. Si tita nalang ang magbabantay sa'kin. Actually, tinawagan ko na at papunta na siya dito." Ngiting sabi niya. Napabuntong-hininga nalang ako.
Kaming dalawa nalang kasi ni Amanda ang nakatira dito sa bahay. Patay na ang magulang namin dahil sa car accident.
Tumango nalang ako at nag-impake na. Bahala na. Para kay Amanda.
-
Naka impake na ako at dumating na din si tita para bantayan si Amanda. Bati siya ng bati sa'kin ng congrats ngunit ngiti nalang ang ibinibigay ko. Hindi pa din ako makapaniwala.
Maya-maya ay dumating na rin ang susundo sa'kin. Nagpaalam na ako kila Amanda kahit labag man sa loob kong sumama.
Ang bilis ng oras. Kanina nagsesearch lang ako about fangirls ngayon andito na ako sa van.
Hindi pa din ako makapaniwalang ako ang nabunot. Kaya promise ko sa kapatid ko na makakapagtapos ako ng pag-aaral dito.
Ipinapangako ko kay Amanda na dadalhin ko dito ang Kim Taehyung mo dito sa pamamahay natin maghintay ka lang.