Chapter 20: Sino?

En başından başla
                                    

"Si Yanna? "

"No"

"Si Chloe? "

"Nope"

At natahimik si kuya.

"Uh, Elijah, please help me get the boxes upstairs please"

"Okay mom"

Hays. Hanggang kelan ko ba to matatago kay kuya?

Patapos na yung ginagawa naming brownies kaya naman hinanda ko na yung lalagyan.

And after mabake ng brownies ay umakyat muna ako naligo.

Pagbaba ko ay kumakain na ng dinner sila mom dad at kuya.

"Oh, saan ka pupunta? Gabi na ah" -kuya

"Uh, sa friend ko. Ihahatid ko yung brownies... "

"Gabi na? Ikaw pa maghahatid? "-kuya

"Yup. Saglit lang naman ako. "

"I'll go with you. Delikado na. Baka mapano ka pa. "

"But kuya, i can handle my self naman. Ako na lang"

"Sasama ako Ayumi. "

"Okay. But I'll drive. "

Tumango lang sya at umalis na kami.

Habang nasa traffic ay tinext ko na sya na malapit na kami.

Tinitignan tignan ko si kuya kung ano ang reaksyon niya dahil alam kong pamilyar sya sa dinadaanan namin.

Pinikit niya lang ang mata niya habang hawak ang noo niya.

Im sorry kuya kung nasasaktan kita...

I know someday malalaman mo din ang totoo.

Paghinto ko ng kotse ay tinignan ko ulit si kuya kung ano ang reaksyon.

Ramdam ko ang lungkot niya... dahil sa nandito kami ngayon sa bahay ng babaeng pinakamamahal niya...

Bumaba na ako at pumunta na kila Shine.

Sinalubong ako ni Shine sa gate.

"Hi Yumi. Tara pasok ka muna? "

"Ah eh. Hindi na... "

"Why? May kasama ka ba? "

"Ah eh... "

"Isama mo na sa loob, " tapos binigyan niya ako ng sweet smile

"Si ano.. kasi si.. si..  kuya ang kasama ko.. "

"It's okay. Don't worry. Im fine. Im sure okay na sya sa family nya kaya wala na syang feelings for me. " and again she sweetly smile at me.

"Ahh, eh tawagin ko lang.. "

Paglapit ko sa kotse ay kinatok ko si kuya sa bintana sa side nya

"Kuya, pinapapasok ako ni Shine. Gusto mo sumama sa loob? "

Pansin kong nag aalinlangan si kuya....

"Okay"

Kinakabahan ako sa pwedeng mangyare...

Pagpasok namin ay nagulat sila tita Irene at tito Shawn pati na si Sab.

"Ah, good evening po tito, tita"

"Good evening hija. Come, upo kayo, " -tita Irene

"Good evening po" -kuya

"Would you like something to drink?"-tita Irene

"Ah hindi na po"

Tahimik lang si kuya habang pinagmamasdan si Shine na kumakain ng brownies.

"Kamusta naman kayo? Yumi? Kamusta sina Judy at Lucas? "-tito Shawn

"Okay naman po kami. Hehe"

"Ikaw Elijah? Kamusta kayo ng pamilya mo? "

"Wala na po. Hindi po totoong buntis si Jade. " cold na sagot ni kuya

Dahil sa narinig nila ay nabitawan ni Shine ang hawak nyang libro.

Shocks! Children's book yon. Nako baka malaman na ni kuya...
Oh Lord help me!

Napatingin si kuya sa librong nalaglag.... at napa kunot ang noo nito.

"Uhm, kain muna kayo, Yumi, Elijah, may baked mac and cheese kaming ginawa"-tita Irene

Nang inabot namin yung baked mac and cheese ay nagulat kami dahil sa tumakbo si Shine patungo sa faucet at sumuka ito.

"Shine, are you okay? " -tita Irene
"Im fine mom. Its just I dont want the smell of the... cheese.. "

Elijah's POV

Bakit ganon? Hindi naman ganyan si Shine ah. Tapos may binabasa pa syang children's book.

Sya din ang nagcrave ng brownies.

Lahat ng signs ng buntis ay nakita ko sa kanya.

Hindi kaya?


Buntis si Shine?

Pero paanong mabubuntis si Shine? May boyfriend na ba sya? May asawa na sya?

"Bu.. buntis ka? " hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong. Lahat sila ay napatingin sakin...

"Kuya, tara na. Umuwe na tayo. Ah Shine, uuwe na kami. Tita, tito"

"No Yumi. I need answers to my questions "

"Kuya, nakakahiya. Tama na. Tara na"

"Oo... " -Shine

Napalingon kami lahat sa kanya.

"Si.. sinong ama? "

"Kuya, tara na" -Yumi. Tapos hinihila ako ni Yumi.

"Shine, sabihin mo sino? Please.."

Nakita kong umiiyak na si Shine.

Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat...

"Please, answer me... "

Tinignan niya lang ako habang patuloy pa din ang pag agos ng luha niya.....

"Shine,answer me... sino ang ama ng baby mo? "

Tinanggal niya yung kamay ko...

"Kuya, tara na... makakasama pa sa baby nya kung ipagpipilitan mo pa.. tara na"

"Shine.... "

"Wala naman akong ibang kinasama eh... wala akong ibang minahal... " -Shine

Dahil sa sinabi niya ay unti unti kong naintindihan ang ipinahihiwatig niya...

"A... ako ang ama ng ipinagbubuntis mo? "

Tumango lang siya sakin bilang sagot.

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin