Hindi ko magawang ngumiti sa kanya.

"Good morning mahal ko " masayang bati niya.

"Good morning " medyo cold kong sagot sa kanya kaya napawi ang ngiti niya.

Inilapag na niya sa harap ko yung tray.

Napansin kong two sets of meal yon. Siguro ay hindi pa kumakain to. Tsk. Tsk.

"Let's eat mahal ko. "

Kumain na lang ako para wala nang usapan pang maganap. Nakakasawa na kasi eh.

Kalagitnaan ng pagkain namin ay nagtanong bigla si Elijah.

"Bakit hindi ka nagsabi kahapon na aalis ka? Sana sinamahan kita"

Tss. Samahan your face. Bisying busy ka kasi sa kalandian mo.

"Ah, diba kasi may meeting ka kahapon? Kaya di na kita inabala"

"Kahit na. Pwede naman ipagpatuloy na lang yong meeting sa ibang araw. Kailangan kitang unahin"

Kung diko lang sana nakita yon iisipin ko sanang ang sweet eh kaso mukang nagmamalinis lang sya eh.

Kumain na lang ako dahil wala akong masabi baka kung ano pa masabi ko sa kanya.

After kumain ni Elijah ay naligo na sya. Liligpitin ko na lang muna ang pinagkainan namin dito sa mini kitchen ng kwarto namin.

Habang nagpinupunasan ko yung mga baso ay nagulat ako sa biglang yumakap sakin sa likod.

"Sorry na mahal ko" malambing na sabi ni Elijah

Tch.

"Bakit ka naman nagsosorry" sabi ko na lang habang kumakawala sa yakap niya.

"Kasi alam kong nakita mo yung kahapon"

"Huh? Anong meron kahapon? " inosente kong tanong.

"Yung sa halikan namin ni Cass. I saw you on the CCTV na nakita mo kami sa loob ng office"

Oh yah. May CCTV nga pala dito.

Hindi na lang ako kumibo.

"Sorry na mahal ko. Babawi ako sayo ngayon. Wala akong appointments today. So I'm all yours the whole day. "

Tch. Ayoko nga na kasama ka eh. Tss.

"Maligo ka na mahal ko. Ako na tatapos dito. After mo maligo magiikot tayo sa resort"

Hinatak pa ako ni Elijah papunta sa cr. Tsk tsk.

Tinagalan ko ang pagligo para mainip sya at gumawa na lang ng ibang bagay.

At after ko maligo ay nakita kong wala sya. Nagsuot lang ako t shirt tapos knee length na pants. Binolower ko yung buhok ko at sinuklay yon.

After non ay humiga lang ako sa kama. Wala ako sa mood na lumabas kasama sya.

Pagpikit ko ay sya namang dating ni Elijah.

"Mahal ko, let's go na"

Sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. Tch. Wala ako sa mood sumama sayo. Maigas ka dyan!

At pinagpatuloy ko ang pagtutulog tulugan  ko.

"Gising na po mahal ko"

Naramdaman kong malapit na ang mukha ni Elijah sakin kaya bumangon na ako dahil baka kung ano pa gawin niya.

Nauna na akong lumabas at nagmadaling bumaba. Tsk tsk.

Pagupo ko sa lobby ay saktong pagbaba lang din ni Elijah. Naka jacket sya na black bitbit ang jacket ko.

Hays. Bat ba ang tanga ko? Nasa Tagaytay pala kami at malamig ang klima dito.

Paglapit ni Elijah ay isinuot niya sakin yung jacket ko. Tapos hinawakan niya yung kamay ko at hinila na ako palabas sa resort.
Una kaming nagpunta sa may dalampasigan. Tumanaw lang ako ng mga turistamg nagsasaya, si Elijah naman ay nagpipicture. May dala pala syang camera. 

Maya maya ay biglang may flash sa gawi ko. Kinukunan pala ako ng picture ni Elijah.

"Smile, mahal ko" -Elijah

Ngumiti na lang ako para hindi na humaba ang usapan.

Naupo ako sa may malapit sa tubig. Nagmuni muni muna ako doon......

......

Nang bigla akong wisikan ng tubig ni Elijah kaya nagulat ako. Syempre hindi ako papatalo. Winisikan ko din si Elijah.

Buong hapon ay naglaro lang kami ni Elijah sa dalampasigan hanggang sa abutin na kami ng gabi.

Umakyat na kami pabalik sa kwarto namin. Maya maya na daw kami magdidinner.

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Where stories live. Discover now