"Gusto mo bang mamatay ulit, pag nalaman ito ni boss ay lagot tayong lahat, gag* "

" ito naman biro lang hahaha!" sagot ng isang manyak. Kung hindi lang ako nakatali dito ay kanila ko pa sila sinipa. Pervert!

Nagsitahimik sila ng may bagong dumating. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"What the hell is going on here!?" galit ng lalaking bagong dating

"B-boss, kinuha po namin ang hinirang dahil natagpuan po naming sya sa gubat kagabi" sagot ng isa

"N-Nasaksihan nya ang ginawa naming pagpatay sa isang espiya"

"At bakit ngayon nyo lang sinabi sakin!" sigaw nya pa

"abala kayo sa party boss. Kaya di na namin kayo inabala" sabi nung isang maton

"Enough! All of you! Leave the room now!" galit na tugon ng boss nila.

Lahat naman sila ay lumabas na. naiwan kami ng boss nila sa loob.

"Idiots, bakit kanila pina tulog dito gayong sobrang lamig ng lapag" bulong nya. Hanggang ngayon kasi ay nakukunwaring tulog parin ako. Nagulat ako sa ginawa nya.

Binuhat nya ko, bridal style. Pamilyar ang boses nya sakin. Pero hindi ko mawari kung sino ba sya. Sobrang lalim ng boses na pinanghuhugutan nya. Parang ang dami nyang iniisip.

Naramdaman ko nalang ang likod kong sumayad sa malambot na kama. Saan kaya ako dinala nito.

"Enough, sleeping beauty I know that you're awake" nakangisi nyang sabi.

Unti unti akong nagmulat ng mata paano nya nalaman na gising ako.

"Tss. Ano nanaman ba ang kailangan nyo sakin at nandito ako?" mataray kong tanong sa kanya.

Ngumisi naman ito. Kahit na nakasuot parin sya ng maskara ay halatang naaaliw sya sa ginawa kong pagtaray sa kanya. Tss he insane.

" Wala akong alam sa ginawang pagdukot ng mga tauhan ko. But alam ko ang reason nila. It because you're a witness on the crime that they made" casual na sagot nito.

"Paanong nalaman ng mga tauhan mo kung paano pumatay sa Elysium Academy, sabihin mo isa kaba sa SSG officers? Sila lang ang nakaka alam na ang tanging paraan ng pagpatay dito ay ang pagsaksak sa gitna ng puso." Takang tanong ko

"Relax, I'm not one of that bastards, sa ngayon ay hindi mo pa dapat malaman ang pagkatao ko."

"Tss, Why you just take off that mask para mawala na ang tanong sa isip ko, sino ka ba talaga" I rolled my eyes.

"Whatever Argon, you can call me Kin if you want " ngising sagot nito. Ibang iba ang pag banggit nya sa pangalan ko. Parang kilalang kilala nya na ko. Kung hindi sya isa sa mga SSG councils sino ba talaga ng pinuno ng Black Dragons

"Alright Kin, pwede ba uuwi na ko. I don't want to stay any longer here." Pagiiba ko sa usapan.

Ngisi lang ang binalik nya sakin. Akmang tatayo nasa ako ng tapilok ako gawa ng isang heels ko. Damn those heels. Isa nalang sya pero nagawa nya pa kong ipahiya.

Nasalo ako bigla ni Kin dahilan para mapahawak sya sa bewang ko. At inupo ako sa kama. Unti unti syang lumapit sakin. He's eyes was staring direct to mine. Naalala ko ung nangyari samin ni Krypton kagabi. Oh no, Stop argon.

Palapit sya ng palapit, kaya tanging nagawa ko nalang ay pumikit at humawak sa dibdib nya para ilayo sya sana sakin. When suddenly went black.

"Mom? Bakit may dalang baril si dad? " tanong nang isang bata sa mama nya.

"Baby, stay here beside you kuya hah? Wait for me and your dad wag kayong lalabas ng kwarto" sabi ng mama nila

"Don't worry mom, I'll protect jin" sabi ng nakakatandang kapatid sa mama nya

"You're a brave Kin, I love both of you " naiiyak na sabi ng mama nila. Nakatingin lang ako mula sa malayo. Kin? Don't tell me sya ang Leader ng Black dragon organization?.

"We love you mom"iyak na tugon ng bata

Nagkakagulo sa baba ng mansion. Kaya bumababa nadin ako. Nasaksihan ko kung paano barilin ng mga nakamaskarang lalaki ang mga magulang ni Kin at Jin .

Napatingin ako sa ngayon ay galit na galit na si Kin. Hindi ko lubos makita ang mukha nya. Kumuha sya ng baril at bumalik sa kwarto kung saan nandon ang kapatid nya.

Poot ang nakikita sa mga mata nya. Galit na mula sa puso nya.

"Papatayin din ba natin ang bata at ang tagapagmana ng kumpanya nila?" tanong nung isa

"Oo naman yan ang utos kaya kailangan silang iligpit" ngisi ng isa.

Nagpunta sila sa kwarto kung saan nandon ang mag kapatid.

"Ibigay mo ang papeles ngayon din. Kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo ng batang" to sigaw ng lalaki habang hawak ang kapatid nya

"hinding hindi namin iibibigay yon mga walang hiya kayo! You killed my parents you will pay for this bastard" sigaw nya at pinutok ang baril

Bago pa man nya napatamaan ang lalaki ay nabaril na sya sa balikat at tuhod dahilan pata mapaluhod ito. Naiiyak ako sa mga pangyayari.

"kuyaa."sigaw ng batang si jin.

Sabay putok ng lalaki sa ulo ng bata nyang kapatid.

" Hindeee! Jinnn! , mga walangya kayo pagbabayaran nyo to!" sigaw nya at isang putok pa sa ulo nya ang ginawa ng lalaki at tuluyan na syang binawian ng buhay.

Bloods, I can see the blood all over the mansion. Bakas ang massacre na nangyari. Ito ba? Ito ba ang nakaraan ni Kin ang leader ng black dragon organization. Hindi ko alam na masalimuot ang pagkamatay nya. Kaya ba ganon nalang ang kagustuhan nyang makaalis sa Elysium Academy. Upang mag higanti sa pumatay sa pamilya nya. Ang dahilan kung bakit nakamaskara sila? Naluluha ako dahil sa nasaksihan ko.

Pagdilat ko ay hawak ko padin ang dibdib ni Kin. Napatulala nalang ako ng may tumulong luha sa mata nya. Tumagos sa maskarang gamit nya. Wala akong nagawa kundi ang yakapin sya ng mahigpit. Ngayon ay buo na ang nalalaman nya tungkol sa nakaraan nya. Itutuloy nya pa kaya ang pag aalsa sa Elysium Academy.

Elysium Academy (Completed)Where stories live. Discover now