Black Soul Last 2017 Bonding

21 2 0
                                    

A friend is someone who knows about you and still loves you. -Elbert Hubbard (taken by Aljuraine)

"Good influence tayo!" Sabi nga ni Jia at Jhane. Namimigay kasi sila ng libreng pasta, cake at ulam na nasa plastic  cup na pina-take-out nila sakanilang christmas party kahit na si Karylle lang ang naka-isip na mag-share ng pagkain sa nakikita nilang mga nag-titinda, nag-wawalis at naka-upo.

Balak nilang pumunta sa SM Megamall para mag bonding-bonding dahil ito na ang last day nilang mag-kakasama.

Una nilang pinuntahan ang bahay nila K dahil may dala syang babasagin na lalagyan ng graham ball kanina sa kanilang christmas party. Pero dahil nauna sina JD, Erika at K, nag-ka-watak-watak sila.

Magkakasama naman sina Riane, Jhane, Zin at Jia papunta sa bahay nila Riane.

Nag-kita nalang ang mag-kakaibigan sa isang shortcut-an papunta sa bahay nila Erika. Wala pa sina Zin, Jia at Jhane sa kanilang harap ay naririnig na nila ang mga sinasabi nila na "Kanina pa namin kayo hinahanap dun, eh!" "Asan ba kayo? Ang tagal nyo!" "Kasi ang bagal mag lakad."

Sinunod nilang bahay ay ang bahay nila Erika tutal malapit na rin naman sa pinagkakitaan nila.

Napatagal ang Black Soul ng ka-unti dahil nagpa-charge pa si Raine ng cellphone nya. Habang naghihintay sila, nag-i-imagination sina JD, Jia, Jhane, Riane at Zin na kapag daw sumikat na sila dahil nga sasayaw sila ng Go Go ng BTS ay baka madiscover sila at papuntahin sa MMK o Jessica Soho at i-interview-hin daw sila at may pag free trip sila sa South Korea at may chance pa daw na makita sila ng BTS. Tuwang tuwa pa ng maisip ni Jia na mahilig si V sa bata. Kinilig naman roon si JD, asawa nya daw kasi si V. Habang nag-i-imagination sila, bigla nilang napansin si K na papalapit sa batang manok. Hinihila nya yon dahil lumalayo yun sakanya. "Lagot ka sa mama nya" sabi ng isang di matukoy kung sino. Napatingin naman sila sa nakakulong na inahing manok ata. Pinapasunod naman ni Riane ang ulo ng manok gamit ang kamay nya. Kapag may malapit na tao, tumataas yung balahibo nya malapit sa kanyang mukha. Naaliw naman si Riane-ng laruin ang manok at naaliw rin ang ibang panoorin iyon.

Pag-katapos non ay umalis na rin sila. Sumakay sila ng jeep malapit sa bahay ni JD. Kahit sa jeep ay hindi tahimik ang mag-kakaibigan. Halos sakupin na nila ang jeep sa ingay nila.

M E G A M A L L . .

Ang dahilan kung bakit silang pupuntang Mega Mall ay dahil makikibasa sila ng wattpad book sa National Book Store. Hindi naging madali ang pag-hanap nila sa National Book Store. Nag-kanda-sakit-sakit na ang kanilang paa kaya naman pag-kadating nila sa National Book Store ay nag-tatakbuhan sila. Pero hindi lahat nag-tatakbuhan. Pumunta sila sa dulo. Marami kasing libro roon kaya't akala nila ay naroon rin ang wattpad books.

Nag-tanong si Jhane sa isang sales lady dahil kanina pa silang walang mahanap. Tinanong nya kung asaan ang wattpad books. Pinasa naman ng sales lady ang tanong sa napadaang sales lady. Tinuro naman non ang wattpad books section at tumakbo si Jhane papunta roon at sumunod naman sina Zin at Jia dahil sila lang ang mag-kakasama. Ang iba ay nasa ibang section ng mga libro.

Namangha naman sina Zin, Jia at Jhane kung gaano karami ang mga wattpad books roon. Halos gusto nilang halukayin ang mga libro roon. Si Zin ay nag-hahanap ng Hell University ni Kuya KIB. At si Jhane naman ay ang mga kwento ni Ms. Tina Lata. Si Jia naman ay kahit ano basta maganda ang kwento.

Habang nagbabasa-basa kaming naka-tayo, hindi namin napansin na naroon na pala sina Erika at Raine. Hindi na nila tinanong pa kung san sila galing dahil sinakop na nang utak nila ang wattpad books.

Matagal rin bago dumating sina JD at K.

Matagal rin nilang nakita ang The Bad Boy's Love at iba pang story ni Ms. Tina Lata. Tuwang-tuwa si Jhane.

Black SoulWhere stories live. Discover now