Fantasy Battler #2: Her Feelings

Start from the beginning
                                    

"Arino, anong nangyayari at ganyan ang iyong ekspresyon?" Tanong nito habang unti-unti na niyang ibinababa ang kanyang kamay sa dibdib.

"Leoran, na-track na naman tayo ni Optomus! Papunta na siya dito sa ating lokasyon! Umalis na tayo dito sa hotel bago pa niya tayo mahuli!" Biglang hinablot ni Arino ang kamay ni Leoran at agad tumakbo ng kasing bills ng kidlat paalis ng hotel. Nagpahila na lamang sa kanya si Leoran at muli niya pinaramdaman ang presensya ni Optomus. Bahagyang nanliit ang kanyang mata nang hindi niya manlang naramdaman ang presensya nito sa kanya.

"Bakit hindi ko maramdaman ang kanyang presensya? Dati naman ay agad ko 'tong nararamdaman." Tanong nito sa kanyang sarili at nadagdagan na naman ang kanyang mga pinagtatakahan nang tumigil sa pagtakbo ang kanyang kasama, lalo na nang binitawan nito ang kanyang kamay.

Tumingin ito sa kanyang harapan at agad siyang napaatras at napalunok. Agad na binalot ng kaba at takot ang kanyang sistema.

Tumingala siya sa isang itim, nakakatakot, at malaking robot na nakatingin sa kanya. Sa sobrang pagkagulat niya sa kanyang nakita ay hindi niya manlang nagawang magsalita o gumalaw manlang.

"Leoran, alam kong palagi akong talunan sa ating nakaraan na mga laban, ngunit sinisiguro ko ngayon, ako na ang mananalo." Nanatiling nakatayo si Leoran sa kanyang kinatatayuan. Bigla na lamang naging blanko ang kanyang isipan, hindi siya makaisip ng paraan upang madali ang robot na matagal pa rin niyang minamahal.

Nabalik siya sa reyalidad nang mawala na si Arino sa kanyang tabi. Nanlaki na lamang ang kanyang mata nang nakita niya na pumosisyon ito nang malapit kay Optomus.

"Hindi ako sigurado diyan sa sinasabi mo, Optomus. Dahil dalawa kami na lalaban sa'yo samantalang ikaw ay nag-iisa lamang!" Bulyaw ni Arino bago siya tumalon ng napakataas sa harap ni Optomus. Nagpahulog ito sa ere at inihanda ang kamao para masuntok si Optomus, ngunit hindi iyon ang nangyari.

Nanlaki ang mata ni Arino nang naramdaman niya ang mahigpit na pagkakahawak ni Optomus sa magkabila niyang pulso. Nag-umpisa nang magsituluan ang dugo niya dito kaya napasigaw na siya sa sakit.

"Leoran! Tulungan mo ako!" Huli nitong nabanggit bago siya nawalan ng malay at ibinagsak ni Optomus.

"Arino!" Malakas na sigaw ni Leoran at inumpisahan nang gamitin ang kanyang kapangyarihan. Pumorma siya ng gintong bilog gamit ang kanyang mga palad at pinalaki bago niya ito bago itinama kay Optomus. Muli na namang nanlaki ang kanyang mata nang makita niyang wala itong naging epekto sa kanya, nakapinta pa rin ang ngisi nito sa mukha.

"Sa tingin mo pa talaga Leoran ay matatalo mo na naman ako? Nagkakamali ka ng inaakala, mas makapangyarihan na ako sa'yo. Hangga't dumarami ang mga taong napapatay ko, lalong lumalakas ang aking kapangyarihan, at papatayin rin kita upang ako na ang maging pinakamapakapangyarihang tao sa buong mundo." Muli na namang napaatras si Leoran sa kanyang mga naririnig. Hindi ito maaari, katapusan na ba niya? Wala na bang pag-asang maibalik pa niya si Optomus sa dati nitong anyo at pagu-ugali?

Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang bigla siyang nadapa habang umaatras siya kay Optomus. Bigla na lamang siyang nanginig nang humakbang si Optomus palapit sa kanya, lalo na ng bigla siyang hinablot nito gamit ang malaki niyang kamay. Lumunok muna siya ng laway bago magsalita.

"Optomus, hindi pa huli para maibalik ka sa dati. Kaya pakiusap, itigil mo na 'to. Maawa ka sa sarili mo, maawa ka sa mundo, tumigil ka na." Payok nitong saad sa kanyang kasama. Napahugot na lamang siya ng hangin nang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya, dahilan upang mahirapan siyang makahinga.

"Wala akong alam sa iyong sinasabi, Leoran. Ang aking tanging kagustuhan lamang ay ang maging pinakamakapangyarihan dito sa mundong ibabaw." Isang malakas at payok na sigaw ang lumabas mula sa bibig ni Leoran nang makaramdam siya ng napakahapding sakit sa kanyang katawan. Para siyang pinagtutusok ng sandamakmak na tinik. Unting-unti na siyang nanghihina na parang halamang nalalanta habang patuloy ang pag-agos ng dugo sa kanyang katawan. Huli niyang nakita ang nakangising mukha ni Optomus bago sinakop ng dilim ang kanyang paningin.

Watty Writer's Guild Writing BattleWhere stories live. Discover now