Iloisa: Bestfriend

465 26 3
                                    

     "Hi," bati sa akin ni Pamela no'ng tinabihan niya ako sa library. "Hi," bati ko rin sa kanya.

    "Pasensiya na, hindi ako nakapunta no'ng birthday mo. Alam mo na, tatlong oras ang byahe papunta sa bahay ninyo atsaka alam mo namang kailangan ako ni Ama sa tindahan."

     "Naintindihan ko naman 'yon Pam, don't worry. Mas masaya nga lang siguro kung nando'n ka."

     "Yah I know. Here," at inabot nya sa akin ang isang paperbag. Binuksan ko kaagad at tuwang-tuwa ako ng makita ang panda stuff toy na pinag-iipunan ko.

     "Woaah!! Galeng!!"
      "Ingatan mo 'yan ah."
      "Haha! Speechless."

     Naging kaibigan ko si Pam sa subject naming Biology. Napakatahimik nya. Absent ang bestfriend niyang si Lee-Ann at absent naman ang bestfriend ko si Jonna kaya no'ng nagka group work, nagka chance kaming magka kilala.

     Marami kaming common ni Pamela at masasabi kong na eenjoy ko ang company niya. She's the type na tahimik pero pag naka-usap mo, matalino pala at marami kang matututunan sa buhay-buhay.

    Gusto ko si Pamela, gusto ko siyang maging close and she feels the same way towards me too. Lagi kaming nagtetext gabi-gabi after school.
Oo, after school lang kasi may kanya-kanya kaming grupo na pinagtutuunan ng panahon.

    One day during breaktime ay nilapitan ko si Jonna, bestfriend ko.
    "Bes, okay ka lang?"
    "May ibibigay akong sulat Isay tapos balikan mo ko sa gym," inabot niya ang letter niya sa akin tsaka sya umalis. Nagtatka man ay binasa ko ang sulat niya. Naguluhan ako at nalungkot pagkatapos.

     Umakyat ako ng gym at naabutan syang nag-i-sketch... pic naming dalawa. Tinabihan ko siya.

     "Bes.... nabasa ko na."
     "Sorry Isay. I know mali. Lagi mong sinasabi sa kin na ang kaibigan ay hindi isang bagay na kailangan ariin. Wala akong karapatan na pigilan kang makipag kaibigan sa iba pero ayun talaga ang nararamdaman ko. Ayokong magalit ka sa kin sa tuwing nagseselos ako kung kasama mo si Pam. Kahit na ayokong maramdaman, dahil wala namang ginagawa si Pam na masama sa akin pero feeling ko, silently, inaagaw ka niya sa akin."

    "Jon....  sorry. Ayokong mafeel mo yang ganyan dahil alam mong mahal kita at importante sa akin ang friendship natin."

   "Pero ang dami na kasi nila. Ngayon umiwas si Pam dahil si LeeAnn nagseselos na rin. Ngayon naman si Rosselle. Bakit ganon? Hindi ka pa ba kontento sa akin?"

    "Hmmm... bes hindi ganon yon. May mga bagay lang talaga o pagkakataon na hindi ko hawak."

    "Isay.... kakayanin kong umiwas muna sa yo. Masakit pero you need to put yourself up kasi may mga nasasaktan ka na. Andito lang ako lagi. Alam mo kung paano at saan ako marireach."

-------

    That night ay inalis ko muna si Jonna sa isip ko. Hinihintay ko ang call ni Rosselle.

    Naging close ko si Ross one time... nagkasabay kami sa enrolment. Ross belongs to a group na matatalino at sikat sa school.. at sya ang pinakamatalino sa buong batch namin. Nailang ako noong una kaming mag usap kasi di naman kami close talaga.
  She saw me alone sa registration non at sobrang haba ng pila. She approached me para isabay na ang papers ko sa kanya. Since pagod na ko kakapila.... pumayag na ko isabay sa kanya. Ambait pala nya
   After that we exchanged letters and calls. May bff din sya, si Jheynie. We became closer and closer until such time naka focus na kami sa isa't isa.

    Hindi nag call si Rosselle sa gabi na ineexpect ko. Kinabukasan.. as if hindi nya ko kilala. And I was hurt. Parang bakit ganon?
    I came to Ross' life when she's down becuz of her family. I was there to boost her confidence. I never imagined na sya.. pinaka matalino at sikat... may solid na grupo ay naging open ang buong buhay nya sakin. She admitted na hindi sya comfy mag open kay Jheynie.
  I consider ours was a friendship on purpose.

There's No Easy Way ( One SHOT )Where stories live. Discover now