Isa Akong Papel

19 0 0
                                        

Isa akong papel.
Sa akin mo isinusulat ang hindi mo nais sabihin.
Sa akin mo isinusulat ang gusto mong hilingin.
Sa akin mo isinusulat ang gusto mong ilihim.
Sa akin mo isinusulat ang mga bagay na ayaw mong aminin at baka hindi mo ito kayanin.

Isa akong papel.
Papel na kaydaling itapon kapag hindi na kailangan.
Papel na nilukot, pinunit at dinumihan.
Papel na pwedeng husgahan.

Ngunit isa akong klase na papel na kaydami ng karanasan.
Papel na meron ding kahinaan.
Papel na pwede mong iyakan.
Papel na kailanma'y hindi ka iiwanan.
Papel na hinding-hindi ka pababayaan.

Ngunit lagi niyong pakatatandaan,
na katulad niyo din ako.
Ako din ay may damdamin at may puso.
Ako din ay nanghihina at nanlulumo.
Kailangan din ng pag-aaruga at pagmamahal ninyo.

Isa akong papel.
Papel na dapat niyong pahalagahan.
Papel na dapat niyong ingatan.
Papel na dapat niyong alagaan.
Papel na dapat niyong bigyan ng karapatan
upang mailahad ang aking nararamdan
para ang sakit, pighati, at kalungkutan..
ay unti-unting mabawasan.

Unsaid (Collection Of Poems)Stories to obsess over. Discover now