Chapter 4: Consequence

128 32 83
                                    

(Monday) July 02,2018
6:52 am

       "LATE na ako." Tarantang sabi ko sa kausap ko sa kabilang linya. Uminom ako ng tubig tsaka mabilis na nilisan ang bahay. Dala-dala ko ang shoulder bag ko na lagi kong ginagamit. "I told you last night to wake up early. Edi late ka ngayon?" Napabuntong hininga naman ako. "Manenermon pa e. Kasalanan mo. Sinanay mo ako sa lagi mong paggising sa 'kin araw-araw. Tsk." Lumabas ako ng gate tsaka ito kinandado.

       Palingon-lingon ako sa kaliwa at kanan, nagbabakasakaling may dadaan na taxi. Tiningnan ko ang oras sa relo ko. "Patay, sobrang late na ako." Mahina kong sabi habang natataranta. Bahagya pa akong napapadyak. "Aba, ako pa ang sinisi." Natatawa nitong sambit.

       Hindi ko pinansin ang sinabi nito bagkus ay napaismid ako. "Walang taxi rito, Glum. Kailangan ko bang takbuhin ang entrance ng subdivision?" Alinlangan kong tanong sa kanya. "Itch, why do you need to find a taxi when in fact you have this car that you never use since then."

       "Nagamit ko na 'yon. Pinatira ko nga lang sa garahe ng ilang taon." Pagtatama ko sa sinabi niya. Natakot na kasi akong gamitin 'yon dahil sa panahon ngayo'y marami na ang mga nadidisgrasya. Karamihan pa'y mga kaedaran ko. Tsaka wala pa ako lisensya kaya hindi ko ginagamit. Minor pa ako. "Alam mo namang hindi ko pwedeng gamitin 'yon. Baka mahuli ako. Minor pa ako, diba?" Pagpapaalala ko sa kanya. Muli kong tiningnan ang oras. Napamura ako sa isipan ko ng makita ko ang oras. 7:08 am na. Ilang minuto nalang at male-late na talaga ako.

      "I know. Wha--" hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. "22 minutes nalang. Talk to you later Glum. I need to run as fast as Flash and I can only do that if I'll end this call." Narinig ko naman ang pagtawa nito.

       NAPAKAGAT labi ako dahil sa sikip, pakiramdam ko'y mahuhulog na ako sa kinuupuan ko, sumasabay pa ang pagtulo ng pawis ako. Ang init dito sa jeep. Nasa pinakadulo ako ng upuan sa kaliwang bahagi ng jeep. Naiilang din ako dahil sa mga napapatingin sa 'kin. Paminsan-minsa'y napapatingin ako sa relo ko. It's already 7:21 am, meron nalang akong 9 minutes para makapasok pa.

       Inis akong napapikit ng huminto ang jeep dahil may sasakay. Lord! Help me! Ito ang unang beses na pagsakay ko ng jeep dahil wala na akong choice. Naalala kong araw-araw na pala akong magco-commute kaya kailangan kong magtipid. Sa susunod na linggo pa kasi ako makakatanggap ng allowance e. Minulat ko ang mga mata ko anang nagsimula na ulit itong umandar, napatingin ako sa taong nakaupo sa harap ko. Nakasuot ito ng uniform ng Bleion Colegio kung saan nag-aaral si Fiev. Nakatingin ito sa 'kin na para akong sinusuri. Iiwas na sana ako ng tingin nang ngumiti siya sa 'kin.

       Wala akong nagawa kun'di ang ngumiti pabalik tsaka tuluyang nag-iwas ng tingin. Napapunas ako sa aking noo ng may bumuong pawis do'n. ~Miss niya na ako~ ~Miss niya na ako~ 

       Mabilis kong sinagot ang tawag ni Glum tsaka nilapit sa tenga ko. Napatingin naman lahat sa 'kin ang mga kasama ko rito sa loob ng jeep. "Sorry po." mahina kong paghingi ng paumanhin tsaka yumuko. "Fien? Nakarating ka na ba?" tanong ni Glum sa kabilang linya. Napatingin naman ako sa likod ko para tingnan kung nasaan na kami. "Hindi pa pero malapit na ako." Gamit ang mahinang boses. Inipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko tsaka binuksan ang bag ko. Kinuha ko ang ID ko tsaka ito hinawakan ng mahigpit. "Ha? 10 minutes lang naman ang byahe sa subdivision papunta sa Bleion, Fien. Paanong hanggang ngayo'y wala ka pa sa Universidad?" takang tanong nito. 

Night WarningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon