Chapter 6

177 2 0
                                    

Nagulat at kinabahan ako sa bigla niyang pagsigaw.

Nakatitig nga naman kasi talaga ako sakanya.

Tapos...

Naramdaman ko na lang na biglang lumamig yung paligid.

Ramdam ko...

Andito lang siya sa paligid.

“Sorry, Sir. Di na po mauulit.” Sabi ko na lang

Ayoko pansinin yung pagsigaw niya sa akin at ang biglang paglamig ng paligid.

Pinagpatuloy lang naming yung paglilinis nang biglang nag salita si Sir.

“Ba’t ba ang tagal nila? Papuntahin mo nga muna si alex para dalhin yungmga natapos na para makapag simula na kayo.” Sabi ni Sir.

“Ok po, Sir.” Tinext ni Jay si Alex na pumunta muna sa audi at dalhin nga yung mga naprint na.

Habang naglilinis kami at nag aantay kay Alex, biglang nawala si Sir.

Nagtanungan na kaming 3 kung saan siya pero pinabayaan na lang naming dahil mas ok na yung wala siya.

Pagka maya-maya...

Narinig ko nanaman  yung mga yabag ng takong ng babae...

Kinabahan ako...

Di ko alam kung narinig ba nila o hindi pero parang wala eh...

Patuloy lang sila sa kanilang ginagawa.

Biglang nagsalit si Rachel

“Ba’t ang tagal naman ata ni Alex? Tawagan mo nga.” Tanong niya kay Jay

“Oo nga. Di naman sobrang layo ng lab.” Sabi ko

Tapos nun, narinig ko nanaman... parang tulad lang ng dati kong narinig

Tulong...  bulong nanaman ng babe

Andyan na siya... tulong please.

Pagkamaya-maya biglang bumukas yung pinto ng audi.

Nagulat ako.

Pumasok si sir. Tiningnan niya kami ng masama tapos naglakad lakad palibot sa Audi.

Narinig ko yung mga yabag ng lalaki.

Natakot na ako dahil alam kong mangyayari na ulit yung nangyari sa babae.

Magiging duguan nanaman ito.

Ayoko na...

Iniisip ko pa lang, ayoko na.

Nakita kong huminto si Sir sa may stage. Kung saan ko nakita yung babae nung natumba ito.

Nung titingin na siya sa direksyon ko, umiwas agad ako.

Kahit nerd tingnan kasi ito nakakatakot talaga kung makatingin.

“Ba’t wala pa rin si Alex?” bigla niyang tanong sa amin

“kanina pa po naming tinatawagan pero di po sumasagot eh” sagot ni Jay

“tanungin niyo si Sam. Baka bumalik doon. Tapos papuntahin niyo na lang dito para madala yung natapos na nasassayang yung oras eh. Lalabas muna ako mag c-CR lang.” Utos niya nanaman sa amin.

Ba’t ba kasi wala pa si Alex.

“tawagan mo nga si Sam. Tagal ha.”sabi ko kay Jay

Pagkatapos niyang tawagan tinanong ko sila

“di niyo ba narinig?” sabi ko

Napalingon sila sa akin

“anong narinig? Ang alin?” balik tanong sa akin ni Rachel

AuditoriumWhere stories live. Discover now