Chapter 2

160 1 0
                                    

Yabag ng isang lalaki. Nasabi niyang isang lalaki ang nagmamay-ari nito dahil mabibigat ang mga yabag.

Mahina ang lakad nito.

Parang nasa likod banda ng auditorium.

Lumingon si Mika sa likod pero wala naman kasi talagang tao... o kahit na sino...o ano...

Biglang lumamig yung paligid at humangin.

Kinuha ni Mika ang CP niya at sinubukang tawagan ulit ang mga kaibigan niya pero wala paring signal.

Bigla siyang napalingon sa kanyang kaliwa...

Parang may narinig siya eh...

May bumulong...

...tulong...

“huh?” bigla siyang napalingon

Please... tulungan mo ako...

“sino yan? Hoy! Hindi magandang biro to Jay ha! Labas na kayo. Di to nakaktuwa” Sigaw ni Mika sa pag aakalang mag kaibigan niya lang yun.

May narinig siyang tumatakbo nang naka paa.

AAAAAHHHH!!!!!!!!

Biglang may sumigaw. Nagulat si Mika.

Naiiyak na siya sa mga nangyayari.

Bigla siyang may naramdamang may humawak sa kaliwa niyang kamay.

Napakalamig nito.

Napaatras siya at bumungo sa lamesang nasa gilid at natumba.

Ang mga yabag ng lalaki ay papalapit ng papalapit. Natakot siya.

Baka may anong mangyari sa kanya.

Tulong.. please..

Tulungan mo ako..

Narinig niyang may natutumbang mga upuan at mga lamesa pero wala namang may nangyayari sa paligid.

Iniisip ni Mika na baka guni-guni niya lang ang lahat na mga hallucinations na niya lahat nang biglang may dumaang malamig sa kanya.

Sobrang bilis. Parang isang malakas na hangin lang na biglang dumaan...

Parang may nahawakan siya...

Isang kamay. Malamig ito..

Maya-maya unti-unti niyang nakikita yung mga nangyayari.

Biglang nag iba yung paligid.

Naging luma ito.

At..

Nakita niya yung babae. Maganda. Nasa sahig na at natumba. Takot na takot ito.

Naka paa lang ito.

May nakita siyang sapatos sa di kalayuan. May takong ito.

Ito pala yung naririnig niya kanina. Kaya pala biglang nawala dahil hinubad niya ito para makatakbo ng maayos.

May humahabol pala sa kaniya. Isang lalaki.

Gwapo...

Nasa harap na ito ng babae.

Natakot na talaga siya.

AuditoriumWhere stories live. Discover now