This foreign feeling called 'Love'!

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ahm…hindi naman masyado. Tara laro pa tayo.”

“Hindi ka pa ba pagod, ha?” sabi niya sa akin na nakangiti pa rin habang pinagmasmasdan niya akong mabuti na tila may inoobserbahan sa akin.

“Pagod? Ako?  Hindi ah. Ikaw siguro pagod na. Matanda ka na kasi eh… Tsaka ganito pala ang oras ng tulog ng mga matatanda. Hahaha!” pang-aasar ko pa.

“Oh siya sige na matanda na ako. Pasalamat ka pagod ako kundi…” Tumingin siya sa akin ng napakapilyo at ngumiti na parang alam ko na ang nabuo sa kanyang isip.

Hindi ko mapigilan mag-alinlangan at kabahan sa reaksyon niyang iyon.

“Tulog na tayo. Tara.”

Tumingin ako sa kanya ng matagal at halatang halata ko sa mata niya na may iba siyang iniisip. Hindi ako malisyosa, alam na alam ko lang ang iniisip ng isang Tim Aquino sa oras na to.

“Margaret?” Iniabot niya sa akin ang kamay niya para alalayan akong tumayo.

Tila nanuyo ang lalamunan ko sa kaba at hindi ako makapagsalita. Ako ang nagprisintang makasama pa siya ng matagal kaya kung ano man ang consequence ng desisyon na iyon ay dapat pinag-isipan ko munang mabuti bago ako nag-inarte kanina na sinabi sabi ko na gusto ko pa siyang makasama ng matagal.

Huminga ako ng napakalalim.

Eto na ba to? Eto na ba talaga ito?!

……………………………………

Kanina pa ako paikot ikot sa kama at hindi mapakali. Magtatatlong oras na rin.

Mukhang mali ang hinala ko kay Tim. Ako na talaga ang madumi ang iniisip. Pero somehow natuwa ako sa idea na ginalang niya ako at wala siyang ibang ginawa sa akin. Pero nakakapagtaka lang din talaga bakit wala siyang ginawa sa akin?

Ibig sabihin ba noon ay wala na siyang attraction sa akin di gaya ng dati kung yayain niya ako ng lantaran? O mukha lang talaga akong losyang ngayon? O pagod lang talaga siya? O talagang ginagalang niya lang ako? My heart swelled with pride from the thought that he respected me.

Sa sobrang paggalang niya sa akin ngayon ay sa magkaibang kwarto pa kami natulog.

Pero ang ipinagtataka ko sa sarili ko bakit ako naiinis? Naiinis dahil walang nangyari? C’mon Margaret ang landi mo lang. So gusto kong may mangyari? Handa na ba ako doon? Ngayon hindi na agresibo si Tim sayo ngayon ikaw naman ang makapag-isip ng ganyan.

Pero naman kasi…Magkakainsomnia talaga ako nito.

Paano ako makakatulog ngayon alam kong may magandang lalakeng natutulog sa katabing kwarto ko. Paano ako matutulog ng mahimbing kung alam kong andoon lang siya. Gusto ko siyang silipin. Gusto ko siyang tignan habang natutulog. Gwapo pa rin sya for sure. Pero kailangan ko lang talagang makita. Mababaliw ako sa mga tumatakbo sa images sa isip ko na itsura ni Tim habang natutulog. Ewan. Pero parang meron something sa akin na gusto siyang makitang ganoon at hindi ako nagpapalusot.

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon