Kahit nag labo-labo na ang lahat, alam pa rin ng bawat isa kung sino ang magkakalaban. Feeling ko nga kabilang na talaga ako sa Alien Convention na magiting na nakikipag-laban. Lahat nang ito ginagawa nila para sa ating mga tao kaya sobrang laking pasasalamat ko sa kanila. Na mayroong nag-eexist na tulad nila at ngayon napabilang pa ako. Kaya bilang utang na loob hindi rin ako magpapa-huli sa laban. Nagsimula rin akong tumulong sa ilang miyembro.

Bumabaril ako nang mga halimaw kung kaya't naging madali para sa ilang miyembro ang makipag-laban. May sumusunggab sa akin ngunit tumatalsik dahil sa mala-tubig na bulang pumo-protekta sa akin. Kaso nga lang gumagalaw at may pagkakataong mawala kung madali akong mabubuwal mula sa pagkakatayo. Oo nga pala, dapat may kasama akong mas malakas ang pangangatawan kaysa sa akin.

At sa wakas, nakita ko na si Hector na naka-bangon na pala at kasalukuyang nakikipag-bunuan sa ilang mga halimaw. Kumaripas ako nang takbo patungo sa kanya. "Hector, iligtas natin ang mga tao!"

Binalibag niya muna ang isang halimaw bago lumingon sa akin. Tumango siya at lumapit. Inalis ko ang bulang bumabalot sa akin at saka niya ako niyakap. Tumalon siya nang ubod taas kung kaya't mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya. At habang nasa ere, may pagkakataong bumabaril kaming dalawa at tumutulong sa ilang mga miyembro. Pagbagsak namin, iiwasan ang mga naglalaban laban at tatalon ulit.

Hanggang sa marating namin ang bakuran nang simbahan kung saan doon kami bumagsak. Na kung saan gumuho ang tuktok nang kampanilya. At nagpagulong-gulong ang bakal na kampana sa lupa patungo sa amin, ngunit alisto naman naming sinalag sa tulong nang liwanag sa dalawang braso ni Hector. Lakas loob naming nilakad ang daan patungong malaking pinto.

Bigla nalang sumambulat ang isang pagsabog at kapwa kami tumilapon ni Hector. Nakuha niyang maka-balanse, pero ako, tumama sa lupa, mabuti nalang damuhan yung binagsakan ko. Pinilit kong bumangon, medyo masakit ah. At ang animal na si Crey pala ang may gawa noon. Nasa bukana na siya nang bakuran.

Sinugod siya ni Hector ngunit dumepensa siya sa pamamagitan nang paghampas niya nang kanyang buntot dito. Natamaan niya si Hector na tumilapon at tumama sa batong dingding sa harap nang simbahan.

Sunod na bumaling si Crey sa akin na nagpaputok nang kanyang hawak na sandata. Ngunit alisto kong pinalabas ang bula. Nasalag yung mga patama pero lumihis ito nang landas at tumatama sa lupa sa aking kaliwa at kanan. Sumasabog pa rin yung aking paligid at wala akong katapusan kung tumilapon. Bumagsak ako sa pinaka-entrada nang simbahan at tuluyang nawala yung bulang pumoprotekta sa akin.

Sumabog muli ang aking kinalalagyan at tumilapon na naman akong muli. Halos humandusay na ako at ilang metro nalang ang layo nito sa pinaka-pintuan. Narinig ko ang mga yabag ni Crey at palapit na ito sa akin. Pinilit kong bumangon dahil kailangan ko pa rin maging matapang. Hanggang sa maramdaman ko nalang na may naka-tutok na sa aking ulo.

"Palpak na ang misyon kong ito, wala ka nang silbi babae ka!" wika ni Crey. Naaamoy ko ang sunog na kable sa sandatang nakatutok na sa akin. Ngunit hindi ako umiyak sa kauna-unahang pagkakataon. Yung tipo bang wala na naman ako sa aking sarili. Manhid na ata ako sa sakit. "Patay ka sa akin ngayon,"

May mabilis na hanging dumaan at pag-lingon ko sa likod, naglaho si Crey. Sumabog ang pintuan nang simbahan at napa-dapa akong muli na naka-takip ang aking mga braso sa aking ulo. Sinugod siya ni Hector kaya nabaling sa ibang direksyon ang kanyang patama na dapat sana sa akin.

Inangat ko ang aking ulo at nakitang nawasak ang malaking pinto. Inikot ko ang aking paningin at hinanap silang dalawa. Ang bilis nilang kumilos habang nagbubunuan. Hindi ko na alam kung ano ang ginagawa nila basta yung lupang nalalapitan nila, nasisira. At yung maliit na chapel sa gilid nang simbahan halos mapulbos dahil doon sila tumamang dalawa.

Nang ibaling ko naman ang aking mata sa wasak na pinto nang simbahan, nanlaki ito. Naroroon kasi ang lahat nang mga tao na mga nakatayo nang tuwid at pikit ang mga mata. Tulog ba silang lahat? Buhay ba o patay?

Na-isip ko kaagad ang aking pamilya. Bumangon ako at kumaripas nang takbo sa loob. Hindi ko sinasadyang makita sina Chamie at Marinagua. Nilalagyan nila nang kakaibang balot ang bawat tao, nagliliwanag kasi ito.

"Iris!" bulalas ni Marinagua sa akin. "Huwag kang mag-alala safe sila as long na may barrier ang kanilang mga katawan.

"Ipapakain silang lahat ni Crey sa mga tauhan niya," mangiyak-ngiyak kong wika.

"Don't worry Iris, bago pa mangyari iyon. Ubos na ang lahat nang mga alagad niya. We estimated that he had only five thousand soldiers ngayon at ten thousand ang members natin na nakikipag-sagupaan," paliwanag ni Chamie.

Konte lang pala sila, pero malalakas naman. Nasorpresa ako nang mahagip nang aking mga mata si Albert na nasa likod ni Chamie. Hindi ko maiwasang mapa-bulalas nang iyak kung kaya't tumakbo ako patungo sa kanya. Wala pa siyang maliwanag na balot at gaya nang lahat nang tao rito, nakatayo rin siya habang naka-pikit ang mga mata. Niyakap ko siya ng mahigpit kahit wala siyang ka alam-alam na nasa harapan niya ako. Hinaplos ko ang kanyang gwapong mukha at na-miss ko ito nang sobra. Ilang buwan akong halos mabaliw dahil inakala kong patay na nga siya. Hindi ko maiwasang halikan ang kanyang mga labi dahil sa labis kong pangungulila sa kanya.

"Iris," dinig ko, bigla akong natigilan.

Lumingon ako sa aking likuran at nakita si Hector ilang metro ang layo sa akin. Naka-labas ang kanyang mukha at bakas dito ang pagka-bigla. Pilit siyang ngumiti sa akin. "S - Salamat maayos ka na," walang buhay ang kanyang boses.

Naroroon sina Marinagua at Chamie na tahimik na nakatingin sa akin. Na bigla nalang kaming nakarinig nang nakakatakot na bulalas. Nasa loob na pala si Crey at pihadong hinahanap na kami nito.

"Dito ka lang, tatapusin ko siya," wika ni Hector. Yung kanyang mukha, nagbago. Mula itong nagmukhang matapang.

Lalapitan ko sana siya kaso mabilis siyang tumakbo at iniwan kaming tatlo.

"Dont worry girl, kaya niya yun," sambit ni Marinagua.

"Tulungan niyo ang mga tao," putol ko sa kanya. "Lalaban din ako,"

"Girl! mahina ka, hindi mo kaya ang hali - " naputol ang pagsasalita ni Chamie.

"Salamat sa pagligtas ninyo sa mga tao. Heto nalang ang ma-aari kong gawin dahil sa pagtulong niyo sa amin,"

Hinawakan ni Marinagua ang aking kamay ngunit binitawan ko siya. Tumakbo ako at iniwan silang dalawa. Naririnig ko pang tinatawag nila ang aking pangalan pero hindi ko na sila pinansin pa.

At pagka-labas ko nang simbahan, nagpapang-buno na sina Hector at ang halimaw na si Crey. Na kahit nag kakanya-kanya nang labanan sa buong lugar ay nakikilala ko pa rin kung sino ang dalawa roon. Kaso nga lang unti unti silang napapalayo sa akin. Sinubukan ko silang sundan kaso bigla naman silang naghabulan at ang bibilis nila. Na napa-tigil na ako sa pagtakbo dahil hindi ko na kasi sila kayang habulin.

Nabaling ang aking paningin sa isang higanteng robot na hinahawi ang mga halimaw na pasugod pala sa akin. Kakampi siguro nila ito kung kaya't winagayway ko ang dalawa kong kamay sa ere para mapansin niya ako. Na kalaunan ay huminto rin sa aking harapan. 

Nalaman kong mayroon pala itong sakay. Umangat ang unahang bahagi na pinaka-mukha nang robot at lumitaw ang drayber. Naka-suot siya nang armor na katulad din nang kay Hector. Nawala ang takip sa kanyang mukha at lumitaw ang gwapo niyang mukhang tao. Tama nga ako, ka-uri nga ito ni Hector. Namumukhaan ko na kasi siya at nang makita niya ako, malawak ang kanyang ngiti sa akin kung kaya't sigurado akong kilala talaga niya ako.

"Habulin natin si Hector," sigaw ko.

Naka-tingala ako sa kanya at nakaturo sa direksyon kung saan sila nag-punta. Mga sampung talampakan ata ang taas nang robot.

"Hector?" tanong nung lalake.

"Yung kasama mo!" wika ko sabay turo muli sa kalyeng dinaanan nila.

Lumingon yung lalake sa kalyeng iyon. Biglang nabalutan nang armor ang kanyang mukha. Nagsara ang mukha nang robot. Na akala ko pa nga dinedma ako ngunit nagulat nalang ako nang bumaba ang kaliwang kamay ng robot sa aking harapan.

Tumango ako at umupo rito. Niyakap ko yung braso nang robot na parang poste. Gumalaw ang kamay nito at umangat sa lupa. Nagsimula itong tumakbo nang mabilis. Sinuong namin ang kalyeng punong-puno nang mga naglalabang aliens at hinanap si Hector kung saan ito nagtungo.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Onde histórias criam vida. Descubra agora