"Hoy Ricci, ayusin mo yan" Sigaw ni Aljun at nakita kong umirap na umiiling si Ricci sa kanya saka kami nagpatuloy

As usual ganun pa rin, nagpapaulan pa rin ako ng spikes sa babae pero di na madalas kasi naaawa na ako. Mabait naman ako basta wag lang akong galitin. At tsaka I don't like being mad unless if there's a reason to be mad.

Nagset sakin si Thirdy ng bola, pumunta ako ng mas malapit sa net sabay sa pagtalon ko kasunod ng pagpalo ko sa bola. Bigla na lang ako napasigaw nang may nakaapak sa akin nang maglanding ako. "AAAHHHH" Sigaw ko at napahawak agad ako sa paa ko na sumasakit

Tumigil agad ang laro at tumakbo sila patungo sa akin para lapitan ako.

"Alana, okay ka lang?" Tanong sakin ni Thirdy nang lumuhod siya. Agad ako umiling habang hawak-hawak ko parin ang paa ko. Natatakot ako magalaw kasi ang sakit.

"Alana! Okay ka lang?" Ganun din ang tanong ni Ricci sakin at lumuhod din siya sa harapan ko.

"Dalhin na lang natin siya sa ospital baka ano ng nangyari at baka mas lalala pa ang paa niya" Sabi naman ni Vince

"Ako na magbubuhat sa kanya" Sabi ni Ricci kay Thirdy. Bago pa man makapagsalita si Thirdy, may sumigaw din "Aray!"

We turned our heads at pinalibutan din ang Babar kasama ang Green Archers

"Masama rin ang paglanding niya. Dadalhin namin siya sa hospital" Said Kib

"Ricci, halika dito, ikaw magbuhat kay Jessa, ikaw ang nag-aya sa kanya" Sabi naman ni Brent

Jessa pala name niya at ang gago lang ah? Bakit hindi nalang sila magbuhat sa babae? They seemed like na para bang ayaw nilang buhatin. At bakit di na lang nila gamitin common sense nila? Nasasaktan na ang babae oh. Sabi ko sa inyo, mabait talaga ako. Ayoko naman ring mas lumala ang paa niya.

"Ako na ang magbubuhat kay Alana, ako kasama niya dito, yung babae ang tulungan mo" Sabi ni Thirdy kay Ricci. Hindi na umangal si Ricci and without having second thoughts, umalis si Ricci sa harapan ko at pumunta siya soon sa babae.

Ba't parang mas masakit ang pagalis ni Ricci kaysa sa paa ko? Mas pinili niya ang babaeng yon na ngayon lang niya nakilala kesa sa ako na kaibigan niya. Sumikip ang dibdib ko at pinapakita talaga sakin ni Ricci na wala na talaga akong pag-asa sa kanya na wala talaga chance sa kanya

"Dadalhin ka namin sa ospital. Bubuhatin kita okay?" Sabi sakin ni Thirdy and tumango naman ako "Okay, please dahan-dahan, ang sakit ng paa ko"

Binuhat ako ni Thirdy nang dahan-dahan nga like he was afraid na baka matindig niya ang paa ko at napakapit ako sa batok niya at pagkatapos mabuhat ako ni Thirdy nang maayos, nakita kong naibuhat na rin ni Ricci ang babae. Nagtama ang mga mata namin at agad akong umiwas.

Sabay silang naglakad palabas ng resort with their friends trailing behind but we went separate ways nang makarating kami sa sasakyan ni Thirdy.

"How do I put her? Nang hindi ko natitindig ang paa niya?" Tanong ni Thirdy sa mga kasama niya

"Just put her down muna and ipasok mo na lang muna nang dahan-dahan ang paa niya" Suggested Raffy

Thirdy nodded at binaba niya ako. Nakakapit pa rin ako sa batok habang inuuna kong ipasok ang paa ko. I slowly climbed inside his car kasabay ng pagupo ko and ipinasok ko na nang dahan-dahan ang kanang paa ko na nainjured.

"Aray! Shit" Sabi ko nang tumama ang paa ko sa looban ng sasakyan niya. Mahina ang pagkatama nun pero ang sakit. Baka lumalala na ang paa ko. Shit.

"Dahan-dahan lang" Sabi nila. Once na naipasok ko na ang paa ko, I tried inhaling and exhaling kasi ang sakit sakit talaga. Pinagpapawisan na ako dito dahil sa sakit. I hope minor lang 'to. Nothing serious.

"Sunod na lang kami sa inyo" Sabi ni Vince and tumango si Thirdy sa kanila saka niya sinarado ang pinto. Tumakbo agad si Thirdy patungong driver's seat at pinaandar niya ito before we sped off.

Nakarating na kami sa pinakamalapit na hospital at agad ajakong deneretso sa ER para matignan yung paa ko. Tsaka paa na rin ng babae. Yes, same hospital lang kami. At ang awkward kasi yung feeling na matagal na kayong magkaibigan ni Ricci tas yung iba yung tinulungan niya? Ewan ko ba kung ano ang mararamdaman ko. Masakit? Oo, masakit. Awkward? Pwede na rin. Inis? Oo, nakakainis din.

"Pre, una na kami sa inyo, update us na lang" Wika ni Vince kay Thirdy

"Okay, ingat ka'yo"

"Alana, una na kami, pagaling ka" Sabi naman ni Vince sakin at ngumiti ako "Salamat sa inyo, ingat"

Nagpaalam na sila amin at umalis na. Sina Kib naman nauna na kanina pa. Sumama lang sila paghatid sa amin sa hospital saka umalis. Kaya ang naiwan ngayon at ako, si Thirdy, yung babae, si Ricci tsaka si Brent.

"Masakit pa ba paa mo?" Tanong ni Thirdy sakin habang linalagyan niya ng ice paa ko.

Sabi ng doctor, hindi naman serious ang natamo sa paa ko. Sprain? Strain? Ewan ko nakalimutan ko sinabi ng doctor and the Doctor estimated na 2 weeks pa raw gagaling ang paa ko as long as I refrain myself from walking around at hindi raw dapat ako lakad nang lakad kung gusto kong para mas mapadali yung paggaling.

"Yeah" Sagot ko naman. Napalingon ako sa kabilang upuan at gano'n din ginagawa ni Ricci sa babae.

Makalipas ang ilang minuto, nagsalita na ang Doctor, "Pwede na kayong makauwi basta wag niyong kalimutan na lagyan ng ice pack ang paa ninyo every night"

Kinuha na ng nurse yung ice pack na hawak ni Ricci at Thirdy at napatayo na sila

"Yes po, Thank you po"

Lumabas na kami sa kwarto at di na kami pinabayad kasi konting ice pack lang naman raw yun. Inalalayan pa rin ako ni Thirdy palabas ng hospital.

"Jessa! Okay ka lang? Kamusta?" May isang grupo ang sumalubong kila Ricci which I assumed mga kasama ng babae kanina sa beach

"Okay lang ako"

"Uh- Ricci, kami na lang maghatid sa kaibigan namin, pasensya na kung hindi kami nakasama sa paghatid sa kanya, hindi kasi agad namin nalaman na may nangyari sa kanya......... Kami nalang maghahatid sa kanya" Wika ng babae na nakaponytail.

Ngayon ko lang napansin na may suot na pala ang babae. Kanina naglalaro kami naka- two piece lang yun e.

"Okay sige, no problem" Sabi naman ni Ricci at lumapit agad yung kaibigan ni Jessa at pinalitan si Ricci sa pag-alalay sa kanya.

"Sige, una na kami"

"Thank you sa paghatid, Ricci" Ngiti nitong si Jessa kay Ricci at nakita ko ang unti-unting pagpula ng kanyang pisngi.

"Walang anuman, I hope you'll be okay" Sabi naman ni Ricci at nginitian siya pabalik.

Tss. May pa 'I hope you'll be okay' pa sa babae.

Wait--- Bakit ba ako nakikinig sa kanila? I should go now. My presence doesn't matter to them.

"Tara na" Told Thirdy at nasa labas na kami ngayon ng hospital papunta sa sasakyan niya

"Thirdy!" May tumawag kay Thirdy nang palapit na kami sa sasakyan niya. Huminto kami sa paglakad at lumingon.

Ricci jogs towards us habang si Brent naman ay nakasunod sa kanya na tila ba ay parang wala siyag choice kundi sumunod kay Ricci.

"Thirdy, pwede bang kami na lang ang maghatid kay Alana?" Asks Ricci nang nakalapit na sila sa amin.

Bago pa man makapagsalita si Thirdy, ako na ang sumagot sa kanya.

"Hindi, si Thirdy na ang maghahatid sa akin" Deretsang sagot ko.

Nakita ko ang pagkunot ng noo at pagkabigla ni Ricci na tila hindi niya inaasahan yon. Nasaktan ko ba siya? Kasi hindi lang naman siya e dahil the moment I said those words, naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko

Pwede Ba? | Ricci RiveroWhere stories live. Discover now