Chapter 34

2.2K 66 16
                                    

Kate's Pov

Parang sobrang bagal ng oras. Bago lumipas ang gabi hindi mawawala na iiiyak ko muna ang lahat. Hindi mawawala yung maaalala ko ang mga nangyari.

Katulad ngayon, magsisimba na kami mamaya dahil December 24 na. Pasko na pala mamayang alas dose pero nakahilata pa rin ako dito sa kama ko at hindi manlang gumagalaw pa dahil sa oras.

"Ate?" rinig kong tawag ni Chivas mula sa labas.

"Sinong ate diyan? Dalawa silang nasa loob," si Ced.

"Edi ates? Mga ates,"

Nagkatinginan kami ni Margaux at natawa ng bahagya. Kahit kelan talaga si Chivas.

"Pasok." sabay naming sambit ni Margaux.

Umayos kami ng upo nung bumukas ang pinto. May dala dalang tray ang dalawa at may laman ng pagkain.

Doon ko lang napagtanto na hindi pa nga pala kami kumakain. Natulog lang si Margaux kanina habang ako walang gana at ayaw tumayo kaya hindi kami nakakain.

"Nagaalala na sila Mommy kaya pinadalhan nila kayo ng pagkain." sabi ni Ced at nilapag ang tray sa gilid ni Margaux.

"Ano ba nangyari, ates?" tanong ni Chivas nung nalapag niya na din ang tray sa gilid ko.

Tumawa ako at binatukan siya. Natatawa talaga ako kada sinasabi niya yung ates. Ang haba pa ng s niya eh.

"Wala. Mga chismoso," sabi ni Margaux at sinimulang tikman ang pagkain.

Kumain na din ako. Hindi pa naman ako masyadong gutom pero mabuti na din 'yung may laman yung tyan ko.

Habang kumakain kami bumukas ang pinto. Pumasok si Kuya na may dalang maliit na tupperware. Kunot noo namin siyang tinitignan nung nilapag niya ang mga iyon sa harapan namin ni Margaux.

"Ano 'to?" sabay naming tanong ni Margaux.

"Buksan niyo na lang," sagot nito at humiga sa couch.

Binuksan ko. Muntik na akong mapatili nung makita kong graham iyon. At natili naman si Margaux dahil cheesecake pala yung kanya.

"Kuya! You're the best!" sabi ni Margaux.

Gumaan ang pakiramdam ko sa tono ng kakambal ko. Cheesecake really makes her happy.

Tinapos namin ang pagkain namin. Pagtapos, pinakuha ni Kuya sa kasambahay namin ang tray at nagdesisyon silang manood ng movie. Nagkakatinginan na lang kami ni Margaux dahil alam namin pareho kung ano ang ginagawa ng mga kapatid namin.

They're trying to make us happy. They're trying to make us forget what happened and the pain.

"Penge naman ate," nakangusong sambit ni Ced sa gilid ko.

"Wala kang pinagdadaanan kaya manahimik ka."

Napatingin ako sakanya nung umakto siya biglang nasasaktan. Humawak siya sa dibdib niya kaya nakaramdam na ako ng kaba.

"Ano-"

"Masakit... Masakit puso ko ate. Iniwan niya ko..."

Binatukan ko siya sa inis ko. Muntik pa siyang masubsob dahil sa lakas ng batok ko.

"Aray naman, te! Nambatok pa. Di bale sana kung bibigyan mo pa rin ako kahit binatukan mo ko eh!" singhal niya.

"Ay pumapalag?" tanong ko sakaniya.

Yumuko naman siya at umiling. "'Di po,"

Tumawa ako at inakbayan siya. Finocus ko na lang ang atensyon ko sa pinapanood namin nila Kuya pero 'di ko pa rin binigyan si Ced ng graham.

They Meet AgainWhere stories live. Discover now