Sa tuwing nakakailang hakbang na siya, lumilingon siya sa kanyang pinanggalingan kung makikita pa niya ang kanilang tent para pag balik niya ay di siya maligaw. Medyo malayo na ang kanyang nalalakad, palakas ng palakas rin ang tunog na kanyang naririnig, at nakikita pa niya ang daan pabalik ng tent. 

Sa muling paglingon niya, may tatlong motorsiklo na papalapit sa kanya. Binilisan niya ang kanyang paglakad dahil bigla siyang kinabahan. Naka-helmet ang mga ito na may takip sa mukha at patungo sa kanyang direction. Ang mabilis niyang lakad ay naging pagtakbo. Ang hinala niyang siya ang sinusundan nito nang siya ay lumiko at ganun din ang mga sumusunod sa kanya. Hingal na siya pero hindi siya makatigil, pagod na rin ang kanyang mga binti. Naiinhale na niya ang mga alikabok sa bawat hakbang ng kanyang pagtakbo. Unti-unting lumilitaw ang kanyang mga kaliskis. Nanunuyo ang kanyang balat sa mainit na singaw ng lupa. Kailangan niyang makabalik sa tent o makakita man lang ng tubig para basain ang kanyang balat. Pag naabutan siya ng mga naka-motor at kung ano pang gawin sa kanya. Panay saad ng dasal ang kanyang isipan na sana ay may dumating na pipigil sa tatlo para makatakas siya. 

Lalong napalayo si Rhian sa kanilang location shoot at patuloy ang paghabol sa kanya ng mga naka-motor kahit pa medyo mapuno at hindi pantay ang lupang dinadaanan nila. Halatang sanay ang tatlo sa pagpapatakbo ng motor sa hindi sementadong lugar. Isang nakausli at malaking ugat ang hindi napansin ni Rhian. Sumabit dito ang kanyang paa kaya't nadapa siya at nagtamo ng malaking sugat sa kanyang tuhod at binti. Unang pagkakataon nakakita si Rhian ng dugo, nakaramdam siya ng pagkahilo. Umikot at nanlabo ang kanyang paningin. 

Isang lalaki ang lumapit kina Glaiza, bitbit ang ilang pirasong bote ng alak at bumulong. Nanlaki ang mga mata ni Glaiza sa kanyang narinig.

"Nasaan sila?" pagalit nitong tanong.

"Hindi ko po alam, mam," npabuntong hininga ang dalaga.

"Bart, I'll leave you in awhile. I just have to check on something. Guys, kayo na muna bahala kay Bart," paalam nito na tinanguan ng foreigner.

Kumuha ng helmet at sumakay si Glaiza sa isa sa mga nakapark na dirt bike. Pinaharurot ito na halatang may namumuong galit sa kanyang dibdib.

----------

Tumigil ang tatlong motor sa di kalayuan. Ibinaba ang side stand at sabay-sabay nilang nilapitan ang babaeng napaupo sa maalikabok na lupa.

"Si...sino kayo?! Anong gagawin ninyo?!"

"Relax ka lang Rhian,"

"Ki..lala ninyo a...ko?" sambit nito na umaatras habang lumalapit ang tatlo. Tinitiis niya ang sakit ng kanyang natamong sugat.

"Sinong hindi makakakilala sa sikat na model. Mga bro, hindi ko akalain na makikita ko ng personal ang crush ko. Maganda siya sa tvc at litrato pero mas maganda pala siya sa personal!"

"Oo nga. Bro, ang ganda ng labi! Nakakatukso!"

"Dyan lang kayo! Wag kayong lalapit! Sisigaw ako,"

"E di sumigaw ka. Malayo na natakbo mo. Malayo ka na sa location shoot mo," hinubad nila ang kanilang mga helmet. Namumula ang kanilang mga mukha, namumungay ang mga mata na ang titig ay may pagnanasa.

Patuloy ang pagatras ni Rhian despite ang sakit ng kanyang mga sugat. Patches of scales slowly appearing at natatakot siya na buong binti niya ay ma-cover ng kaliskis sa harap mismo ng mga lalaki. Hindi man bumalik ang kanyang buntot dahil hindi siya nakalubog sa tubig, dahil naman sa sobrang init, natutuyo ang kanyang balat kaya lumalabas ang kanyang kaliskis.

Parang kidlat na biglang dumating ang isa pang dirt bike. Huminto ito sa espasyong pagitan ni Rhian at ng mga lalaki. Nakasuot ito ng helmet pero nang makita ng mga lalaki ang nanlilisik nitong mga mata, kinilabutan sila. Parang binuhusan ng malamig na tubig, umatras sila. The new comer revved the bikes motor na lalong nagpakaba sa tatlo. They cowardly ran towards their bikes and flee with their tails between their legs.

Bumaba ang rider sa kanyang sasakyan. Hindi naman agad nakakilos at nakapagsalita si Rhian dahil bigla siyang binuhat ng rider.

"Wag kang matakot. Ibabalik kita sa location shoot mo," sabi nito na balewalang binuhat siya at iniupo sa kanyang motor.

"Kilala mo ako? Alam mo kung saan?"

"Nakikita na kita sa mga commercials at malapit lang sa dirt trail ang location shoot n'yo," the rider swerved its legs pasakay sa kanyang motor at binuhay nito ang engine. Nagitla naman si Rhian sa tunog nito. "Kapit ka. Baka mahulog ka. Mabilis akong magpatakbo," sumunod naman si Rhian na ibinalot ang mga braso nito sa waist ng rider.

The moment na umandar ang bike, lalong humigpit ang kanyang kapit sa katawan ng rider. Damang dama niya ang lakas ng tibok ng kanyang dibdib as her front pressed againsts the rider's back.

Alalang-alala si Barbie na nakaabang sa labas ng tent nang dumating si Rhian na nakasakay sa likod ng dirt bike. Nakita niya ang duguang binti nito at naaaninag ang lumilitaw na mga kaliskis. Lalo siyang kinabahan at agad tumakbo pasalubong sa kaibigan.

"Diyos ko Rhian, anong nangyari!? Bakit ganyan ang hitsura mo?!" pag-aalala nitong tanong.

Nang marinig ni Migo ang boses ni Barbie, lumabas ito ng tent upang salubungin si Rhian. Nakita siyabni Barbie na parating kaya't huminginito ng tubig. Sumunodnsi Migo.

"Salamat sa pagligtas mo sa akin,"

"Wala yon. Pero sa susunod, wag kang maglalakad-lakad mag-isa. Hindi lahat ng lugar eh ligtas kahitnwala kang nakikitang tao. Maganda ka, maraming tarantado na matutuksong gawan ka ng masama," sagot naman ng nagligtas sa kanya.

"Salamat ibinalik mo ang kaibigan ko, mister...?" tanong ni Barbie.

"Miss... Babae ako. Kailangan ko nang umalis. Tuturuan ko panng leksyon yung tatlong humabol sa'yo," hindi na nakapagsalita pa si Rhian dahil humarurot nang paalis ang rider.

Pagkadating ni Migo dala ang bote ng tubig, inagaw agad ito ni Barbie at ibinuhos sa binti ni Rhian. Napangiwi ito sa sakit pero unti-unting nawala ang mga kaliskis.

----------

Mabilis na nakita ni Glaiza ang tatlong riders na hinahanap niya. Susuray-suray itong bumababa sa kanilang mga motorsiklo.

"I'm removing you from my team!" sigaw nito habang papalapit sa tatlo. "Sinabi ko na sa inyo na mahigpit kong ipinagbabawal ang pag-inom lalo na kapag nasa trail tayo. Kesehodang nagaayos lang ng motor o nagpapractice. Mahirap bang intinidihin yon?!"

"Ms. G, nagkatuwaan lang naman kami. Wala kasi kaming ginagawa eh," sagot ng isa na nakasuot ng kulay blue suit.

"I don't care kung bored kayo. E di magpaalam kayo. Get the hell out of here at uminom kung saan, I don't care. Hindi yung dito pa kayo mismo mag-iinuman. Eh kung makadisgrasya kayo? Youbare all under my wings. Responsibilidad ko kayo at responisibilidad ninyo na pangalagaan ang estado ng grupo natin,"

"Mam, gusto namin ang team ninyo. Wag n'yo po kaming alisin," pakiusap naman ng naka-dilaw.

"Pasalamat kayo, isa kayp sa magagaling naming racers. Bweno, suspended kayo until further notice,"

"Mam, malapit na ang semis," angal naman ng naka-itim.

"You are out of the race to atone sa kasalanan n'yo. Para magtanda kayo. Bahala kayo kung gusto n'yong umaalis ng grupo dahil kahit magagaling kayo, hindi ako manghihinayang,"

Tumahimik ang tatlo. Wala silang laban kapag si Glaiza na ang nagsalita bilang lider ng Velocíta dahil ang ama nito ang kanilang financer at sponsor. Tinanggap na lamang nila ang parusa.

----------
Aba, may night and shining armor ang modelo. Imbes na sa kabayo nakasakay, sa motor.

May post sa Rhian Ramos Fan Comm fb page about TOTGA. Visit the page and join. Nakakatuwa un. Malay nio, maging ka-match ninyo c Zoe (Rhian Ramos)

Maligayang pasko rebels and non-rebel readers. Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa at pag-aabang ng updates.

If nagbabasa din po kau ng mga non-rastro stories pero LGBT, I highly recommend Yuriko Hime stories dito sa wattpad. She is the #1 lgbt best seller sa Amazon under lgbt category.

Merry Christmas ulit!!

Heart of the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon