Namumugto'ng mga mata
Umiiyak na kandila sa
bahid na mga luha sa mukha.
Pamilyar na tanawin dahil sa bawat gabi'y
nababanaag ka sa bukas mong bintana,
ganoon din ang iyong ginagawa.Tili nang pagtangis ay umaalingawngaw;
pagsisisi, pagdadalamhati.
Habang sa kabilang dako ay usap-usapang
ang buhay mo ay sinayang mo raw.
Samut-saring palitan ng kuro-kuro,
pulutong ng tao sa loob at labas ay ngayo'y nag-uusap tungkol sa pagsaklolo.
Pero ano pa'ng silbi nito?Sa panahong kailangan mo ng kalinga
mapagkait sila na magpadama.
Nakita ko noon sa di-kalayuan
kung paano mo sinubukang makibaka;
pilit na kumawala sa selda
na yari ng sariling isipan.
Hirap na hirap ka subalit
ang pinakamasakit ay ang
lumalaban kang mag-isa.
Isang panunuya sa kasalukuyan
sa dami ng bilang nila.Kapaligira'y mapanglaw,
tila ba'y nanduduyan na ipainda sa lahat ang bigat ng dati mong karga.
Hudyat sa paglubog ng araw
ang katapusan nang pakikidigma.Ibubulong sa hangin ang isang pagsusumamo.
Tapos na; matamo sana ang pamamahingang laging hinangad mo.— magsisisi kaya kung maaga pa'y pinahalagahan na?
YOU ARE READING
Kalye
PoetrySa Kalye na tanaw ang: Katampalasan, Karukhaan, Kalungkutan... Sa Kalye na uhaw sa: Kapayapaan, Katarungan, Kasiyahan... Mga mata'y nakagkita subalit bakit may tabing pagdating sa bulok na sistema? Kailan tayo magigising Isko at Iska?