Fine, I'll help her for the last time.

Lumangoy siya papalapit dito't hinawakan ang paa nito. Sinubukan niya itong i-alis, ngunit hindi niya rin ito magawa. Umiling ito't napagpasyahang umahon muna upang makakuha ng sapat na hangin. Matapos nito'y sumisid ulit ito pababa upang balikan ang dalaga.

Nakita niya ang maaliwalas nitong mukha habang nakalutang. Ang mahaba nitong buhok ay malayang gumagalaw-galaw ayon sa daloy ng tubig. Nang makalapit siya dito'y walang pag-aalinlangan niyang dinampi ang labi niya sa labi ng dalaga. Bahagya niyang binuka ang kaniyang bibig upang bigyan ito ng sapat na hangin.

Nagmulat ng mata ang dalaga, kung kaya'y nagkasalubong sila ng tingin. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatitig lamang sa mata ng binata. Hindi ito makapaniwalang nawala na ang isa sa mga pinakaiingat-ingatan niyang bagay bilang isang babae. Ito ay ang pagkawala ng una niyang halik sa isang lalaking hindi niya naman kilala.

Hinawakan ng binata ang leeg nito't idiniin lalo ang bibig niya sa labi ng dalaga habang binibigyan pa rin ito ng hangin. Nang matantya niyang sapat na ito, agad siyang yumuko upang tanggalin ang paa nitong naka-ipit sa pagitan ng mga bato. Buong lakas na tinulak ng binata ang bato kaya kahit papaano'y lumuwag ito.

Hinapit ng binata ang bewang nito't inangat ang katawan upang mai-ahon sa tubig. At nang tuluyan ng makaahon ang dalawa, bahagyang napasinghap si Lucy dahil sa wakas ay ligtas na siya. Naramdaman niyang may dalawang kamay na nakahawak sa bewang niya, at tinutulungan siya nitong makaakyat sa patag na lupa.

Hingal na hingal itong sumalampak sa lupa habang nakahawak sa dib-dib niya. Ni hindi niya pinansin ang binatang nakatayo sa tabi niya habang tinitingnan siyang naghahabol ng hininga. Isa lang ang nasa isip ng dalaga sa ngayon, 'yon ay naligtas na naman siya sa bingit ng kamatayan. Ngunit imbis na matuwa siya rito, mas umuusbong sa loob niya ang pagka-inis.

Nanginginig niyang hinawakan ang labi niya habang paulit-ulit na napapasinghap dahil sa bagay na nawala sa kaniya. Matalino siya't alam niyang ginawa lamang 'yon ng binata upang 'wag siya mawalan ng hininga, ngunit napakarami pa'ng paraan ang maaaring gawin maliban doon.

Maliban na lang kung sinadya niya'ng maka-iskor sa'kin. Punyeta!

"IKAW!" Bahagyang napataas ang kilay ng binata nang duruin siya ng dalaga. Tila ba nagulat siya dahil sa inasta nito. Hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit, at nanlilisik ang mga mata nito.

Walang pag-aalinlangang lumapit ang dalaga't agad sinampal ang pisngi ng binata. Nanigas ito sa kinatatayuan niya habang hawak-hawak ang pisngi niyang pakiramdan niya'y namumula na sa sakit. Tinapunan niya ng gulat na tingin ang dalaga dahil sa ginawa nito. Hindi ito makapaniwalang may naglakas loob na sampalin siya. Buong buhay niya ni lamok ay hindi nagawang dumapo sa pisngi niya.

"Tampalasan! Sino ka sa inaakala mo upang sampalin ako?" Masugid na tanong ng binata. Isa siyang Maharlika, pinakamataas sa lahat. Walang sino man ang maaaring manakit sa kaniya, walang sino man ang maaaring mang-insulto sa kaniya.

"Gago! Sino ka rin sa inaakala mo para halikan ako?" Maanghang na wika ng dalaga. Nangunot ang noo ng binata, talagang sinabihan pa siya nitong gago kahit sinagip niya ito sa pagkakalunod. Talaga ba'ng bastos ito't walang utang na loob?

"Wala ka'ng karapatan upang pagsalitaan ako ng ganiyan," Tiningnan siya ng binata mula ulo hanggang paa.

"Alipin." Napataas ang kilay ng dalaga. Ano naman ngayon kung Alipin siya? May kinalaman ba 'yon sa paghalik ng binata sa kaniya?

"Hindi kita hinalikan. Nandidiri man ako'y nararapat ko 'yong gawin upang iligtas ang mababang uring nilalang na 'gaya mo." Natahimik ang dalaga. Sa pananalita nito'y alam niyang isa itong Maharlika.

Luminous Academy: The IntellectualWhere stories live. Discover now