Rosario: Ingat ka sa pagdadrive ha?
V: Yes, ma. Thanks. (Tsaka na ako lumabas ng bahay.)
------
Eruption: Brad. (Napalingon ako ng marinig ko boses ni eruption mula sa likod ko. Lumapit naman sya sakin at tsaka kami nagfist bump.)
V: Oh! (Tsaka ko hinagis sakanya yung susi ng kotse ko.) Ikaw magdrive tol.
Eruption: Okay! (Tsaka na kami pumasok sa kotse ko.)
Nang makarating kami sa school agad kaming dumeritso ni eruption sa tambayan namin para makipagkita kanila vhong.
Vhong: Oy, brad kamusta? Madaya kayo ni K ah, hindi kayo nagpaalam umalis na pala kayo.
Billy: Kaya nga brad. Akala ko ba treat mo? Eh samin ang bagsak ng bill ah!
Ryan: Ubos pera ko. Dami pa naman namin order na alak.
V: Pasensya na tol, kayo naman kasi akala nyo naman mauubusan kayo ng alak, kung maka-order kayo parang wala ng bukas.
Vhong: Eh sabi mo kasi treat mo. Tapos nang-iiwan ka.
V: May sinabi ba akong treat ko? Sino ba nagyaya? (Napakamot naman ng ulo si billy sa sinabi ko.)
Billy: Ako! Pero brad, celebration yun para sa inyo ni K kaya dapat treat mo yun.
V: Next time treat ko.
Ryan: Balik mo nalang gastos namin.
V: Sandali nga, parang yun lang naman yung di ko treat ah, kadalasan ako lagi taya.
Vhong: Pero brad ang mahal ng mga alak.
V: Walang hiya talaga kayo noh! Pag ako magbabayad dapat talaga mahal yung alak. Ang galing nyo rin eh noh?
Vhong: Syempre ikaw mayaman eh.
V: Hindi nyo ba kayang bayaran yun? Kayang-kaya nyo naman eh.
Billy: Sige na nga. Basta next time sagot mo ah?
V: Oo na! basta sa isang kondisyon
Vhong: Kondisyon? Ano naman?
V: Tulungan nyo ako.
Vhong: tulungan saan brad?
V: For my proposal. (Pagkasabi ko nun nanlaki mga mata nila at tsaka sabay-sabay na lumapit sakin para ipat ako sa likod.)
Billy: Woooooooh! Brad, sigurado ka na?
Vhong: Handa ka na ba magpatali?
V: Sigurado na ako, at tsaka isa pa hindi ako magpapatali noh? Nasakin parin ang control.
Vhong: Hindi ako naniniwala dyan brad.
Billy: Ako din.
Ryan: Pati ako. (Ano to, pinagtutulungan ako ng mga mokong na ito?)
V: Anong hindi naniniwala? Mga tol, nasakin ang control, kahit kasal na kami ni K hindi nya ako mahahawakan sa leeg kung yun ang iniisip nyo.
Vhong: Basta! hindi parin ako naniniwala na kaya mo paring maging batas kay K.
Billy: Basta ako? Kay vhong ako.
Ryan: Ako rin syempre.
V: Ikaw eruption saan ka?
Eruption: Ako? Uuuummm!!! Ano! Kanila vhong ako.
V: Ano? (Sabay hampas ng shoulder nya.) Pati ikaw hindi naniniwala sakin?
YOU ARE READING
Bad Boy meets Good Girl || ViceRylle
FanfictionMay mga taong darating nalang sa buhay mo sa hindi inaasahang pagkakataon. Isang taong magpaparamdam sayo ng halaga mo sa mundo. Isang taong magmamahal sayo maging sino ka man. Dalawang taong iisa ang mundong ginagalawan. Dalawang taong magkaiban...
The Plan
Start from the beginning