Chapter 12 "who is the real enemy" (part 2)

5.1K 102 9
                                    

Joshua’s POV

 

Medyo malayo layo palang ay natanaw na ng aking gwapong mga mata si Aeya…kaya naman kinawayan ko ito kung saan nakita na rin nya ako…but there’s curiousity in her face. Aba! Bago to ah. Baket kaya?

“sya ba yung amo mo pre?” – tanong saken ni Lorenz.

“unluckily, oo, sya nga…” – ako

Baket kamo unlucky? Eh kasi nga diba, konting pagkakamali mo lang o kung ano man, head shot ka kagad, kaya dapat hindi lang doble ingat, dapat sampung beses kang mag-iingat sa mga ipinapagawa nyan kung gusto mo pang mabuhay.

“hindi ba masyado pa syang bata para maging amo mo? Ano bang trabaho mo sa kanya?” – tanong uli ni Lorenz.

Patay…anong sasabihin ko? Alangan namang sabihin kong ‘ah, sya yung queen namin, isa akong mafia…sya yung boss’edi malamang magfreak out tong mga to. Lalo na si Ayesha. Mukha pa namang inosente…pfffft…pero ay nako…bahala na nga…

“butler nya ko -_____-” – yan nalang nasabi ko. Eh hindi ko alam sasabihin ko eh!

“ah…” – buti naman at tumigil na sya sa pagtatanong…

Nung makalapit kami kay Aeya, nginitian ko lang ito…

“yo!” – sabi ko…pfffft…ganyan ang respect sa queen…hahaha…

Sinamaan lang nya ko ng tingin, dahilan kaya nabawasan ang ngiti sa gwapo kong mukha…kaso mukhang nagulat sya ng makita yung kasama ko…

Hala! Hindi kaya may gusto to kay Lorenz? Pfffft…nako nako, hindi ko alam na marunong din pala magka-crush to si aeya ah…pffft…hahaha…

“crush mo? Pffft…” – sabi ko habang nagpipiguil ng tawa…

“fvck you adamson…yung babaeng kasama mo ay si…” – sabi nya ng mahina tapos biglang umiwas ng tingin…ako naman napatingin muna kay Ayesha tsaka uli tumingin kay Aeya…

“…ang kapatid ko…” – pagpapatuloy nya tsaka ngumiti ng palihim…

Si Ayesha yung kapatid nya? ows? Weh? Bakit hindi halata? Mukhang mabait si Ayesha eh…mukha inosente…totally opposite nya…pffft…

“edi maganda. Atleast nakita na natin sya…” – bulong ko sa kanya…

Eh kasi nga! Coincidence. Galing lang. atleast nakita na namin yung ate nya.

“nah. Tara, dun na tayo sa loob…” – sabi nito atsaka naunang pumasok sa loob…sumunod naman kaming tatlo.

Aeya’s POV

So…si ate pala yun. Pero sino yung lalaki? Na kung makahawak sa kapatid ko parang wala ng bukas? -_____-+

Natapos na kaming umorder…bale, we’re just waiting for our foods to be serve nang magsimula akong magtanong…

“so, may I know your names?” – tanong ko sa kanilang dalawa ng nakangiti…

“oh, I’m Lorenz Ezekiel Aragon…and this is my fiancé, Ayesha Ricaforte…” – sagot nung lalaki…

“fiancé?” – ako

“yes po…pinagkasundo po kami ng parents naming dalawa ni renz eh…” – this time, ate is the one who answered…napangiti nalang ako…

She acts like a child…

“so, bakit mo nga ba ko pinatawag?” – bulong sakin ni Joshua na ngayo’y katabi ko at nakatingin kunwari sa cellphone nya…

Teen Age Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon