He shifted his position, mula sa pagkaka-indian sit sa harapan ko ay unti-unting humarap siya sa dagat at itinukod ang kamay sa likod niya at iniunat ang paa while I remained seated on my last position.

Sa biglaang paglingon niya ay natigil ako. That wonderful eyes that screams peace was what I saw. Malalim ito at nanghahatak at nakita kong sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya.

"Are you happy?" Natigilan ako sa sinabi niya. I wanted to look away, but his eyes were telling me to just stare at them.

"I mean, right now?" tumango ako nang walang pag-aalinlangan.

His eyes shined, like the stars above, like the moon giving light to a dark world.

"Good..." he said hoarsely.

"I-I felt like a normal person," pag-amin ko.

"You're normal," aniya sa akin. "Unless you have superpowers with you or tentacles—"

"Zeijan!" I exclaimed and he laughed. Tinagilid niya ang ulo at binasa ang pang-ibabang labi.

"Sorry, baby..." he grinned.

"Baby ka r'yan!" Kinaltukan ko siya. Mas ngumisi siya pero hindi ko naman naitanggi ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

His eyes were intense, I can almost feel my insides shaking at bago pa man ako matuksong humalik sa kanya ay nag-iwas ako ng tingin at gumaya ng pwesto sa kanya.

I stretched my leg and looked at the peaceful sea. It's color blue in the morning and black and dark at night yet...still the same, still beautiful, no matter what shade it is in.

"What were you thinking?" ani Zeijan kaya napalingon ako sa kanya.

"Nothing," I simply shook my head.

"You can tell me anything," aniya. Tumango naman ako at kinalma ang nagwawala kong puso.

"Nakakapanibago lang na, nakakatawa ako nang ganito kalakas, na walang nagbabantay sa galaw ko. Walang gumagawa ng scoop, ng issue..." sabi ko. He sighed.

"Ang hirap, 'no?" Nilingon ko siya at sinimangutan.

"Wow! Kunwari, may issue ka rin, ah? Famous?" I asked sarcastically.

He laughed. Tumaas ang kilay niya at nakita kong naglaro ang kung anong emosyon sa mata niya.

"If only you knew," he said. "Hindi lang ako masayadong kilala rito sa isla but in the city? I'm pretty famous, baby—" siniko ko siya at napadaing siya at napahawak sa may t'yan niya.

"Abs ko!" he hissed. Siniko ko siya ulit at mas napadaing siya. "Wife!"

"Abs ka r'yan, wala ka ngang ganyan," I said. I saw him smirked.

"Baka gusto mo pang makita ulit, oh," akmang itataas niya ang shirt kaya tinampal ko ang kamay niya.

"Ikaw, Zeijan! Ang harot mo!" Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko.

"Misis, I'm only like this to the people I'm comfortable with..." aniya kaya nilingon ko siya, nangingiti.

"Are you comfortable with me?"

He nodded and smiled. "You?"

Tumango rin ako.

"It's just weird, I seldom laugh these days so, thank you..." I said sincerely.

"Welcome," aniya. "Thank you for making me happy too."

Tahimik na nangiti ako. Humawak ako sa mga daliri ko at pinisil iyon. As long as I wanted to feel the fresh air and the sounds of the crashing waves, mas nangingibabaw pa rin talaga ang tambol sa dibdib ko.

A Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon