POV ni Panget: Oh eh Di ako na Panget!

53 4 2
                                        

Panget's POV

"Hoy PANDA-Kekok! ina-ano ka ba ng bestfriend ko ha?" biglang may umakbay sa akin...si Xei pala...ang bestfriend kong babae,ang kinapapatayan ng Taw na toh! speechless sya ngayon!

"Kung makaPANDA-kekok ka naman mahal kong Xei,sinasabihan ko lang naman ang panget mong kaibigan na lumayo sa ate nya at di lang pala sa ate nya maski sa'yo rin malay mo may chicken flu yan! e di nahawaan ka na...di ka dapat lumalapit sa panget na yan kasi panget siya...panget!!!" Ouch! Ouch! Ouch! ilang beses nya bang kailangang ipamukha na panget ako ha? 

" Hindi naman siya panget Taw ah!"napatingin ako kay Jester,at ngumisi siya...

"Nagayuma ka ba nya Jester ha? Kahit saang angle mo man tignan ang mukha nya panget sya period...kaya anong sinasabi mo?" sabay dinu-duro-duro  pa ang mukha ko...lecheng Taw!

"Hindi naman talaga siya panget kasi...SOBRANG PANGET NYA!" sabay tawa nilang dalawa ni Kyle mabagsakan sana ng bulalakaw yang mga bunganga nyo... nag-apir pa ang dalawang Jowa Ng Campus...narinig ko namang bumungisngis si Lay...pati ba naman ikaw? bakit? crush kaya kita! 

"Alam nyo naman palang panget siya so bakit nyo pa kailangang sabihin? para niyo rin kinain ang isang ampalaya at sinabi nyong mapait eh alam nyo naman na mapait ang ampalaya!!! Chloe let's go!" at hinila ni Kevin ang kamay ko...nakakuha naman ng isang sapak si Taw kay Xei...

Sa Classroom....

"Hoy panget ako nauna dyan"eh gago pala toh eh siya daw nauna sa upuan na inu-upan ko eh naka-upo na ako...ano yun siya-ako ,ako-siya? ewww! kadere lang! kahit panget ako di naman ako ganyan...balbasan...yuck!

"May Ebidensya ka ba?" tanong ko sa kanya...tignan natin kung may mailabas ka barabas!

"Wala! hoy! panget ka kaya dapat doon ka sa likod hindi dito...dun ang seats ng mga panget na katulad mo...at ang mga gwapong katulad ko dito sa harapan!" ayun oh special treatment...naka-seperate ang gwapo at maganda sa mga panget! ayos lang buhay noh ?! parang life! Leche talagang to!

"Gwapo ba kamo? sino? ikaw? grabe kailangan ko na bang magsuot ng salamin? may sira na yata ako sa mata!" bulong ko...utang na loob,gwapo daw siya...ASDFGHASDFGH!!! kahit panget ako malinaw pa ang paningin ko!

"May sinasabi ka ba ha panget?" Chloe kaya pangalan ko o kaya naman C2...ang laki-laki na nga ng I.D. namin eh di nya pa makita sya yata tong may sira sa mata...HINDI PANGET ANG PANGALAN KO!!!!!

"Ah wala! sabi ko ang gwapo mo talaga bagay kayo nung pinsan ko *si godzilla* grabe mukha ngang maganda sa likod sige punta na ako dun ba-bye sa'yo barabas este hudas...ay ano na ulit pangalan mo gwapo? sige don't you worry my classmate ilalakad kita kay Godzilla.." at pumunta na ako sa likod... leche lang kasi wala ang shining armor ko...napag-utusan!

Walkin' to the club, all eyes on me...Hahaha. dukutin ko mga eyeballs nyo dyan eh! oh eh di ako na panget! 'pag kayo pumanget tititigan ko rin kayo!

psh! maka-upo na nga...

"AAAHHHH!!!!"

"AAAHHHHH!!!!"

utang..utang...utang...utang na loob naman oh!

paano ba naman kasi ang CRUSH KO! ayun naupuan ko yung mukha! pero naka-side sya... UWAAA!!! nakakahiya! buti na lang talaga hindi ko pa as in naiu-upo yung as in bigay lahat ng bigat sa pwet...halla!!! sorry! 

"tss...so careless!!!" aba?! suplado si crush!

"Sorry!" sabi ko sa kanya! maka-isang libong sorry at bow na sigro ako!

"Is there any problem buday?" tanong ni budoy sa akin! problema? napakalaking problema! ang crush ko naupuan ko sa mukha! panget na nga ako...tapos ganon pa wala na ni kahit 0.000000000001 % wala na akong pag-asa!!!  

"Kevin and Chloe, what happened?" tanong ni Ma'am Chel! 

"Eh Ma'am naupuan nya lang naman ang mukha ni Jowa ng Campus Lay Vander Zhang!" maarteng sabi ni Lowen,ang reyna ng kasakiman sa classroom...bwisit sya! nanay nya naman garod si Ursula dine-deny nya pa!

"WHAT?" eh paano ba naman eh ultimate ka-agaw ko kay Lay my labs ang teacher kong kala mo kung sinong maganda kamag-anak ko naman pag-dating sa kapangitan! kung alam nyo lang kung anong ginawa nya sa akin nung may nakita siyang doodle na name ng Lay ko sa likod ng notebook ko...bagsak ako sa klase nya at kailangan ko pang mag-summer! karibal ko sya!

"Ma'am! it was an accident! She had no intention to sit on Lay's face...anyway, why the hell does this Zhang need to sleep here??? Last time I checked, classroom 'to Ma'am, hindi Hotel! "  sinagot ni Kevin si Ma'am! 

"Are you saying that I'm tolerating what he's doing inside of my class? Mr. Lee! get out of my class. now!" sigaw ni maam sa kanya! oh di ba! favoratism talaga! kapag teacher's pet ka nga naman oh!

"We love you Ma'am, so much! pa-alisin nyo na rin ang panget na yan" mga mean girls...oh eh di kayo na maganda! subukan nyo kayang maging panget! asar! sinundan ko na lang si Kevin!

bago ako umalis may narinig ako sinabi si Lay...

"Why did you do that?" cold ang tono ng boses nya! pero di ko alam kung sino kausap nya!

tss...ang bilis naman maglakad ng Budoy na yon!

nakita ko sya sa tambayan namin..

"umiiyak ka na nyan?' sarcastic na tanong ko sa kanya...natawa naman siya!

"Bakit ang rude nila sayo?" hay kailangan mo pa bang itanong? common sense naman! wala nga pala siya non!

"kasi panget ako! kaya yun, ibang klaseng treatment ang nakukuha ko mula sa kanila...alam mo may ikwe-kwento ako sayo...nasabi ko na bang dahil sa kapangitan ko...madalas akong binu-bully...oo akala nila, hindi masakit...pero tinitiis ko na lang wala naman akong magawa dahil alam kong nagsasabi sila ng totoo...meron yung time na trinansfer ako ni mama sa isang school...alam mo ba kung bakit ako trinansfer?" tanong ko sa kanya

"Tanga ka ba? alam ko garud?!" binatukan nya pa ako! bait ng bestfriend ko noh...galing nyang magcomfort!

"kasi sa tuwing umuuwi ako ng bahay kung wala ako sugat o pasa, umiiyak ako! I'm a victim of bullying,Budoy! Extreme bullying." Nangingilid na pala ang mga luha ko. Nagulat ako ng bigla nya ako yakapin...

~~~~~~~~

yow!

basahin mo lang toh ah!!!

salamat sayo!

lobyo!

<3 <3 <3

ComVo naman please :)

I dedicate this chapter sa anak-anakan kong si Danica, amaprettybaby. follow nyo siya ah!!!

sige salamat sayo nak <3 mahal kita ng higit pa sa iniisip mo!!!

sweet ko noh!!!

ge...Wait for the next Update :)

Panget's POVWhere stories live. Discover now