Carlleigh Chloe Koh's POV
Yow guys! POV ko toh kaya hayaan nyong ipakilala ko ang aking sarili...
Ako ay nagmula sa kalawakan,napadpad ako dito sa inyong planeta dahil nasira ang aking spaceship.Oo tama ang iniisip mo isa akong ALIEN ,kilala mo ba si Kokey? yung artistang Alien? kapatid ko yun!.eh si Godzilla kilala mo din ba? pinsan namin yon,Eh si Ultraman? wala lang extra-extra lang siya...Eh ang mga kukurikabu? mga alagad ko lang yung mga yun! isa kasi akong reyna sa galaxy namin!
at alam mo ba na lahat ng yan...
kagaguhan!
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Epic. :P
So, here's the real deal...
Ako si Carlleigh Chloe Koh, C.C. for short...kung gusto mo naman C2 na lang kung saan ka masaya basta 'wag mo lang isipin na inumin at sipsipin ako ah ;) !...17 months old! nagulat ka ba? masyado ka namang magugulatin... -_-
17 years old na ako , natawa ka ba? kung hinde di hinde...tss...joke lang! ito naman matampuhin...magbasa ka na lang...
single ako hindi ako double, (depende kung size ang pinag-uusapan. Triple ako. Jk. Hahaha. Kshare.) ...boom wala na panes na! gusto mong maging irog ko? (dapat lalaki ka, oo choosy ako! Kahit tawagin mo pa akong gender bias, wala akong pakielam. Ayaw ko sa kapwa ko babae na dinadalaw ng napkin at dugo kada buwan.) comment mo name mo para tayo na!
anyway...mula ako sa sinapupunan ng nanay ko...OO! Seryoso! Gusto mo ng picture at video para proof na inire niya ako?! :P di ako mula sa kalawakan..
may kapatid ako at mas lalong di siya si kokey,gwapo kaya ng kapatid ko,makulit at matalino pero minsan may down syndrome...mongoloid sya 'pag may sumpong...Sya si Brylleigh Leicius Koh...
May ate din ako at,maganda,sexy, at sadista,walang iba kung di si Analleigh Vivien Koh,excuse me but I'm proud to say that kapatid nya ako!
at ang aking Mommy D,hindi si Dionisia Pacquiao yan...siya si Dionelleigh Alayne Koh...ang napaka-cool kong mommy,maganda din sya!
'Wag ka magandang lahi ang Pamilya Koh,
alam mo ba kung sino ang tatay ko?...di ko rin alam eh...oo hindi ko kilala kung sino ang tatay ko...sabi ni mommy D. gwapo daw,mala-Machete ang katawan at romantiko pero sa dinami-dami daw dati ng nanghahabol sa daddy ko si mommy D ang pinili nya! swerte daw ng mommy ko sabi nung ibang mga manliligaw ni daddy...akalain mo yon..babae ang nanliligaw!..basta di ko kilala si daddy...once a year lang kasi sya kung umuwi di ko na alam kung ano itsura nya...para lang malaman nyo ni-isang family picture wala kami...
meron nga yung time noong Family Day namin...kailangan lahat may family picture tapos kami lang ang wala...pero sadyang mautak ang panget na may POV kasi nanghila ako ng isa sa mga tatay at siya ang pinalabas ko na tatay namin...at alam mo ba kung ano nangyari? nakipagrambulan ang mommy D. ko sa asawa nung tatay na hinila ko...kasalanan ko pa tuloy...hehehe! nagkaroon ng instant kabit yung tatay na yun!
psstt...uhog mo lumalabas na...makain mo yan...maging darna ka ,sige!
Pero ito talaga ang matagal ko ng tanong sa sarili ko...
"BAKIT KAYA ANG PANGET KO?"
eh wala naman sa genes namin ang "PANGET"
kung minsan nakakabuo ako ng ng mga theory...
siguro noong pinanganak ako,imbis na anti-polio ang maitusok naging anti-beauty o kaya naman pinageksperimentuhan ako ng mga doctor dahil best specimen ako...cute ko kaya nung baby ako...
~~~~~~~~~~~
sayo na nagbabasa!
salamat!
comment ka ah!
vote na rin!
I dedicate this chapter to cutiepinkyteddybeary ...try nyo pong basahin yong http://www.wattpad.com/story/10917651-neverland-academy , EXO-fanfic po siya...sana po magustuhan nyo din :) labyow baby love :) <3 hehehe! bestfriend ko po author nun :)
YOU ARE READING
Panget's POV
FanfictionLadies and mother father Gentleman ... I would like you to meet C2...hindi C2 green tea! One of the most popular in the Jang Nam Choi University... isang napakasikat na nilalang at may isang ow so hot so gwapong bestfriend... at meron syang crush...
