CHAPTER 16

233 10 0
                                    

**
Papalabas ako ngayon sa University ng nakabusangot.

"Babye Avy!" 😁🚗

"Tse iwan ko sa inyo!" Sigaw ko sa kanila.

"Sumabay ka na kasi sa jowa mo!" Sigaw pa ni harly habang papalabas sa University yung kotse nilang sinasakyan. Nakisabay narin kasi sila harly at sharline kay Ellyka. Pinayagan na kasi si ellyka ng papa niya na gumamit ng kotse.

Chaka talaga yung mga kaibigan ko, iniwan ba naman ako. Makikisabay sana ako sa kanila pero pinagkaisahan lang nila ako.

"Walis tingting hali ka na!"

Huminto yung kotse ni Drake sa tapat ko. Pero dinedma ko lang siya at tuloy tuloy akong naglakad papuntang waiting shade para mag-abang ng masasakyan.

"Hoy walis tingting, may problema ba tayo?" Sinabay naman niya yung kotse niya sa paglalakad ko.

"Problema mong mukha mo!" Bulyaw ko sa kanya.

"Wala naman akong problema sa mukha ko ah! Aah tika dahil ba 'to kanina?"

"Ay hindi," pumulot ako ng maliit na bato at ibinato ko sa kanya.

"Ouch! Ano ba walis tingting baka mabangga ako."

" Kaasar ka bakit mo sinabing boyfriend kita di na tuloy ako tinantanan ng mga kaklase ko sa katutukso?" Bulyaw ko parin sa kanya habang di tumitigil sa paglalakad. Huminto lang ako ng pagdating ko sa may waiting shade.

"Eh boyfriend mo naman talaga ako ah kaibigang lalaki ganon kaya please Avy sumakay kana." Pabebe niyang pagmamakaawa sa akin.

"Heh palusot mo drake lumangtugtogin, ayoko mo nang sumabay sayo mainit pa ulo ko." Nakabusangot ko paring tugon sa kanya.

" Mainit ulo mo wag kang mag-alala bibilhan kita ng ice doon sa kanto."

"Grrr... DRAKE!" nag killer look na ako sa kanya.

"Oo na sige na di na kita pipilitin pero aalis lang ako dito pagnaka sakay ka na ng jeep."

"Drake! Pagdi kapa umalis dito malaking bato na ang ibabato ko sayo." Pagbabanta ko sa kanya.

Agad-agad naman niyang isinara yung window ng kotse niya at tsaka umalis.

"Hay buti naman at natakot sa pagbabanta ko. Tika, pero nagparking lang doon sa may gilid ng waiting shade.

"Haist! Ang tigas talaga ng batok ng lalaking 'to." Pumunta nalang ako sa kanya. At kinatok yung window ng kotse niya.

Tok tok
"Drake buksan mo 'to." Medyo may bahid ng pagbabanta yung boses ko. Buti naman at binuksan niya.

"He-he bakit?" Ngiti niyang parang takot sabay kamot sa ulo.

"Diba aalis ka na dito." Ngiti ko sa kanya na mayhalong pagbabanta.

"Hay sige na nga pero magtxt ka sa akin ah pag nasa inyo kana?" Malungkot niyang sabi.

"Opo Mr. Drake Buenaflor, kaya pwede umiwi ka na po."

"Ok fine ito na aalis na miss walis tingting."

"KYRUS POINT OF VIEW"

"Grrr... Kaasar ka AVY JANE BALDOZA Kasasabi mo palang kanina na gusto mo ako tapos malalaman ko nalang na kayo na pala ng kababata mo!" Sigaw ko.

Pagkatapos ng klase dumiretso mo na ako dito sa tambayan namin ni Avy. Di pumasok si Niel kanina siguro galit pa yun sa akin. Hay ang gulo na ng isip ko.

"Aminin mo narin kasi dun sa babaeng parati mong kasama dito na gusto mo rin siya." Bigla namang may sumulpot na medyo may katandaan na lalaki sa tabi ko. Wala naman to dito kanina ha at di ko rin to na pansin na tumabi sa akin.

Ang Dakilang NBSB Fell Inlove Into A GayWhere stories live. Discover now