Search 21: Revelations and a bang

2.4K 50 0
                                    

Search 21: Revelations and a bang

Daniel's POV

Nasa terrace ako ngayon at nag-gigitara ng may biglang tumawag sa aking cellphone. Kaagad ko itong sinagot.

"Sir, meron na po akong nakuhang mahalagang impormasyon..."

Narehistro ang pagkabigla sa aking mukha.

Ito na ba? Ito na ba ang pinakahinihintay ko?

"Sige. Nasaan ka ngayon?"

"Nasa Grande Boracay din po ako. Nasa resthouse niyo po ba kayo?"

"Oo. Sa likod ka na lang dumaan. Doon sa may gubat."

"Sige po..."

Binaba ko na ang tawag at agad na pumunta sa kwarto. Nagbihis muna ako ng pants at sapatos. Pagkatapos, bumaba na ako sa room namin at papunta na sana sa kusina nang makasalubong ko si Flore sa baba ng hagdan.

"DJ! Saan ang punta mo? Bakit bihis na bihis ka?"

"Wala naman akong lakad. Napagtripan ko lang na ganito ang bihis ko ngayon."

Well, sana paniwalaan niya.

"Ahh, okay." Lumakad na si Flore papuntang living room at ako naman ay pumunta sa kusina.

Pagdating ko sa back exit sa kusina wala pa doon ang tao kanina sa phone. Naghintay pa ako ng sampung minuto bago siya dumating.

"Sorry po kung natagalan ako. Dito ba tayo mag-uusap?"

"Siguro mas mabuti po kung sa ibang lugar na lang. Delikado dito baka may makarinig."

"Sige..."

Umalis kami at dumaan kami sa gubat na nasa likod ng rest house. 'Di alam ng mga tao dito na pwede pa itong shortcut papunta sa kalsada. Pumasok kami sa isang resto. Nag-order muna si Detective Rex.

Habang nag-oorder siya, napaisip ako. Ano kaya ang sasabihin sakin ni Detective? Alam niya na ba kung saan sina Kath?

Maya-maya lang dumating na din siya dala ang mga order at ibinigay sakin. Hindi naman ako kakain. Wala akong gana. Gusto ko lang talaga malaman kung ano ang sasabihin niya para matapos na 'to.

"So, ano na po yung sasabihin mo sakin?" tanong ko kaagad sa kanya.

"Alam ko na kung saan ang pamilyang pinapahanap niyo sakin."

"T-talaga?" nabuhayan ako ng loob.

Binigay niya sakin ang mga pictures na nasa isang envelope kanina.

Sila nga...

Ang mga Bernardo.

Si Tita Min, Tito Teddy, Ate Kaye, Ate Chrysler, Kuya Kevin...

...at...

...at si Kath...

Binaling ko muli ang tingin ko kay Detective Rex.

"Nasaan na sila ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Nasa Nueva Ecija sila ngayon. Pero hindi sila sa bahay nila nananatili. Isang tagong lugar ang kinaroroonan nila. Hindi kalakihan ang bahay na iyon."

"S-sigurado ka?"

"Oo. Siguradong-sigurado. Kaya lang..."

Kaya lang ano?

"Ano?"

"Kaya lang po si Chrysler at si Kath ay umalis muna doon."

"Umalis? P-papunta saan?"

My Lost Lover [KathNiel FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon