Chapter 1

31 2 1
                                        

Ysah's Pov:

Taenang konduktor yon! Nanggigigil ako eh! Di ba naman binalik yung sukli ko? Sayang ang limang piso kyah!

Hindi na lang ako bumalik sa bus na yon at naglakad na lang. Nasa point kasi ako ng buhay ko na maghanap ng trabaho. Kailangan kong buhayin ang sarili ko bago ako kunin ni kamatayam dahil sa gutom. Wala na kong pamilya dahil sa isang aksidenteng inaasahan. Nu daw?

So yon, nasa labas ako ngayon ng company na pinagtatrabauhan ni mang kanor. Guard sya dito at susubukan nya kong ipasok kahit walang kasiguraduhan.

"Mang kanor!!" tawag ko dito. Agad naman syang humarap sakin.

"Oh ysah? Handang handa ka na ah?" sambit nito bago pinapasok yung babae sa loob.

"Handa nako magkatrabaho manong, kailangan ko na rin kasing mag-aral. Y'know para magkalaman tong utak ko" biro ko sa kanya pero waley! Di sya tumawa.

Alam ko namang corny -_-

"Osya pumasok ka na sa loob at baka maabutan po yung secretery. Dalian mo!!"

Agad ako nitong pinapasok baka kasi umuwi na yung secretary na magiinterview sakin. Pasakay nako sa elevator ng makita yung secretary na pababa sa hagdan. Aba! Naghangdan?

"Miss!!" sigaw ko.

Humarap naman ito agad
"Yes?"

"Ahm ako po si Ysah Mercado"

"Ow nice to meet you"

"Ako po yung nagpunta dito last week pero busy po yata kayo n--"

"Ow im sorry, may nakauna na sayo sa pwestong ibibigay ko sana sayo. Pasensya na" kumunot yung noo ko dahil sa sinabi nya.

"Po? Eh nauna ako!! Tang--"

"Shh!"

"Ah pasensya na po, eh kasi pano na po yan? Wala na kong mahahanap na ibang trabaho"

"Sorry to say, mahihirapan ka talagang maghanap lalo na't hindi ka pa nagkokolehiyo"

"Aish! Bahala na! Salamat na lang po"

Tinalikuran ko na sya at matamlay na lumabas. Nakita pa ko ni mang kanor na wala sa sariling naglalakad. Paano nako? Saan ako maghahanap neto? Buhay naman parang life ehh! Napapadyak ako dahil sa inis.

"Bakit kasi namatay pa kayo?" bulong ko sa hangin.

Naglakad na lang ako dahil wala na kong pamasahe pa para magbus.

"Oo nga"

"Swerte naman ng mag aapply don"

"Shete!! Popogi nung mga yon dai"

"Apply tayo? Tara?"

"Duh? Ako magiging yaya??"

"Arte nito"

Napakunot ang noo ko sa mga narinig na tsismis mula sa kanila. Maid?
Saan?

Lumapit ako sa mga nag-uusap at kinalbit ang isa sa kanila.

"Ahm miss? Anong, anong yaya? Saan mag-aapply?" tanong ko dito. Tiningnan muna nya ko mula ulo hanggang paa bago muling tumingin sakin.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Dec 17, 2017 ⏰

¡Añade esta historia a tu Biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Maid of the GangHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora