Portia: Friend Of Mine

Start from the beginning
                                    

    Di ko na maitago ang insecurities ko. Sikat si Hannah, maganda, sexy, maputi, matalino, kaibigan ng lahat, outspoken, jolly.. Wala yata ni sa kalahati nya ako.

     "O? Ano na naman 'yan momshie? Ikaw talaga. Tara na bayaran na natin 'to daliii.. may kuwento ako."

    Hinawakan nya ako sa kamay palabas ng bookstore. Gusto ko sana alisin pero ayokong magtaka sya. Hawak -kaibigan.. walang ibig sabihin...

    Sa Mcdo kami napunta. "Oh bakit ka nandyan?" Tanong niya. Ayoko na sanang tumabi kasi umiba talaga timpla ko ng makita ko ang ningning sa mata nya kaninang kausap niya si Hannah.

    "Ayaw mo ko katabi? Lika na, dito ka na."

    Wala akong nagawa kundi sumunod. Tahimik lang akong kumain.

     "Porch... ang saya ko! Nandito rin pala si Hannah tinext nya ko. Hmmm.... binreak na raw niya John."

  Bakas ang sigla sa boses ni Rina. Kaya pinasigla ko na rin ang boses ko.
  
     "Oh may pag-asa ka na? Kawawa naman si John diba kakasagot nya lang last month?"

      "Yun nga eh.. kahit matagal ko na syang gusto, parang nagdoubt ako."

      "Bakit? Ano naman kinalaman mo sa break up nila?"

      "Sinabi ni Hannah na... ako daw talaga ang gusto niya. Binaling daw nya kay John noong una pero no'ng nakita nyang close tayo, mas nasure nya raw na ako ang gusto niya."

    "Paano mo naman nalaman ang lahat ng 'yan?"

    "Tinext niya... just now. Nahihiya lang daw talaga nya sabihin."

    "Aaah... o e di... tara! Bilisan na natin kumain para makapag usap na kayo."

     "Ha?! Kailangang magmadali? Ikaw ang kasama ko."

   "Uhm.. excited lang ako for you."

    Ang galing kong magpretend no? Excited kunyari pero sa loob loob ko, hinihiwang pino ang puso ko.

    That night ay saglit lang kami nag-usap sa Fb. Tumatawag daw kasi si Hannah. Masakit man pero wala akong karapatang magdamdam dahil una pa lang ay alam ko ng gusto niya si Hannah.

     Ganon ng gano'n ang nangyari. Araw-araw routine na usap pero humihinto pag nandyan na si Hannah.

     Dumating ang pasukan. Balik sa dati na kasama nya tropa nya at ako nama'y si Melanie lang ang kasama. Taga Cavite sya kaya lagi umuuwi ng maaga.

     Nagtetextan na lang kami ni Rina at nag uupdate gabi gabi. Pero humantong sa napagod na ako na nasa height ako ng pagkukuwento pero pipiliin nya si Hannah pag available na ito.

     Umiwas na ako ng mga sumunod na araw kay Rina. Ang bigat na kasi.

     Isang araw ay tinext ako ni Rina at magkita raw kami sa gym.

     "Pinaiyak ka ba ni Hannah?" Tanong ko dahil mugto ang mata niya.
      "No. Hindi."
      "Okay."

Rina held my hand. Pinisil pisil nya 'yon at huminga sya ng malalim.

    "I miss this, I miss Us, I miss you."
     "Beh.... you should be happy. Baka makita nya tayo magalit ang girlfriend mo."

     "Hindi ko pa siya girlfriend. Naguguluhan ako momshie. Noong una oo gusto ko siya.. pero noong may nabago sa atin, narealize kong gusto rin kita. Ayokong pareho kayong mawala."

     "Beh... alam kong hindi ka manhid kaya hindi mo ako hinabol. Hindi lang kita gusto Rina, mahal kita. Mahal na mahal kita. Hindi ko 'to sinasabi para ibalik ang love na 'yon sa 'kin kundi para lang malaman mo. Ayoko kitang mahirapan kaya ako umiiwas. Ayokong makagulo."

     
______
      
     Patuloy kong iniwasan si Rina. Ayokong nakikita syang naguguluhan sa amin ni Hannah dahil alam kong talo na ako.

     Two days bago magPasko ay mag usap daw kami at aayusin nya ang lahat....

       ***** 💙💙💙 *****

    "Ate Aissa, puwede ba 'yun? Dalawa nya kaming gusto? Tama bang iwasan ko na talaga siya kahit masakit sa kin na nakikita siyang nasasaktan?"

     "Alam mo Portia, kung sa gusto lang... oo,  maaari ka namang magkagusto ng higit pa nga sa isa o dalawa. Nahihirapan si Rina kasi may mga katangian si Hannah na wala sa'yo. Pero itanim mo sa isip mo na hindi lang sa pisikal na anyo lumalago ang pag ibig. You are beautiful Portia. Hindi ka lang aware. Then maaari namang may qualities ka na wala si Hannah kaya ayaw kang mawala ni Rina. Kumabaga... ang mga hinahanap niya ay nasa kabuuan ninyong dalawa."

     "I won't give up?"

      "Sa ngayon oo. Huwag mong sukuan si Rina. Hintayin mo ang desisyon niya kung itutuloy nyang kausapin ka niya. Kung sino man ang piliin niya, respect her. She is confused because of the feeling of closeness she had for the both of you.
Minsan kasi, hindi dapat naguguluhan ang isang tao sa kung sino ang mahal sa hindi - ito ay doon sa kung kanino sya makikipag Commit. Then problem will arise kung gusto nya makipag commit sa dalawa? Ibang usapan na 'yon. Dapat panindigan mo kung sino ang pinili mo."

     "Haaay..."

     "Bata ka pa Portia. Maging matapang kang harapin ang pagkatalo kung darating man 'yon. Then isipin mo na kung hindi man ikaw ang pinili, it doesnt mean that you should look down on yourself. We are unique on our special way. Maaaring yung taong nagugustuhan natin ay hindi lang kayang tingnan 'yon sa atin coz He or she must be special to be able to see what's there under the skin... kung ano ang nasa puso."
  
     "Pinagaan mo loob ko Ate Aissa. Salamat."

     "Kaya nga pala ako pumasok para ayain kang magmeryenda. Tara, nagluto ako ng ginataang halu-halo. Huwag ka ng umiyak. Wala pang desisyon si Rina, hahaha! What ever happens... though you may feel emptiness at first? Just be happy for her. Mahal mo sya kamo? So be happy for her. We both know that there's no easy way para maunawaan pa sa ngayon pero magiging maayos din ang lahat."

    "Thanks Ate."

     "Lika na."


( song: friend of Mine for Portia )

   _______ ♡♡♡ ________

SHAN.
Dec 17 2017

   

   

There's No Easy Way ( One SHOT )Where stories live. Discover now