Prologue
"Sa tingin mo ba masaya ako sa ginagawa ko ah" umiiyak na sabi ni prinsesa felie sabay punas sa kanyang luha na tumutulo sa kanyang mga pisngi
"oo maganda ang buhay ko dito sa palasyo pero parang nakakulong ako sa hawla " hinde ninais ni felie na maging isang prinsesa gusto niya lamang na ordinaryong buhay katulad ng mga nakikita niya pag lumalabas siya ng palasyo .
"pero prinsesa fellie kailangan mo maparito muna sa palasyo dahil baka may masamang mangyari saiyo sa labas ng palasyo " nag aalala na sabi ng tagapaglingkod ni prinsesa fellie . gusto man ng tagapaglingkod na sundin ang kagustuhan ng prinsesa ngunit hinde pwede dahil delikado ang kanyang buhay sa labas ngayon.. dahil may magaganap na digmaan sa susunod na buwan ....
Sa ngayon ang prinsesa ay nasa kanyang kama ngunit itoy umiiyak paren dahil gusto niyang lumabas ng palasyo para Makita niya ang kanyang matalik na kaibigan na si riza ... simula pa noon si riza ang nakitaan niya na matapat na kaibigan sa kanya ...
Makalipas ang ilang mga minuto ay tumahan na ang prinsesa at nakatulala sa kanyang bintana ...
"sanay akoy isang ordinaryong tao lamang " malungkot na sambit ng kanyang mga labi
Narinig ng prinsipe albert ang sinambit ni prinsesa felie at biglang kumunot ang ulo ng prinsipe
"prinsesa... " biglang napatingin ang prinsesa sa kanyang nakakatandang kapatid
"ikaw pala aking kapatid " malumanay na sabi ng prinsesa
"kahit na ikay dalaga na , ikaw parin ang aking little princess " sabay yakap ng prinsipe sa kanyang kapatid
"prinsesa meron akong sasabihin saiyo " biglang napatingin ang prinsesa sa mukha ng kanyang kapatid
"prinsesa narinig ko ang iyong sinabi kanina , mamaya ay kakausapin natin si amang hari para saiyong kagustuhan " sabi ni prinsipe albert na nakangiti kahit kita paren sa mata nito na nalulungkot siya sa nakikita Niya sa prinsesa at Isa pa ay gusto ni prinsepe albert na Makita ang mga ngiti sa mga labi nito.
------------------------------------------------------------------
