"Siya si Gaeia girl, isa siyang Andromedan alien" bulong sa akin ni Marinagua.

May tumayo pang isa na mas lalong nagpa-nganga sa akin. May kaliitan siya kumpara doon kay Gaeia pero mas matangkad pa rin sa akin. Yung balat niya kulay blue at kalbo din siya. Yung mata niya ang laki at kulay itim, kinutuban pa nga ako kasi parang insekto yung kanyang itsura. Ang liit nang matangos niyang ilong pati bibig. Mukhang triangular ang korte nang kanyang mukha kapag naka-harap. Yung suot niya ang ganda tignan kasi white robe na bumabalot mula ulo hanggang leeg. Ang naka-labas lang ay ang kanyang ulo at mga kamay, na para ba siyang ermitanyo na futuristic version.

"Ako si Eke, ikinagagalak ko ang pagpunta mo rito," wika niya.

Hindi ako lumapit pero nag-bow ako. "Ikinagagalak ko din po kayong makilala,"

Sabay-sabay kaming umupo at sa mahabang sofa ako. Katabi ko si Hector na nasa kaliwa at sa kanan ko naman sina Marinagua at Chamie. Kumuha ang dalawang girls nang throw pillow na ginaya ko naman na feeling bahay ko rin ang buong lugar.

"Iris, huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin namin," panimula nang Ezeros.

Hindi nga ako nabigla pero bumilis naman ang pag-tibok nang puso ko. "Ba – bakit po?" nag-aalala kong sabi.

Nagkatinginan ang tatlong leader. At sa mga tingin nila parang nangungusap sila kung sino ang unang magpapaliwanag sa akin. Si Gaeia ang naunang lumingon. "Hawak na ni Crey ang pamayanan mo, Poblasyon, San Francisco sa Pilipinas, tama ba ako?"

Nanghina ako sa aking narinig. Hindi pa talaga nakuntento ang animal na yon dahil pati ngayon buong bayan ko na ang binihag niya.

"Ang mga kaibigan ko," natataranta kong wika. Unti unti na akong naluluha. "Ang mga estudyante ko – mga bata pa po sila – kailangan ko ang tulong niyo,"

Naramdaman kong inakbayan na pala ako ni Hector.

"Huwag kang mag-alala hija! Makikipagdigma kami, ililigtas namin ang pamayanan mo," singit nang Eke.

"Hindi talaga titigil si Crey hangga't hindi niya natutupad ang misyon niya sa akin," napa-tingin ako sa nanginginig kong mga kamay na hinawakan ni Marinagua.

"Anong ibig mong sabihin Iris?" tanong ni Hector.

"Na gagawa siya nang isang hybrid sa pamamagitan ko," muling nanumbalik ang takot sa akin. "Nilagyan niya ako nang marka sa likod, kaya pala siya nagpanggap dahil ako ang napili niyang subject. Sa isang eksperimento. Natatakot ako ngayon –"

"Ibig mong sabihin – " putol ni Hector.

Lumingon ako sa kanya. "Oo, pareho kayo nang binabalak," walang umimik sa aking paligid.

Binasag ito ni Gaeia. "Huwag kang mag-alala Iris, marka lang yang nasa likod mo. Maaring matanggal yan,"

Tumango ako, tumutulo na pala ang luha sa aking mga mata.

"Iyan ang madalas na gawain nang ilang alien race na gustong sakupin ang mundong ito –"

Naputol si Ezeros sa pagsasalita dahil bigla kasing lumuhod si Hector at yumuko. "Patawad! Ipinadala kami nang planeta namin dahil sa eksperimentong katulad nun. Napilitan ko lang isakatuparan iyon dahil ako ang pinili nang mga lider namin mula sa milyong mga lalakeng katulad ko,"

Kunot noo kong pinagmasdan si Hector. Pinili siya nang planeta nila, nagkamali ata ako. Akala ko mabuti silang alien race. Yun pala may intensyon din silang sakupin ang Mundong ito.

"Nagkataon na pareho kayo nang napiling subject," nabaling naman ang mata ko sa nagsabi nun. Si Eke. "Ang marka ay parte rin nang teknolohiyang iyon. Kapag nailagay na siya sa subject, doon na ito naka-focus. At since dalawa kayong may marka kay Iris, hindi mag-fufunction ang technology. Iisa lang kasi ang maaring makinabang sa subject."

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang