Ngayon klaro na sa akin ang lahat, masaya akong malaman na higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman niya sa akin. Pero masakit dahil din dun kailangan niya akong layuan. "Avy I'm very sorry! Ayokong mas lalo kang masaktan. Kaya hahayaan nalang kita. Alam kong mas magiging masaya ka sa piling ni drake.

******

AVY's POV

Natanaw ko kaagad si drake sa may bench na naparang ang lalim ng iniisip. Kaya agad-agad kong pinunasan yung mga luha ko.

"Hali ka na drake punta na tayo sa cafeteria." Sumabay naman siya sa akin.

"Ano ok ka lang? Nasabi mo na ba sa kanya?" Worried niyang tanong.

Huminga mo na ako ng malalim bago ko siya tinugon. "Ang sarap pala sa feelings drake! Sa wakas nasabi ko narin sa kanya."

"Anong sabi niya sa inamin mo?"

"Nagsorry lang, yun naman talaga ang expected kong sasabihin niya. Masakit man ang katotohanan pero atleast nabunutan din ako ng tinik." Bigla naman akong inakbayan ni drake.

Libre nalang kita para makalimutan mo yang sakit na dinadamdam mo ngayon." May pa kindat kindat pa siya sa akin at parang asong ulol kong makangiti.

"Chaka ka talaga anu! Nililibre mo na kaya ako araw-araw."

"Iba ngayon kasi kahiiit anong gusto mo bibilhin ko pero isipin mo rin allowance ko baka maubos!" Ngiti niya sa akin.

"Nang aasar kaba dikdik taba? Anong tingin mo sa akin mas grabe pa sa baboy kung lumamon. Paano ko mauubos yang allowance mo sa pagkain lang eh ang laki ng allowance mo. Yung half year na allowance ko pang isang araw mo lang. Aray!"

"Hmmm cute mo talaga pag-naiinis, inaasar lang kita para naman kahit papaano malimutan mo yung baklang yun."

"Haist ikaw talaga." ginulo ko buhok niya sabay takbo.

"Humanda ka sa akin walis tingting!" Sigaw niya pa sa akin, hay buti nalang nandito tong dikdik taba kong bestfriend.

Pagkatapos naming kumain sa cafeteria inihatid ako ni drake sa room kahit ayaw ko magpahatid sa kanya pero ang tigas ng ulo eh.

"Sige umalis kana dikdik taba."

"Tsk di ka man lang magpapasalamat?" Nakabusangot pa mukha niya. Bigla namang papasok yung tatlong mga kaklase kong lalaki sa room pero na pahinto sila ng mapansin kami.

"Ooy gwapo ng boyfriend mo Ai ha!" Ngiting sabi ni glen.

"Kala ko kayo ni Kyrus di pala."--->dexter

"Ano kaba bro bakla si Kent parang sila na nga nung bago nating kaklase eh.". -->Glen

"Tsk! Hoy tumahimik nga kayo, kalalaki niyong tao mga tsismoso kayo pumasok na nga kayo sa loob." --> saway ko sa kanila.

"Syempre papasok kami sa loob ai alangan naman papasok kami sa labas."+-->pilosopong sabi ni brix.

"Tsk! Gusto mo nito brix?" Ipinakita ko naman sa kanya yung kamao ko.

"Ito naman si Avy di mabero."-->brix

"Ay Avy ipakilala mo muna kami diyan sa boyfriend mo bago kami pumasok."--->Glen

"Ooy guys gwapo ng boyfriend ni Avy dali tignan niyo nandito sila sa labas!" --> Di ko na pansin si brix na pumunta sa loob ng room at sinabihan niya yung mga kaklase namin.

😨😨 Chaka! Drake bilis umalis ka na pagfifiestahan ka ng mga kaklase ko dito." Pagtataboy ko kay drake pero imbis umalis nginitian lang niya ako.

"Hayaan mo na sila."

"Drake naman eh."

"Hi sa inyo!" Ngiti niyang bati sa mga kaklase ko. Lumingon naman akong nakabusangot sa mga kaklase kong parang nakakita ng kung ano at ang lakilaki ng mga mata habang ang lalaki ng ngiting nakatingin kay Drake.

"OH MY GOSH! AI magkaibigan tayo pero di mo sinabi sa amin na kayo na pala ng kababata mo?" Histerikal na sabi ni sharline. Ipinakilala ko na kasi si drake kila harly, sharline at ellyka kaya alam nila na kababata ko si drake.

"Hindi mo na ba kami itinuturing na malapit na kaibigan?" Sabat naman ni harly.

"Ai ang sakit sakit malaman na di mo sinabi sa amin!" Histerikal rin na sabi ni Ellyka.

"Ai ang gwapo naman ng boyfriend mo, paano mo siya nabingwit?" Tanong ni jamica, isa sa mga kaklase ko.

"Pwede ba tumahimik nga kayo para kayong mga timang, di ko siya boyfriend!"

"Eh ano mo siya manliligaw?" Pagtatanong ni dexter.

"Haist! Kayo talaga di niyo talaga ako tatantanan, kababata ko lang siya ok."

"Ahhh ganun ba!" Sabay nilang tugon.

"Oh alam niyo na diba, so pwedeng pumasok na kayo lahat  sa loob." Pagtataboy ko sa kanila sa loob.

"Ay kala ko magkakalove life na kaibigan natin eh!" Malungkot na sabi ni Ellyka

Papasok na sana sila lahat sa room ng parang upset pero  ng.......

"Avy di mo naman kailangang itago sa kanila na boyfriend mo ako." Biglang sabi ni Drake sabay akbay sa akin.

Sabay pang tumingin sa aming dalawa yung mga kaklase ko.

"Drake ano bang ginagawa mo?" Pabulong kong sabi kay drake.

"Bro ang sakit sigurong itanggi ka nang girlfriend mo!" --> mark


"Ai di mo dapat itinatanggi yang bf mo." --> harly

"Masaya kami lahat para sayo ai" kinikilig pang sabi ni Ellyka.

"Buti pa si Avy may bf na talagang hindi siya kinakahiya, samanta yung bf ko di man lang ako maipakilala sa mga magulang niya." ---> Gwen.

"Guys si prof terror  paparating na." --->Nag unahan namang makapasok sa loob yung mga kaklase ko na parang takot na takot maabutan ni prof.

"Lagot ka sa akin mamaya dikdik taba!" Nagkiller look naman ako sa kanya bago nagmadaling pumasok. Chaka talaga yung dikdik taba na yun.

****

Nag-enjoy po sana kayo sa pagbabasa. 😁
Abangan niyo po ang next chapter😉

Ang Dakilang NBSB Fell Inlove Into A GayWhere stories live. Discover now