Agad namang nagpalakpakan ang mga classmates ko ng tuluyan akong makapasok sa classroom namin. Tuwang tuwa naman ako at kahit papano ay nakikita ko na supportive sila sakin at masaya sila na ako ang representative ng department namin. nag hihiwayan ang mga lalaki at ang mga babae naman ay panay sabi ng goodluck.
FESTIVAL
SWIMSUIT ( green)
CASUAL
LONG GOWN ( green)Green ang color na napili para sa aming long gown at swimsuit, kinakabahan na ako dahil malapit na talaga ang pageant, natapos ang araw na diko nakita ang Albert, natuwa ako dahil walang mag aasar sakin pero nalungkot din ako na diko maintindihan.
Nang maka uwi ako ay agad naman akong umakyat sa kwarta at nag bihis, nang maka baba na ako ay pumunta ako sa kusina at nagugutom ako, nang maka punta ako sa kusina ay nakita kong may kausap si Mama, at kilalang kilala ko kung sino ang kausap niya. Ang Handler ko sa Probinsya ang Mommy Jel ko.
"Mommy Jel."
Ang tawag ko at agad na niyakap siya. Miss na miss ko silang lahat duon sa sisterhood namin. Si mommy Jel ay isang transgender na ubod ng bait. Isa syang designer kagaya ni mama, pero full time sya sa pageantry at sa pag handle ng sisterhood namin.
"Mika, miss kana ng Team natin sa probinsya, marami na kaming laban duon" ang sabi ni mommy jel
"Miss ko na din kayo mommy. Naiingit nga ako sa mga post niyo eh, pati sa group chat natin. Palagi kayong may laban. Bakit ka nga pala andito mommy jel?" ang nag tataka kong tanong sa kanya
"Tinawagan ako ni tita, may laban ka daw" ang nakangiti niyang sabi.
Natuwa naman ako at hindi ko na proproblemahin ang mga gamit ko. Kahit papano ay marerelax ako dahil kasama ko padin si mommy Jel sa laban ko.
"Salamat Mommy jel, sa totoo lang kanina ko pa iniisip yan sa school" sabi ko pa
Hindi ko din naman naka usap sina Kyla, Mico at Melissa pati nadin si Michael dahil may mga activities kami na mga candidates kaya sa group chat nalang kami nag kakausap.
"Okay lang yan, lalaban tayo . Marami akong mga kaibigan dito, dont worry. Tara na at mag pa fresh tayo, bawal na stress." sabi ni mommy jel
Agad naman kaming pumasok sa kwarto at nag bihis ng two piece, at yes maliligo kami sa pool namin. Nakahubog ang aking katawang pang babae ganun rin kay mommy jel, dahil mag undergo na ako ng HRT ko, si mommy jel naman ay ganap ng transwoman. Agad kaming pumunta sa pool namin sa likod ng bahay at nag relax.
"Ma, maliligo kami ni mommy jel sa pool" ang sigaw ko kay mama na busy sa pagluluto ng snacks
"Sige anak, pupunta pala dito pinsan mo kaya antayin niyo nalang jan, dito daw siya matutulog" ang tugon ni mama
Ano naman ang gagawin ni Kuya Arthur dito, busy yun kasi sila ang nag fafacilitate sa Festival of Talents. Stress na ata yun, hindi ko nakikita sa school hindi man lang din mag text. Mamaya at sesermunan ko siya.
Agad na kaming naligo ni mommy jel at chumika dahil namiss namin ang isat isa.
"Musta na ang sisterhood, mommy?" ang tanong ko
"Well nung umalis ka, kulang na kami pag may laban, pero go parin kami, minsan nanalo minsan naman awards lang" masayang pag kwe - kwento ni mommy Jel sakin
Tuloy tuloy ang pag uusap namin ni Mommy Jel at nakaramdam ako ng gutom, agad akong umahon sa pool at kukunin ko ang snacks, laking gulat ko ng makita ko si Kuya Arthur na dala ang Snacks, napatigil siya at nag katitigan kami. Kelan pa dumating ang mokong nato. Hindi ko man lang nadinig ang busina ng kotse niya.
"Tara na kuya, gutom na kami" ang pag bali ko sa katahimikan at titigan namin
"Umhh sige" tugon niya
Naka shorts lang si kuya at walang pang itaas, di naman ako na inform na may abs siya, 6 packs abs enebe yen serep nemen ni kuya(Family stroke na naman si watashi mga keke)
Tumalikod na ako at nag lakad pabalik ng pool. Agad namang sumunod siya at kumain kami ng snacks. Panay padin amg titig sakin ni kuya at mukhang matutunaw na ako, kaloka ang mokong ano kayang problema
"Uy matutunaw pinsan mo." saway ni mommy Jel kay Kuya sabay tawa
Agad namang binawi ni kuya ang tingin niya at ngumisi. Hindi pa pala sila mag kakilala kay agad ko naman din silang pinakilala sa isa't - isa.
"Mommy Jel, pinsan ko po. Si Kuya Arthur"
"Nice to meet you Arthur" sabi ni Mommy jel kay kuya
"Nice to meet you din" tugon ni Kuya Arthur sabay pakipag kamay
Matapos nilang mag kilala ay usap usap na naman kaming tatlo. Panay din ako ng kain sa dala niyang snack. Nang mapansin mong panay padin ang titig niya sakin.
"Kuya ang creepy mo ha! May problema na bakit naka titig ka sakin" sabi ko naman at malokong ngumiti sa kanya
"Babae kana talaga Mika" ang sabi ni kuya na seryoso ang mukha
"Babae talaga ako kuya, Actually Babae kami. Sabi ko pa sabay ngisi namin ni mommy Jel.
Ngumiti nalang din si kuya at naki sabay nalang sa trip namin. Hindi namin napansin na nasa likod na pala namin sina mama at papa at naka pang ligo din.
"Hindi naman ako na inform na may pool party pala ngayon" sabi ko naman sabay ngiti
" Ganun talaga nak, sabay sabay na tayong mag relax" sabi naman ni papa sabay talon sa pool at tawanan ang lahat. Si papa talaga parang bata kahit kailan.
YOU ARE READING
Ang Crush Kong Bastos (MPREG)
HumorHow would you feel, if your worst nightmare, your worst enemy becomes your one true love? Halina at subaybayan ang masaya at makwelang bangayan ni John Albert at Mika sa Ang Crush Kong Bastos. Marami rami din silang pag dadaanan na ikatutuwa, ikalul...
CHAPTER 18
Start from the beginning