CHAPTER 14

920 62 4
                                    

Nang gabeng din yun ay natapos nakapag brain storming naman kami. Nahiya ako dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Umiiwas naman ako pag tumitingin siya sakin para hindi halata pero nahuli padin ako.

"It's okay, I know that I'm handsome!" buong yabang na saad nito sabay ngiti

Totoo naman kasi gwapo naman talaga siya. Sa mata palang na isang titig lang ay siguradong mahihipnotismo ka. Sa ilong niyang nakapa tangos, sa labi niyang parang nang aakit para halikan. Ang gwapo talaga kasi eh!

"Oo na nga! Naka tingin na ako! Ang gwapo mo kasi!" sabi ko sa kanya without denying it.

Huli na ako eh, wala na talaga akong lusot kaya nag sabi nalang ako ng totoo. Ngumiti naman ito sakin at hindi ko inaasahan ang sasabihin niya sakin.

"Don't worry, you're beautiful!" saad naman niya sabay bitaw ng pamatay niyang niti.

Ganun ang nangyare kagabe, pinang initan ako ng pisngi kaya puro yuko nalang ako. Natapos naman kaming mag isip ng concept para sa business proposal namin, kaya pag katapos ay umuwi na din siya. Nag paalam sa magulang ko at maayos na nakarating sa bahay nila.

Kinikilig padin ako kasi palagi siyang nag go - goodnight at kahit na palagi niya akong inaasar ay parang nagiging sweet na para sakin yung mga banat niya.

Kaya masaya ngayon ang umaga ko at andito kami ngayon sa cafeteria ng mga kaibigan ko. Si Michael, Abby, Melissa, Mico at ako ay naka palibot sa isang table. Masaya kaming nag uusap usap at kwentuhan sa mga ganap naming lahat.

"Alam niyo ba mga mami, kanina kinindatan ako ni cameron. Omg parang bet niya ata ako." saad naman ni Abby sabay impit na tili

Kinikilig naman kami sa kanyang mga kwento. Nakikinig lang ako ng tanungin din nila ako. Kung anong ganap ko. Hindi ko pa naman sinabi kay Michael ang nangyare kagabe kaya ngayon ay tamang tama na sabihin ko sa kanila dahil kompleto kami.

"So yun na nga, pag kauwi ko kahapon ay andun pala si Albert" masayang saad ko sa kanila

Sabay naman nag si kiligan ang mga malalandi na may halong impit na tili.

"Ay ang taray mami ha! Akyat ligaw na ba yan?" pabirong tanong ni Melissa

"Naku! Hindi ma. Para sa project lang!" sagot ko naman

"Award! Pero atleast pumunta sa bahay niyo mi! Very babae ka sa part na yun" sabi naman ni Abby

"Truths!" pag sang ayon naman nilang lahat.

Habang na uusap usap kami sa mga crush namin, ay siya namang pag sulpot ni Albert kasama ang barkada niya. Hindi na din namin na pansin na andun sila sa likod namin at nakikinig na sa usapan naming mahaharot.!

"Crush mo nga talaga ako, Abby!" biglang salita ni Cameron

Sabay sabay naman kaming napalingon ng mga barkada ko at bigla akong pinag pawisan dahil nasa linkod na namin ang mag kakaibigan. Okray! Huli pero di kulong!

"Luh, feeling ka naman po Cameron!" pag dedeny ni Abby.

Nahihiya pa ang lola niyo, pero pabebe naman ang pag sasalita. Imbis na mahiya at matakot kami dahil alam na nila na crush namin sila ay nag tawanan kami dahil sa sagot niya.

Bigla namang nag tinginan ang mga lalaking mag kakaibigan mistulang nag tataka kung bakit kami tumawa.

"Oo na nga! Crush kita! Do you have a problem with that? Saka diba crush ay paghanga, saka pasalamat ka crush kita.!" buong confident naman ni Abby na saad.

"Ay matapang ang mami niyo!" pang aalaska naman ni Melissa

"True mami, ikaw ang tunay na amazona in the jungle! (Char!)" pabirong saad naman ni Mico

"Che, magsi tigil kayo!" pag saway nito samin

"Ala award! Galit na ang mami niyo" saad ko naman

"Okray! Sino ka jan mami?" tanong ni michael  kay abby na naka tayo, naka pamewang at naka post pa!

"Ako si Angel" saad niya

"Angel locsin? " sabay sabay naming mag babarkada na tanong sa kanya. Hindi namin alintana ang mga lalaking nasa likod namin.

"Mga gaga! Angel Banagbanag!" sagot nito at sabay sabay kaming nag tawanan.

Nag sitawanan nadin ang mga boys dahil sa biruan namin. Hindi na nila alinta kung crush sila ng mga kaibigan ko dahil halos mag kanda iyak iyak nadin sila sa katatawa.

"That was epic! Grabe kayo mag biruan!" sabi ni Shan na tawang tawa padin

"Malala ang pag kakaibigan niyo !" saad naman ni Cameron na naiiyak na sa katatawa

"The best! Tanggal stress namin!" saad ni Patrick na sinang ayunan ni Nick na tawang tawa din.

Hanggang sa mag time na at kanya kanya kaming pasok sa classroom namin. Kasabay ko nang nag lakad si Michael at John Albert dahil mag kakaklase naman kami.

"Good Morning!" pag bati sakin ni albert na naka ngiti sakin habang nag lalakad kami

"Good Morning din!" sabi ko naman sabay ngiti din

Kumindat lang si Michael dahil kumarengkeng naman ang ate niyo. Siguro kung andito ang iba naming barkada ay nag biruan na naman kami.

"Let's talk about our project later!" saad niya ng maka pasok kami sa room

"Sige sige!" pag sang ayon ko naman sa kanya

"Let's finalize our concept then will start making our proposal!" sabi niya

"Noted Babe!" pabiro kong saad dahil seryoso na naman ang mukha niya

Bigla naman itong natigilan at tumitig sakin. Bigla naman ito ngumisi sakin at bigla akong kinabahan sa ngisi niya. Kaya napa simangot ako at agad na binawi ang sinabi ko.

"Char lang naman Albert!" sabi ko at hilaw na ngumiti pero naka ngisi padin nag loko

"Nope! I heared it loud and clear! Babe!" sabi naman niya

"Eto naman hindi mabiro! Joke joke lang naman para hindi masyado seryoso.!" sabi ko naman sa kanya ngunit patago din akong kinikilig at pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"Nope! I am not in the mood for jokes Mika!" seryosong saad nito

"Ay okay babe! " naka ngiti kong saad sa kanya.

Bakit parang pakiramdam ko pag umiwas pa ako sa sinabi ko ay may mas malalang mangyayare? kaya hindi na ako na ako nakipag bangayan. Nakakatakot naman pala ang lalaking to pag ganyan mag salita. Wala akong choice kundi ang panindigan ang biro ko, pero baka ngayon lang to. Well mawawala din to bukas kaya dedma na.

Aruy, pinag papawisan ako mga ate. Lagoat mehehehe kambing mga keke! Napasubo ako! (Char!)

Ang Crush Kong Bastos (MPREG)Where stories live. Discover now