Tuwang-tuwang nagtatatalon ang mga batang ka-clone ko at bumubulalas. Samantalang tahimik lang ako at naka-yuko.

"Pwera lang kay Krax-x," dagdag niya habang nakatingin sa akin nang matalim. Alam kong iyon ang sasabihin niya sapagkat narinig ko na iyon minsan. "Wala kang karapatan sa kahit anong pribelehiyong i-aatang ko sa lahat. Mananatili kang depekto sa paningin ko,"

Naglakad siya palapit sa akin, apat na talampakan palang ako noon. Tumahimik ang lahat na nasa akin na pala ang buong atensyon.

"Nagkamali ang reyna sa kagustuhan niyang buhayin ka," sambit niyang walang buhay. "Isang perpektong sundalo ang hinahangad ko ngunit ikaw ang nagbigay bahid sa lahat. Hindi ka sasama sa kanila dahil magmula ngayon magiging isa kang alipin at tagapag-silbi nang kampo,"

Hinawakan niya ang baba ko at inangat. Namumula na ako sa galit ngunit pinagmamasdan niya lang ako habang naka-ngisi.

"Sila ang mga ka-uri mo," tinuro niya ang grupo nang mga Draconian sa di-kalayuan namin na mga naka-yuko. Nakatali sa isang electric handcuff ang kanilang kamay at binti. Mga bugbog sarado sila at nanghihina habang hele-helerang nakatayo.

Sila ang mga Draco-x mga ka-uri naming nag-rebelde laban sa mahal na reyna ngunit nabigo. Mga dating sundalo na ngayon ay gagawing mga alipin na lamang. Hindi tulad ko may pribilehiyo akong mamuhay nang matagal ngunit sila ay sa sandaling panahon lang. Kapag may nahuling bagong prisoners of war ay papaslangin ang batch nang mga aliping iyon at papalitan nang bagong batch upang masigurong walang mag-aaklas o magtra-traydor.

Sa planeta naming walang katapusang giyera dahil lahat ay naghahangad na mag-hari. Aklas dito at aklas doon, laban sa mahal na reyna. At dahil isa siyang tuso, kaya niyang paikutin ang lahat na sa bandang huli sila-sila na rin ang magpapatayan at magta-traydor sa isa't isa.

Ngunit si Draggo mas piniling dumikit sa mahal na reyna kahit alam kong noon pa man ay sinusumpa niya ito. Siniguro niyang kanya lang ang posisyong ini-atang sa kanya nito na lingid sa kaalaman nang reyna ay may iba pa siyang hinahangad.

Nang maging ganap akong adult Alpha-Draconian napansin kong unti-unting nagbabago ang aking pisikal na anyo. Mas lalo akong lumalakas. Halos maihahalintulad ko na ang aking liksi at lakas sa mga ka-clone ko na ngayon ay ganap na sundalo na ni Draggo. Inilihim ko ito sa kanila at nanatili akong maging isang alipin.

Kahit isa na akong adult ay nakakaranas pa rin ako nang pananakit sa lahat. Bagay na hindi na mababago sa kanila dahil mananatiling ganoon ang tingin nila sa akin, isang depektibong ka-uri nila. Ngunit nakasanayan ko ito habang ang galit ko sa kanila ay yumabong. Hindi rin ako ligtas sa mga kapwa ko alipin dahil maski sila ay sinasaktan din ako.

Napalitan muli nang bagong batch ang mga alipin. Nalaman kong sila pala ay ang pinaka-magagaling na sundalo nang mahal na reyna na nagtraydor at pinahuli ni Draggo. At dahil kasama ko sila sa aking tinitirahan, madalas ko silang naririnig na nagpupulong ng palihim.

"Ikiskis ninyo ang posas sa pader at pansamantalang hindi gagana ang tracking device," dinig kong wika nang isang alipin. Naka-silip ako sa tagpi-tagping ding-ding na siyang partisyon sa bawat tulugan namin. "Sa mga ganitong oras malaya tayo dahil naka hibernate mode ang buong kampo. Kapag tulog sila magsasanay tayo sa kahit anong paraan. Palalakasin natin ang grupo,"

"Sa ngayon kaylangan muna nating mag-tiis. Magpapalakas tayong muli at saka tayo gagawa nang hakbang upang maka-takas dito,"

Nataranta ako nang may humablot sa akin mula likod. Hinatak niya ako at dinala sa kumpol nang mga nag-pupulong.

"Nakikinig ang hindi natin ka-uri," wika nang naka-huli sa akin. Lumuhod ako at humingi nang tawad.

"Ilang batch na ba nang mga alipin ang napakisamahan mo hijo?" tanong nang matandang Alpha-Draconian sa akin.

Bumangon ako mula sa pagkakaluhod. "Hindi ko na mabilang,"

"Ang tibay mo! Nakatiis ka nang mahabang panahong inalipin ka nila,"

Oo nga, matibay nga ako, ito ang natutunan ko sa aking sarili. Ngayong nagbabago ang aking pisikal na anyo dahil unti-unti akong lumalakas, panahon na upang lumaban.

"Maaari ba akong sumali sa pagsasanay ninyo," paki-usap ko. Nabuo ang desisyong iyon sa isang iglap. "Makakatulong ako sa inyo balang araw,"

Matagal nilang pinag-isipan iyon ngunit sa bandang huli ay pumayag din sila. Dito nagsimula ang malaking pagbabago nang aking buhay. Itinuro nila sa akin ang pagiging mautak at tuso dahil iyon daw ang susi para mabuhay. Na isina-puso at isina-isip ko pa.

Hindi nangyari ang araw nang kanilang pag-aaklas matapos ang mahabang panahon nang kanilang pagsasanay kasama na ako dahil isinawalat ko ito sa mahal na reyna na lingid sa kanilang kaalaman. Ako mismo ang personal na gumawa nito at hindi ko na pina-daan pa kay Draggo dahil may nabuo akong plano. Nagalit ang mga aliping naka-sama ko sa pagsasanay pero sa kanila ko rin naman natutunan ang pagiging tuso dahil gusto ko talagang mabuhay pa nang matagal.

Pinapatay silang lahat at nawala ako sa pagiging isang alipin. Sinamantala ko ang pagkakataong siraan si Draggo kaya nagkaroon nang lamat ang kanilang relasyon ng mahal na reyna. Inakusahan tuloy siya bilang isang pabayang mamumuno lalong-lalo na sa kanyang mga tungkulin. Labis ko itong ikinatuwa dahil hindi ko sukat akalaing nakapag-higanti ako sa kanya nang ganon-ganon nalang.

Humingi ako nang pabor sa mahal na reyna na mapabilang sa kanyang special task force. Bukod pala sa grupo ni Draggo ay may lihim din siyang itinalagang personal na mga tauhan dahil hindi rin pala siya nagtitiwala nang husto rito, isang magandang oportunidad para sa akin. Napabilang ako sa kanyang special task force at naging mahusay dito.

Pinaghusayan ko talaga dahil natuto akong magkaroon nang misyon. Ang misyong pantayan si Draggo. Mapagbayaran niya ang mga pang-aalipustang ginawa niya sa akin magmula nang mabuo ako sa planetang ito.

At dahil nananalaytay ang kanyang DNA sa akin ako ang naging pinaka-magaling sa hanay nang special task-force ng mahal na reyna. Naging pinuno ako nang mapaslang ang kanilang lider. Naging isa din akong espiya at nangalap nang mga impormasyon tungkol sa mga balak ni Draggo laban sa kanya.

Dumating ang itinakdang araw nang paghihiganti, isinawalat ko sa reyna ang lahat-lahat nang mga impormasyong nalalaman ko ukol sa pag-aaklas nang kanyang kampo. Kung kaya't nabuking ang plano ni Draggo na patayin siya. Pinadakip siya nang mahal na reyna ngunit mabilis siyang naka-takas ng aming planeta. Bilang pasasalamat sa akin, binigay niya ang pangkat ni Draggo na mga dati kong ka-clone para pamunuan.

Ang sarap nang tagumpay kong iyon. Bigla bumait ang mga ka-clone ko sa akin at ngayon nirerespeto na nila ako, tignan mo nga naman ang nagagawa nang katanyagan.

Pero naniniwala akong hindi totoo ang respetong ipinapakita nilang iyon. Kaya naging marahas akong pinuno sa kanila na parte na rin nang aking paghihiganti.

Nabakante ang posisyon ni Draggo at ito ay ang ikatlo sa pinaka-mataas na posisyon ng aming planeta. Ang ikalawa ay ang aming spiritual councilor. Nagtataka lang ako dahil ayaw itong ibigay sa akin ng mahal na reyna.

Dahil sa paghahangad ko sa posisyong iyon, maraming ideya ang nabuo sa aking isipan. Lalong-lalo na nang mapukaw ang atensyon ko sa aming genetic engineering. Matagal na palang nagsasagawa ang aming mga geneticist nang eksperimento sa planet Earth. Matagal na itong gustong sakupin ng aming lahi ngunit lagi kaming bigo, isang malaking hamon para sa amin.

Nag-propose ako sa mahal na reyna na hamunin niya akong maisakatuparan ito. Pero ang kundisyon mapapasa-akin ang posisyon ni Draggo. Hindi nga ako nagkamali at dito nagsimula ang lahat. Ako, kasama nang libo-libong sundalong ka-uri ko ay maingat kaming nagtungo sa planetang Earth upang isagawa ang misyong iyon. Alam kong risky ito dahil na-orient na ako tungkol sa pesteng alien organization na nagbabantay doon. Sa dinami-dami nang mga planeta bakit dito pa nila ito itinatag. Ngunit hindi na mahalaga iyon, malakas ang loob kong hindi ako mabibigo sa aking plano.

At ngayon matutupad na sana ang lahat kundi lang dumating ang ungas na Xyle-ver. Hahanapin ko siya at papatayin kasama nang kanyang mga kasama at kapag natunton ko ang sasakyang pangkalawan nila, dadalhin ko ito sa aming planeta.

Gagamitin ko ito para marating ang kanilang planeta at masakop. Siguro naman sa dalawang planetang maibibigay ko sa reyna namin magiging kapalit nito ang matagal ko nang hinahangad ang maging mataas. May balak na rin kasi akong patayin ang aming reyna ngunit hindi pa sa ngayon. Kaylangan ko munang mapagtagumpayan ang mga misyon.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon