Chapter Four.

123 5 3
                                    

Agad silang nagtungo papunta sa room ng Section 1. Kasalukuyang nagkakaroon ng expriment sa Science ang klase nito. Binigay ni Czarene ang approval slip kay Ms. Bioco at muling ipinakilala sa buong klase. Napanganga ang mga magiging kaklase nito habang napipilitan silang ngumiti at pumalakpak.Napansin ni Czarene ang Scholar Rat.Nasa bandang likuruan ito nakaupo. Hindi siya pumapalakpak ngunit nakangiti siyang nakatingin kay Czarene. Nginitian din siya ni Czarene. Npakindat pa. KINDAT NI HUDAS. After that, parang ramp model silang naglakad patungo sa kanilang request seats.

"What's his name again, sis?" tanong ni Czarene kila Micah.

"His name is Kevin."

Oooooh, maganda naman ang name niya. Tunog mayaman. But still, he's a SCHOLAR RAT! At nang nagsimula na ang klase..

"What is Mossbauer Isomeric shift?"

"The Mossbauer isomeric shift is the shift seen in gamma ray spectroscopy when one compares two differennt physical, chemical, or biological environments, and is due to the combined effect of the recoil free Mossbauer transition between two nuclear isomeric states and the transition between two atomic states in those two environments"

"Very good, Kevin."

Abaaaa, promising ah. Scholar talaga matatawag sa lalking to. Palagi yatang sa libro nakababad ang mga mata niya. Napansin kong nakangiti siyang sumulyap sa akin bago siya maupo. At ano ang gusto niyang palabasin? Matalino siya? Okay, edi siya na matalino.

"And how about Gamma spectroscopy? You, Ms. Czarene!"

Mataray akong tumayo.. "Are you allowed to ask me?"

"Oh, I'm sorry. I forgot. I thought you raised your hand."

"Duling ka ba?"

"I'm sorry. You may sit down."

Ilang minuto pa ang nagdaan ay narinig na namin ang bell. Nagdismiss na. Hinintay muna namin na lumabas ang lahat. AYOKONG MAKIPAGSIKSIKAN SAKANILA NOH... At nang napadaan kami sa Library, nakita namin na kumukuha ng libro si Kevin at sabay upo.

"Wait lang, I'll just play with the Scholar Rat" 

"Revenge time! Go girl!"

Pagkapasok ko sa Library ay isa isa kong tinitigan ang mga tao na naroroon. Agad naman nilang naintndhan yun at agad agad silang umalis. Busy pa rin si Kevin magbasa ng mga libro. Ni hindi niya nga napansin ang paglabas ng mga tao sa paligid niya eh. Umupo ako sa harap niya.

"Mabuti at hndi lumalabo ang mga paningin mo", saka niya lang ako napansin at napangiti siya sakin.

"Ikaw pala Czarene."

Bigla akong natigilan. Napaiwas ng tingin. Iba talaga ang epekto sa akin ng mga ngiti niyang iyon. Hindi ko alam kung naiirita ako or what.

"Mahilig ka bang magbasa?" tanong ko.

"Oo, super hilig ko. Kahit ano binabasa ko. Hobby ko tlga to."

"Kaya pala ang dami mong alam. Pati kung paano ako yabangan sa loob ng klase."

"Yabangan? Nako, hindi kita niyabangan. I just answered our teacher's question."

"Pero hndi mo kailangan ngumiti sakin ng nakakaisulto after mo sumagot."

"Hndi yun nakakainsulto. Bakit ka ba nagalit ka Ms. Bioco?"

"Wala kang pakialam kahit magalit ako sa kahit na sino."

"Pero teacher natin siya, Ms. Czarene. We should respect her."

"Ako lang ang dapat irespeto sa school na to, Kevin."

"Totoo pala ang sinasabi nila about you. Napaka-dominant mo dito. But I can't blame you. Sa pamilya mo tong school na to eh."

"Mabuti naman at sila na ang nagsabi sayo."

"I'm willing to know you more. Gusto kong patunayan sa sarili ko na iba ka sa mga naririnig ko. Well, you proved a part of it na. But don't worry. Hndi pa ako kuntento."

Iniabot niya ang kamay niya sakin.

"Again?!" tanong ni Czarene.

"Hndi ako titigil na magpakilala sayo hangga't hndi ka pumapayag na kilalanin mo ako at kilalanin kita."

Dahan dahan ay tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. Nadama ko nanaman ang kagaspangan ng balat niya. Ngunit bakit parang ang sarap nito sa pakiramdam? Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Lalo nang mapatingin  ako muli sakanyang nakangiting mapulang labi. Grbe, may ibang pakiramdam akong naramdaman.

~Ano kaya ang susunod na mangyare between Czarene and Kevin? Next chapteeeeeer!

LOVE can change everything about YOU.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon