Chapter Two.

145 4 5
                                    

Sino kaya yung tall, dark, and handsome na tinutukoy ng mga kaibigan ko? Nacucurious ako. Dito ko malalaman kung may taste talaga tong mga to at kung ka-level ko talaga sila.

Maya maya pa'y inaya ko na ang dalawa na pumasok sa classroom namin. Nakaupo na ang lahat doon. At kami nalang din ang hinihintay.

"Okay, we can start the class", panimula ng guro.

Katulad ng ginagawa ng iba, as usual magpapakilala sa harapan ng klase. Ako nalang yung taong hindi pa napapakilala.

"Miss?", banggit ng teacher.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. At alam niya na kung ano ang ibig sabihin nun. Ang guro na mismo ang nagpakilala kung sino ang may-ari ng school na tinatapakan nila ngayon.

After the first subject, nagpasama ako kay Micah at Lia sa comfort room.

Micah: Fourth Year Section 1 siya.

Lia: I think we better go back to that section, sis

Czarene: I need to see him first. Baka mamaya hindi naman pasok sa standards ko yan. Sayang lang yung effort natin magtransfer ng section.

Lia: Para namang mahihirapan kang lumipat ng section.. Remember, your words are powerful here.

Czarene: I know. I just wanna make sure na hindi mababa ang taste niyong dalawa. *Mataray pero nakangiting sabi sabay lakad palabas ng CR.*

Aksidente namang may nabangga akong estudyante sa aking paglabas. Napaupo ako sa sahig. Oh dibaaaaaa? KAKAASAR!

"Ooooops! Sorry, Miss."

"SHIIIIIT! Do you have eyes?!!!!! IDIOT!!!!!!!!!!!!!!"

Nang napatingin ako sa estudyanteng yon, ay natigilan ako. Lalaking matangkad, gwapo, parang artista sa Hollywood. May pagka moreno nga lang. Pero iba ang dating! Namalayan ko na lamang na napatulala ako.

"Miss, S-sorry! Sorry po talaga!"

Hindi naman ako nakaimik. Yes, I heard he apologized pero mas napansin ko yung paggalaw ng kanyang labi habang nagsasalita. Para bang slow motion at umuulit ulit sa paningin ko. Pero ilang segundo lang ang pantasya na yon. Narealize ko na ang daming estudyante at teacher na nakatingin sa banggaan naming iyon. NAKAKAHIYA! Hindi dapat ako maging mukhang katawa tawa sa harap ng maraming tao. I SHOULD BE THE ONE LAUGHING! Walang hiya to, hindi man lang ako tinayo. Well, hindi ko din naman hahawakan yung kamay niya if ever na itatayo niya ko noh. Baka kung san san pa siya humawak. YUCK! Sorry at makikipagkamay? Ano ang sa akala ng lalaking ito, ganun ako kadaling magpatawad? Tinampal ko ang kayang kamay.

"Who the hell are you to block my way?"

Malakas na, "OOOOOOOOOOOOOH!" ang narinig ko sa mga nanunuod. Hindi naman ako mapigil ng mga guro dahil ako nga ang dapat na masusunod sa kanilang lahat.

Feeling ko sobra siyang napahiya.

"Sorry talaga, Miss. Hindi ko sinasadya."

"I don't accept verbal apologies. You should kneel down and kiss my feet."

~Gagawin kaya ng lalaking ito ang pinapagawa ng Reyna ng Luna High School? Ano pa kaya ang mga susunod na ipapagawa ni Czarene? Abangan sa Chapter three!

LOVE can change everything about YOU.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon