Chapter 37- Mission Failed

Start from the beginning
                                    

"Mas maganda kung papakinabangan ka muna namin" huh? Tatlong lalaki na ang humaharang sa akin

Tumawa naman yung lalaki sa likod ko at biglang hinawakan ang hinaharap ko. WAHHH!!! TULONG!

Sisigaw pa lang ako ng bigla nila akong pigilan

"Hep, hep, hep!" sabay subo sa bibig ko ng panyo "Anong gagawin mo, sisigaw?"

"Aww kawawa ka naman, gusto mo paligayahin ka namin ha? Hahaha"

"Sh*t ka Miss ang ganda ng katawan mo! Sexy"

Hindi ko magawang sumigaw, kahit gustong-gusto ko ng humingi ng tulong. Nararamdaman kong may humahalik sa leeg ko mula sa likod. Yung isa naman pinaglalaruan yung hinaharap ko! Huhuhuhu WAHHHH please help me! Tapos may isa pang nagvi-video sa pinag-gagawa ng kaibigan niya..

*Boogsh*

Isa- isang natumba yung tatlong lalaki sa harapan ko at nakita ko si Terrence na may dugo sa labi. Sa tingin ko nanlaban yung mga lalaki kanina. Tumingin muna siya sa mga napabagsak niya at tumingin sa akin

"What the hell, Yna" he said "What the hell are you doing?"

"I was planning to-"

"Shut up and go home" seryosong sabi niya "Wag na wag ka ng lalabas doon kapag wala ako, mahirap na last day mo na ngayon at mamayang gabi, ihahatid na kita sa bahay niyo" at nag lakad na siya paalis..

"Ayokong umuwi" sabi ko sa nakatalikod na Terrence

"Sa ayaw o sa gusto mo iuuwi kita sa inyo" sagot niya pero nakatalikod pa rin

"P-please wag" sabi ko na naluluha na

Iniwan niya na ako. Tumingin ako sa langit habang pinipigilan ang mga susunod na pagpatak ng luha ko. Maliwanag na ang langit. Anong oras na ba?

Oras na para tanggapin kong uuwi na ako sa bahay. Makikita ko nanaman ang mga magulang ko-ang mga magulang ko na buong buhay ko binabaliwala lang ako, kahit ano pang achievements ang makuha ko, hindi nila ako mabigyan ng pansin.

I lied.

I lied sa lahat ng taong nakapaligid sa akin at pati na rin sa sarili ko...

I'm not happy with my life. Oo nga nakukuha ko ang mga kailangan ko at mga gusto ko, perpekto daw ako na tao, lahat meron ako pero ang hindi nila alam-ang daming kulang sa buhay ko. All my life si Kuya lang ang nakakasama ko, nakakaintindi at nagmamahal sa akin. Ni hindi ko nga nararamdaman na mahal nila ako. Nabubuhay ako sa kasinungalingan na mahal ako ng magulang ko, na may time sila para sa akin, kahit na sabihin nilang lahat ng ginagawa nila ay para sa akin hindi ako naniniwala because I know, they're doing this for the sake of their stupid name.

Now, they ruined my love life! What the- sumusobra na sila. Kahit kailan hindi ko na makikita ang taong nagpakita sa akin kung ano ba talaga ang importante sa buhay, kung para saan ako bumabangon sa umaga-ang taong mahal ko. Si Christopher. Buhay ko siya pero inilayo siya sa akin ng mga magulang ko. Inilayo ng mga magulang ko ang buhay ko, ang damot nila.

Remember nung may nangyare sa akin, sa amin ni Jerome? Ni hindi sila nagpakita na may care sila sa akin, parang wala lang sa kanila.

Ang saklap.

Ang sakit.

Ang hirap maging ako.

Ang hirap maging Velasquez-ang apelyidong kilala sa industriya. Business Industry.

Minsan nga gusto kong makipagpalit ng buhay kay Sky or sa mga kaklase ko na walang inaalagaang pangalan. Mahal sila ng mga magulang nila kahit ano pa sila. Gusto kong maramdaman ang hindi ko naramdaman sa magulang ko. Bilib nga ako kay Kuya eh, he can stand on his own. Palibasa favoritism is present in our family.

Yes it is, ang paboritong-paborito nila ay si Kuya. Since dalawa lang kami ni kuya na magkapatid, lagi akong left out. Para akong isang gamit, kung kailangan -gagamitin at kapag hindi na -itatapon na lang with no trace of sentimental value.

Nag lalakad na ako pabalik sa bahay ng sumagi sa isip ko ang dapat na gagawin ko kung hindi lang ako binastos ng mga bastos na grupo ng mga lalaki at dumating si Terrence na ipinagtanggol ako at the same time nagalit sa akin.

^

>>>>I guess mission failed!<<<<

^

Author's Note:

Sorry for the very late and very short update. Marami kasing happenings sa life ni Author.

Watch out for the last 4 chapters, ok? Thank you sa support *muah*

When We FallWhere stories live. Discover now