Chapter Eighteen

1.4K 50 9
                                    

CHAPTER EIGHTEEN:

One week ago…

 

(KRISTEL’S POV)

 

 

Sunday ngayon kaya may pagkakataon akong magpahinga. Susme! Kailangang kailangan ko ito dahil simula ng maging classmate namin si kuya Andrei na tinatawag ko nalang rin na Andrei ay naging mas makulit ang buhay ko. Walang oras na hindi nya ako kinukulit. Isama mo pa ang paggawa ko ng project. Dami ko ring nainterview nun ha! Haiii….

 Palagi ring nagbabangayan ang tatlo… Si Jethro, Mr. Sungit at Andrei. Iniiwasan ko na nga sila palagi pero palagi rin nila akong natatagpuan at talagang apat pa kaming sabay-sabay na nagkikita. Isama mo pa na palagi ko ring nasasalubong si Chariz na palaging masama ang titig sa akin. Ang lupeeeet ng buhay! Buhay ko lang! <.<

“Oyy bff, ang haba ng nguso natin ah?” napalingon ako sa kararating na si Daniela. Haii… akala ko makakapagpahinga ako, nakalimutan kong may dumadalaw nga rin palang mas makulit pa sa tatlo sa buhay ko. Haiiii… (____ ____’)

“Oh? Ano na naman ang ginagawa mo dito?” tinatamad kong sabi sa kanya. Umupo sya sa higaan ko at saka tumingin sa akin ng nakakaloko. “Ano?”  -_____-

“Wala naman, masama bang dalawin ang bff ko?... mukhang malalim yang iniisip mo ah.. iniisip mo na ba si fafa Jethro?” tatawa tawa pa nyang sabi. Haii kung alam lang ni Daniela ang pinagdadaanan ko ngayon.

“Haiiiiiiiiiiii….”

 

“Lalim nun ah! Sino ba kasi yang iniisip mo?” ngayon ay lumapit na sya sa akin. Umupo sya sa katapat ng inuupuan ko at ipinatong ang siko nya sa lamesa.

“eh kasi naman bff, ang kulit nitong si Andrei. Nakikisali pa yung dalawa.” Reklamo ko sa kanya. Bestfriend ko naman yan eh, kaya okay lang na sabihin lahat.

“Sinong Andrei? At sinong dalawa?.... nakakain ba yan, bff?” excited na sabi nito. Sarap batukan. -_____-

“Hindi ano ka ba. Si Andrei ang bago naming classmate. Isang linggo na nga sya sa University at isang linggo na rin nya akong kinukulit. At yung dalawa namang sinasabi ko sayo na nakikisali pa ay si Jethro at si Von.” Sabay irap pagkatapos kong magsalita.

“Ayyy! Haba ng hair mo teh!... Nanliligaw ba sayo yung…yung Andrei? At si Von?... teka parang…..” nag-isip sya at parang may inaalala. Tumitirik-tirik pa nga yung mata nya. Tss. “Sya ba yung gwapong nagpunta noon dito na pinagpanggap kang girlfriend?!.... yung lalaki sa letrato sa ilalim ng unan mo na pinagnanasahan mo bago ka matulog?!.... at…at yung lalaking nang-iwan sayo noon?!... yung hindi na nagpakita sayo ng isang taong mahigit?!” bulalas nya.

“Ang OA mo ha, Daniela!” pinalo ko sya sa braso at sya naman ay napa-aray. “Oo, sya na nga… bumalik na nga… at hindi ko sya pinagnanasahan bago ako matulog noh! Mahiya ka nga sa lahi mo!”

Ang Kwento ng Tanga: Season 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now