Unang Kabanata

1 0 0
                                    

"Tita na lang ang itawag mo sa akin." Sabi ni Grace na ikinagalak naman ni Janice. Hindi pa din makapaniwala si Janice. Hindi nya din mapigilan ang galak sa loob niya at bigla syang yumakap kay Grace.

Kahit mismo si Grace ay nagulat. Ngunit saglit lamang ang pagkagulat at napalitan ng tuwa ang kalooban nya. Hindi mapigilan ni Grace na ngumiti at gumanti ng yakap. Una pa lamang ay magaan na ang loob ni Janice kay Grace. Hindi naman kingid sa kaalaman niya na hindi gusto ni Grace ng bata kagaya ng kapatid. Kung tutuusin dapat hindi nga siya nakikipagusap sa kanyang amo. Kahit na bata pa lamang ay isa pa din syang kasambahay. Utang nya ang lahat sa pamilya kaya naman ay handa siyang maglingkod hanggang sa dulo ng buhay nya. Kahit pa man hindi maganda ang pakikitungo ng totoong amo nya ay kakayanin nya. Anayawan na sya ng mga totoong magulang nya kaya wala na syang pagpipilian kundi sa mga San Diego tumira. Hindi nya kayang labanan ang mga San Diego mas lalo naman ang lumayas. Magaan din ang pakirandam nya sa mga ito. Pero, ang hindi nya inakala ay magiging malapit sila ni Grace. Sa dalawang taon ay si Grace lamang ang naging guro niya. Kahit na magtanong siya sa kinikilalang Nanay, hindi din nito masagot ang mga tanong niya. Hindi din nakapagtapos ang Nanay nya kaya naman ay wala din itong alam sa mga pang kolehiyong talakayin.

"O, sya. Baka hinahanap ka na ng masungit na lalaki." Tawang sabi ng Grace. Tinutukoy nya ay ang kapatid nya. Para kasi itong may dalaw tuwing magkikita sila. Kahit noon pa mang mga bata sila ay ganoon na ang kuya niya. Kaya nga noo pa lamang ay nagtataka na siya kung sino ang babae sa kanilang dalawa at bakit hindi pa siya nilalayasan ng kaibigan nyang kano. Dahil din sa kapatid nyang iyon ay pinatigil siya ng Tatay nila sa pag-aaral sa pambubliko at pribadong paaralan sa bansa. Homeschooled sya simula elementarya hanggang kolehiyo. Nakalabas lamang siya noong nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at mag-masteral sa France sa field ng Designing. Isa na syang propesyonal na designer pero parang wala lang syang trabaho dahil sa bahay lang din naman sya gumagawa.

"Hahahaha...hindi naman po ganoon si Sir Simon. Mabait naman ho siya." Sabi ng bata.

'Mabuti pa ang bata, mabuti.' isip ni Grace. Yuong bata papabg na iyon ang nagsabi na mabuti ang kapaid nya. Dahil mapabahay at opisina ay walang awa sa mga pinapasweldo nya.

Mayamaya...

Grrrrrrr....

Runog ng tiyan ni Janice. Hindi pa kasi sya kumain ng umagahan kaya naman ay ganoon na lamang ang gutom nya. Hindi na sya nakapagumagahan dahil mahuhuli na sya sa takdang oras ng pag-aaral niya. Hindi din sya nakatulog mabuti dahil sa nilinis niya ang attic ng mansyon kaya ayan siya ngayon, nagugutom na ng malala.

"O, kakain muna yata tayo? Tara na sa baba. Kain tayo." Sabi ni Grace na ikinatango naman ni Janice. Gusto na kasi talaga niyang kumain. Kahit na kasama si Grace ay ayos lamang. Siya naman ang nag-aya kaya ayos lamang.

Nang makarating sila sa hagdan ay tumakbo na si Grace sa kusina. Si Janice naman ay naiwan na tatakbo pa lamang. Nang makarating sa kusina, nakita ni Janice si Grace na nakaayos na ang upo at may nakahanda ng mga pagkain. Hindi naman na siya nahihiya kay Grace. Nagpapatawag pa nga ito ng tita.

Nilahad ni Grace ang kamay niya para kumain na din si Janice. Umupo si Janice sa tabi niya. Kakagat pa lamang si Janice ng bumukas ang pintuan. Ang pintuan kung saan nakita nila na nakatayo ang hari. Si Simon San Diego. Ang tingin nito ay parang papatay na ano mang oras. Napatayo naman si Janice sa kinauupuan niya. Lumakad si Simon sa mesa ngunit hindi siya kumain o anuman. Nakatingin pa din siya kay Janice. Ang takot sa loob ng bata ay hindi mapapantayan. Hindi na niya kayang tumingin sa amo ng walang luha. Naluluha siya ngunit hindi niya alam kung bakit. Naisip na lamang niya na isa itong psychological problem na dapat niyang lagpasan pero, hindi pa din niya alam kung ano pa ang mangyayari sa kaniya kung papansinin pa siya ng amo niya. At nangyari nga ang kinakatakutan niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 13, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His PrincessWhere stories live. Discover now