Chapter 18~

5.4K 94 5
                                    

Hello! Salamat sa pagbabasa.

Kayo rin goise, thank you! Comment, follow and vote.

Xoxo,

CHiZUMi

---

May lumabas ng kotse, "Hoy!" Sigaw niya. "Sira ka na ba o ano?" At si Chase pa talaga ha?

Sa dinamidami ng tao siya pa talaga? Such a small world. Napaluhod ako sa basang semento. "Dylan?" Sabi niya. He bends down in front of me at nilagay ang dalawa niyang kamay sa balikat ko. "A-Ano bang nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong niya. Hindi ko napilgilan ang sarili kong yakapin siya at humagulgol. "Uy!" Sabi ni Chase. "Ano bang nangyayari?" He pulls away and looks at me confusedly.

"S-Si ate." Sabi ko. "S-Si ate n-naaksidente siya."

"Wag mo akong dalhin dun. Please, Chase..." Pagmamakaawa ko.

Hindi na siya nagsalita, pinatayo niya ako at ipinapasok sa kotse niya. Hindi ako nagtanong kung saan kami pupunta, basta ayaw ko muna dun. Sinisisi ko sa sarili ko ang nangyari kay ate, wala naman ang dapat sisihin na iba pa eh ako lang naman. Kaiinisan na talaga ako nito papa ng tuluyan, kung saan pa sana na nagkakamabutihan kami dun pa masisira ang lahat. Ako ang may kasalanan, ako. Tinaas ko ang mga paa ko and I buried my face on my knees at umiyak na naman.

I'm such a burden, ako palagi ang dahilan ng mga problema.

I hate myself.

"Dylan?" Inangat ko ang ulo ko at nakita ko na nakatingin pala sa akin si Chase sa rear view mirror ng sasakyan.

"Hm?"

"Bababa na tayo ah." Tumango naman ako, kumuha siya ng payong at bumaba na ng kotse. Binuksan niya ang pinto at bumaba naman ako. "Basang-basa ka ah?" Bulong niya ng mahawakan niya ang basa kong damit.

"Halika na."

Nilagay niya ang kamay niya sa doorknob. "Chase." Sabi ko, hindi niya muna binuksan ang pinto. I squirmed para alisin niya ang kamay niya nakaakbay sa akin. "Ok lang naman kung napipilitan kang tulungan ako." Tumingin ako sa basang sahig. "Aalis na lang ako... K-Kung medyo naabala ata kita. Salamat." I turn my back on him at nagsimula ng maglakad. 

"Halika na nga." He hold my hand pero inalis ko ito.

"Ano ba!?" Sigaw ko, nararamdaman ko naman ang unti-unting pagtulo ng luha. "Hindi mo kailangan pilitin and sarili mo na tulungan ako, alam ko naman eh! Nandidiri ka sa mga kagaya ko!" Bulyaw ko sa kanya.

Ewan ko ba kung ano'ng nangyayari sa akin. Parang galit ako sa mundo, galit na galit naman kasi ako sa sarili ko. Nakita ko sa mukha ni Chase ang pagkabigla, hindi niya siguro inaasahan ang sasabihin ko. "P-Pasensya ka na." Bulong ko. "Aalis na talaga ako." Nang mga sandaing iyon, hindi na ako kumuha pang makapaghakbang. Nahawakan niya na kasi ang kamay ko. "Pumasok ka na muna, mamaya mo na lang ako sigawan." Tahimik na sabi niya. Hindi na ako nagsalita at pumasok na kami sa building, nagdodorm siya siguro maraming kwarto eh. 

Umakyat kami hanggang third floor at may binuksan na siya na kwarto. "Pasok ka." Sabi niya.

"Chase, dun muna--"

May isang lalake na sumalubong sa amin sa pintuan. "O? Anyare jan?" Turo niya sa akin. "Dylan?" Tanong niya habang pinagmamasdan ang itsura ko. Umalis muna si Chase at nakita kong may kinuha siyang tuwalya ata sa isang drawer. "A-Ako nga pala si Vince roommate nitong si Chase. Palagi kang kinukuwento nitong si Chase eh!" Medyo tumawa siya ngunit natigil iyon ng makita niya ang mukha ko. "Aalis na rin ako eh." Sabi nung Vince. "Dun muna ako kina Maya, Chase. Wala daw siyang kasama eh!" Pagpapaalam niya. Umalis na siya at bumalik naman si Chase na may dala-dalang tuwalya, he put it around my shoulders. Pinaupo niya ako sa isang silya, "Maligo ka na kaya muna? Basang-basa ka o. Magkakasakit ka niyan eh." Aniya. Sinunod ko na lang ang mga sinasabi niya, tumango ako at pumasok na ng banyo. Naghubad ako at pinaandar ng ang shower. Napabuntong-hininga naman ako when the water hit my skin.

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Where stories live. Discover now