Chapter 36 - Finale part 1

4.8K 244 2
                                    

Mabilis akong bumalikwas, I feel heavy, literally dahil medyo malaki ang katawan ko keysa kahapon.

Ito na ba yun? Ang araw na pinahihintay ko?
Tinungo ko ang kalendaryong nakasabit sa dingding.

November 6, 2017

Ito na nga!
Puno ng pag asa ang aking puso.
Ito ang katuparan ng aking pangako.

Dali dali akong naligo at nangbihis.
Humarap ako sa aking life size na salamin at umikot ikot na parang modelo.

Oh I miss this body, that little round butt!
Nung namatay kasi si Matts ay malaki ang ipinayat ko.

Mabilis akong nagbihis. Naalala ko pa ang damit ko sa panahong ito.

Hinalungkat ko ang aking aparador at hinanap ang puting t-shirt at manong na pantalon.
Inayos ko din ang aking buhok upang maging kaaya aya.

Dali dali akong bumaba upang salubungon si Godzilla.

"Aba angsaya mo ata ngayon araw na to ah!"
Masaya ding bati ni Mama.

"Masama ba maging masaya!"
Nakapako ang ngiti sa aking mga labi.

"Oh kumain ka na muna."

Mabilis kong ngunuya ang pagkain. Matapos niyon ay tinungo ang lagayan ng barya sa ibabaw ng ref.

"Ma, bakit wala dito susi ng kotse?"

"Tange, kelan ka pa nagka kotse!"

Tila napahiya ako. Ay oo nga pala, wala pa akong kotse sa mga panahong ito. Toinks!

"Practice lang ma haha. Pag ako nagkakotse hindi kita isasakay. Sisingilin kita makikita mo."
Biro ko.

"Singilin din kaya kita sa ginastos ko sa pagpapalaki sayo. Halika dali maupo ka at mahaba habang kwentahan ito." Umupo ito at kunuha ang calculator.

"Di ka na mabiro oh." Sabay halik sa pisngi ni Godzilla.

Hindi ko madalas gawin yun, kaya tila napansin ko ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Alis na ako ma."

"Ingat ka anak!"

Nilakad ko ang sakayan ng jeep. Namiss ko ito.
The sunshine, the morning breeze! Ahhhhhh.

Agad namang dumaan ang isa at agad kong pinara.

This is it pancit!

"Sa may police station po manong" excited kong sabi at inabot ang walompiso.

Limang minuto lang ang byahe at agad na nakarating ang jeep sa aking destinasyon.

Agad akong bumaba. Nilinga linga ko ang aking paningin sa paligid.

Walang tao, ngunit nararamdaman kong may tumititig sakin.

Tumingin ako sa aking likuran at nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Ang mukhang kay tagal kong inasam na mahagkan.

Ang makisig na katawan na syang tanging nakakapag pawala sa aking katinuan.

"Oh God I miss you so much baby!" Sambit ko sa aking sarili.

Bumawi ang lalaki ng tingin na tila naphiya.

Natawa ako, torpe talaga haha.
I felt confident dahil alam ko sakin lang ito torpe. Sabi pa nga nito dati 'kung babae ka lang matagal na kitang napasagot'

Nilapitan ko ang lalaki, dala ang sandamukal na pag pipigil na siilin ito ng halik at yakap.

Tumingin ito sa akin, habang nagsisimulang mamula ang makinis at maputing mukha.

"Hi, I'm Robert Park." Pagpapakilala ko.

"H-hi, M-matthew Sanchez." Tila nahihiya itong tumugon habang ang pink na pisngi ay nagsisimulang maging pula.

Kalaking tao eh torpe!

Binigyan ko ito nga isang mapang akit na ngiti.

"Nice to meet you Matts."

"A-ah s-sir, pano nyo po n-nalaman p-palayaw ko?" Nagtataka nitong tanong.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Matts. Napaka gwapo, hindi ako magsasawang tingnan ito sa pag gising sa umaga.

Bumaba ang tingin ko sa kanyan dibdib, sa brasong sing tigas ng pader.
Ang kanyang dibdib na lalong tumitigas pag malapit na sa sukdulan twing kami nag sisisiping.

Bumaba pa ang aking tingin sa kanyang harapan. Whoah, hindi pa gising pero bakat na.
Nag init ang aking tenga.

Lagot ka sakin, ilang bwan akong drought!

"Wala lang bakit ba." I was confident. Alam ko kasi malakas na ang tama sakin ng ugok na ito.

Imagine, three months mong tinatanaw tanaw lang sa malayo at palihim na crush tapos isang araw lalapitan ka at magpapakilala pa?
Natatawa ako sa kaisipang inyon.

"A-ah g-ganun ba."

Nakakatawa ang itsura ni Matts. Nauutal at namumula.

"Care for a coffee later?"
Tanong ko, I sounded flirting.

Nag angat ito ng mukha, tila bumakas ang ibayong saya.

Kinuha ko ang ballpen at hinawakan ang kanyang mga palad.

"R-robert, ano ginagawa mo?"

"Wag kang magulo." habang sinusulat ang aking numero sa kanyang mga palad.

Binulsa ko ang ballpen at humakbang. Nilapit ko ang aking labi sa kanyang mga pisngi at bumulong.

"See you later, baby."

Napangiti ito. The smile I longed to see.

Naglakad ako papalayo, lumingon matapos makahakbang nga sampong metro.

Sumaludo ito gamit ang hinturo, nakapaskil sa mga labi ang di mapintang katuwaan.

Ito ang simula baby, magsisimula ulit tayo, and this time, hinding hindi ako papayag na mawala ka. Pinapangako ko iyan.

Mabilis akong sumakay sa humintong jeep. Puno ng pag asa ang aking dibdib.

Love is mysterious, love is unexplainable.
Well, that's love, kung hindi mo maintindihan eh enjoy mo na lang.

Pinakawalan ko ang isang buntung hininga.

Yeah, indeed.

May last chaptet pa po,
Sana ay mag vote po kayo at magcomment
Salamat!

Ang Pink na Brief (Completed boyxboy)Where stories live. Discover now