Chapter 9 #Pilinut ni #babe

6.7K 241 12
                                    

"Sayo ata to oh!" Sabay tapon ng kapirasong tela na kunyari nandidiri.

Tumaas ang tingin ni Robb sa pinanggalingan ng malakas at baritonong boses

"Sino naman nagsabing sakin yan ah!" Singhal niya sa kaharap habang inaalis ang pink na brief na dumapo sa kanyan bumbunan

"Aba tayo lang ang lalaki dito, alangan naman may nakaiwang sundalo nyan dito" habang makikita ang nanunuksong mga ngiti.

"Hoy Major Bustamante, malay mo may sundalo kang nag susuot ng pink na brief" napalakas ang tono nya

Aba, wala talagang kadala dala sa pang aasar tong lalaking to, aniya sa sarili. Kung di nya lang kailangan ng tulong nito matagal na syang bumaba sa bundok

"Umamin ka na kasi, sayo yan." Nanginginig na ang balikat sa pigil na tawa

"Fine fine akin yan, so bakit ka naman tumatawa dyan ah?"

"Parang kamatis ang mukha mo sarap sahog sa itlog. Tamang tama may dalawa ako dito." hindi na napigilan ang malakas na pag tawa

"Kapre!" Sigaw nya ng wala ng maisip na pang bawi

Lumapit ito sa kanya at bumulong na parang nang aakit "So wala kang brief ngayon?"

"So paki mo ba?"

"Hmmmmm" hinga nito sa kanyang tenga na nagpatayo ng kanyan pinong buhok sa batok

"Pagnasaan din kaya kita, kasi alam ko pinagnanasahan mo ako eh" tukso nito "alam ko kaninang nakahubad ako gusto mo akong lapain eh"

Kinuha ni Robb ang pink na panloob at sabay ngudngud sa ilong ng matipunong sundalo

"Anak ng teteng na malaki!"

"Bagay yan sayo mayabang ka kasi!" Sabay dali daling pumasok sa tent na katatapos pa lang gawin ng kasama

"Pikon" sabay sigaw nitong di padin nawawala ang malakas na pagtawa

"May araw ka rin sakin damuho ka" ngitngit nya sa sarili habang winawaksi ang inis na kanina pa nararamdaman.

Habang nasa loob ay nilibang libang nya ang sarili. He checked his phone for any trace of network pero lobat na ito.
He then heard small steps patungo sa kinaroroon nya.

"Uy Robb sorry na" he doesnt sound sincere. Magkaganun man, ito ang unang beses nyang narinig ang pangalan nya sa kasama

Weird pero it sounds very sweet and eargasmic, kahit naiinis sya ng sobra

"Ano na naman, mang aasar ka na naman" sabay hablot sa brief na hawak nito

"Ang sarap mo kasi talagang asarin" he was smiling

"Maghanap ka ng kausap kurimaw"

"Oh sya sya titigil na. Lika hanap tayo pagkain"

"Ayoko maghanap ka ng mag isa mo" tugon ni Robb

"Ah sige, madami naman palaka sa tabi eh, masarap naman yun" pang aasar nito

"Oh sige sasama na!" Sabay padabog na tumayo

"Sasama din naman pala dami pang pabebe" bulong nito

"Ano sabi mo?"

"Wala sabi ko ang sexy mo"

Ang Pink na Brief (Completed boyxboy)Where stories live. Discover now