Chapter 35 - Matts

Start from the beginning
                                    

3 months later

Malaki ang ihinulog ng aking katawan. Few days after akong magising, pinayagan na ako ng mga doktor na lumabas.

3 months! Tatlong bwan na ngunit ang sakit ay tila hindi nawala ni isang katiting.

Limang bwan nang wala si Matts.

Pinagmasdan ko ang makinis na marmol na nasa aking harapan.

Matthew Sanchez
1993-2017

Andaya mo baby. Sabi mo hindi mo ako iiwan.
Sabi mo magsasama tayo habambuhay.

Muling pumatak ang aking luha.

Halos araw araw ay andito ako sa puntod ni Matts. I spend almost 8 hours just sitting and crying na tila umaasang isang araw ay magigising ako sa isang malagim na panaginip na ito.

Alas singko na ng hapon, I need to go home dahil gumagabi na at tila uulan.

Mula ng makalabas ako ng hospital, hindi ako kumakain ng maayos, I spend most of the time kung hindi sa puntod ni Matts ay sa loob lamang ng kwarto habang nakatulala.

I drove my car going home. Tila makikisama ang panahon sa aking nararamdaman.

"I love you so much baby!"
Paulit ulit kong sinasambit na tila andito lang si Matts sa aking harapan.

Noong una, hindi ako naniniwala sa pagkamatay ni Matts.

Inisip ko na baka palabas lang iyon ni Love para  pag hiwalayin kami.
Ngunit pinakita sakin ni Mama ang mga larawan ng kanyang burol.

Ang katawan ni Matts na nasa loob ng isang puting kahon.

How I wished hindi ko iyon tininingnan, it haunts me every night. Sana hindi ko na lang tiningnan dahil yun ang paulit ulit na nakikita ko sa aking panaginip sa halip na ang masaya at nakatawang mukha ng aking kasintahan.

Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari ito. Kung nakinig sana ako kay Matts na ipagpabukas na lang ang pagsabi kay Love ay sana hindi mangyayari ang aksidenteng iyon.

Namatay si Matts habang pinoprotektahan ako.

"Baby, sana hindi mo na lang ginawa yun, sana magkasama tayo ngayon."
Pumapatak na naman ang luha sa aking mga mata.

Isang mahinang katok sa bintana ng aking kotse ang nagpabalik sa aking katinuan.

Bunuksan ko iyon at nakita ko ang isang babaeng naka scrub suit. The suit looks familiar.

"Sir pwede ka daw po ba imbitahan sa kotseng yun. Gusto ka po makausap ni Maam Love."

Si Love andito!?

Kakausapin nya ba ako upang sumbatan?
Na kung sana ay nakinig ako sa kanya ay buhay pa ang kanyang apo, ang aking pinakamamahal.

I was hesitant ngunit pinili kong tumayo at dahan dahang bumaba sa aking saskayan.

The car was just few meters away kaya mabilis akong nakarating doon.

Pinagbuksan ako ng pinto ng driver at nakita ko ang isang babaeng pinag daanan na ng panahon.

"Maupo ka Robb" anyaya sa akin ni Love.
Her voice sounded calm. Wala na ang dating boses na nang iinsulto, ang poot.

"Nahihiya ako sa sarili ko."
Panimula nito habag ang tingin ay nasa labas ng bintana. I wad confused, akala ko susumbatan ako ni Love.

"Bakit po?"

"Matanda na ako pero sarado padin ang isipan ko." She continued. I don't have any clue on what she is saying.

"Nung nabasa ko ang sulat ni Ven, I felt humiliated, nagalit ako, namuhi sa ginawa nya. Ngunit naawa ako sayo. I was unfair." Pinaglaruan ko kayo, hindi ko sinasadya."
Tumingin ito sakin at nagsusumamo ang mga mata.

"Pinaglaruan?"

"Alam kong wala akong dahilan upang kamuhian ka, ngunit nagpadala ako sa galit ko kay Gustav." Hindi nito sinagot ang tanon ko.

"Kung ako po ang nasa lugar nyo malang yun din mararamdaman ko." I added, nakuha ko na kahit tanungin ko ito ay hindi ako sasagutin.

"Patawarin mo ako Robb. Kung hindi sana ako namagitan sainyo ng apo ko, baka kapiling pa natin sya ngayon." Nabasag ang kanyang tinig.

Muli ko na namang naramdaman ang mga luha sa aking mga mata.

"Wag nyo pong sisihin ang sarili ninyo, wala pong may gusto nito."

"Napakabuti mo Robb. Maraming salamat."
Niyakap ako ni Love, napakahigpit at puno ng init.

Kumalas ito ng pagkakayakap at hinawakan ang aking mga palad.

"Ibalik mo sya Robb, ikaw lang ang may kakayahang makagawa noon." Seryoso ang kanyang mukha.

Binuksan nito ang kamay na nakakuyom sa aking mga palad.

Ang dog tag!

"Pano po napunta sainyo ito."

"Ang sabi ni Celerina, para sakin daw yan kasama ng sulat ni Venancio. Alam ko ang hiwaga ng bagay na yan Robb ngunit ako ay matanda na at hindi ko na nais pang balikan ang mga nakalipas."

"Alam nyo po ang tungkol sa dog tag na ito?"

"Oo, ako ang may gawa nyan. Wag ka ng magtanong hindi mo rin maiintindihan."
Again, she sounded firm na kahit siguro pilitin ko ay hindi nya ako pagbibigyan.

Nakabalik na ako sa aking sasakyan ngunit nanatiling naka pako ang aking mga mata sa tag.

Pinakawalan ko ang isang buntong hininga.

Hindi ko nagawa kay Mark, sisiguraduhin kong magagawa ko kay Matts.

"Magkikita ulit tayo baby, pangako yan."

Ang Pink na Brief (Completed boyxboy)Where stories live. Discover now