Chapter 9

286 14 6
                                    

Chapter 9 (Bear with the song, alam kong medyo malayo sya sa scene xD)

Pagkatapos kong maligo, nagbihis lang ako ng simple at pumunta sa Star Bucks kung san magkikita kami ni Mor. This is the day kung saan ibubulgar ko na ang lahat.

Habang nasa taxi ako, tinawagan ko si best.

"Hello?"

"Akira, okay na ba?" tanong ko sa kanya

"Oo. Pero inaayos pa namin yung lugar. Mamayang 6 pm pa naman diba?"

"Yes"

"Okay okay, sige na. Baka malate ka sa usapan nyong dalawa" then she hung up.

Nagbayad lang ako sa taxi driver tapos bumaba na ng cab. Pumasok ako sa Star Bucks at naghanap ng magandang pwesto.

Tumingin ako sa wrist watch ko. 2:15 pa lang at 3:00 ang usapan naming dalawa.

I sigh.

San naman maniwala sya sa mga sasabihin ko para di na mahirap para sakin :(

Naki wifi na lang ako pero di ko din naenjoy kasi tingin ako ng tingin sa oras.

Hindi naman nya siguro iindyanin ako diba?

Sana.

I minute na lang at mag 3 na.

Bumukas yung pinto ng Star Bucks at nakita ko sya.

He's walking towards me with an irritated look then he sat.

Di ko alam ang gagawin

Kung puso ko ay susundin

Natatakot na di mo pansinin

"Ano bang pag uusapan natin? Paki bilisan ha? May gagawin pa kasi akong importante" sabi nya

"A-anong gagawin mo?" tanong ko

Kay hirap sabihin na minamahal kita sinta

Ngayon nakikitang meron ka nang iba

"I'll be asking Lori to be my girlfriend"

Sana'y pagbigyan, pagbigyan ng pagkakataon

Ang tanong sa isip ko, nasasaktan ang puso ko

Hindi. Hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari yun.

"Ba-bakit ang bilis naman ata?" tanong ko sa kanya habang pigil na pigil na di umiyak

"Bakit? Wala namang masama dun ah? Besides, sabi naman nila na hindi naman ligawan ang pinapatagal eh" sabi nya sakin

Paano na ang puso ko na umiibig sayo?

Ngayon ikaw ay meron ng ibang gusto

"P-pero hindi mo kilala si Lori"

He looked at me na parang di makapaniwala, "Pano mo naman nasabi yan? We're childhood friends at matagal ko na syang kilala. What made you think na hindi ko pa sya kilala?"

Sana noon pa sinabi ko na, na minamahal kita

Baka sakali pang naging tayong dalawa

"You don't know him Arjay. Binibilog ka lang nya. Niloloko ka nya, she's not your childhood friend" sabi ko

He smirked at me, "Eto na naman ba tayo Hillary? Pwede ba, kung ayaw mo kay Lori para sakin, pwedeng tigilan mo na sya? I love her at ayokong nakikita syang nalulungkot kada magkakasama tayong lima. I know na hindi nyo sya gusto, pero sya yung gusto ko, sya yung gusto ko para sakin"

My Boyfriend Is The Famous Campus Gay (Mini Book)Where stories live. Discover now