Kabanata 1

14.6K 472 10
                                    

Notice: This is only a free preview chapter

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Notice: This is only a free preview chapter.

"Mairy, anak?" Tawag sa kanya.

Huminto siya sa paglalaro ng mga bulaklak sa hardin at kaagad na nilapitan ang ina. Her mother gave her a big smile bago siya yakapin. Nagtataka siya. Bakit hindi na magara ang suot na damit ng kanyang ina? Ang mga alahas nito ay wala na, sa paningin ng lahat ngayon ay para bang isa na lang itong normal na babae.

"Kailangan mo ng magpalit ng damit para makaalis na tayo."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ng kanyang ina. Bakit magpapalit siya? At bakit aalis sila? Saan sila pupunta?

"Where are we going?"

Humiwalay ito sa pagkakayakap. "Aalis na tayo rito. We re no longer part of this kingdom."

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Aalis na sila sa lugar na kinagisnan niya? Ibinilik niya ang tingin sa kanyang ina ngunit hindi roon natuon ang atensyon niya kundi sa batang kasing edad lang niya na nakatayo sa likod, hindi kalayuan sa kanila.

He's no longer smiling. Nakatingin lamang ito sa kanilang dalawa. Walang makikita ni isang bahid ng emosyon sa mukha at mata nito.

Umigting ang panga niya. It's all his fault! Kasalanan niya! He ruined her family!

Mairy Alois Hernandez

Kumagat siya sa mansanas na ninakaw niya sa palengke. Matabang ito at walang tamis, ibig sabihin ay matagal na ito sa istante. Wala naman siyang ibang nagawa kundi ang kainin ito dahil dalawang araw na siyang walang matinong kain. Nahirapan kasi siya sa pagnanakaw ng pagkain lalo na't naging alerto ang mga tindera dahil dumadami na sila...ang mga magnanakaw.

Hindi naman siya ganito noon. Nagsimula lang siyang magnakaw at magpalaboy-laboy nang mamatay ang kanyang ina. Labing limang taong gulang siya ng pumanaw ito. Ngayon ay labing siyam na taong gulang na siya. Nasanay na rin siyang makipaglaban at makipagsapalaran. Apat na taon na siyang namamalagi sa kalye, sinong hindi masasanay do'n?

Itinapon niya na ang mansanas atsaka ipinagpag ang marumi at tagpi-tagpi niyang damit. Marumi na ang damit niya na may butas, maski ang palda niyang gawa sa mga kapirasong tela. Ni hindi niya ito magawang linisin dahil wala naman siyang mahanapan na lugar kung saan pwede itong linisin. Ang huli niyang laba rito ay mahigit sampung buwan na ang lumipas at muntik pa itong manakaw sa kanya ng kapwa palaboy kaya mas pinili niya na lang na manatili itong marumi.

"Gutom na gutom na talaga ako. Psh! Kung hindi lang pahamak ang mga batang 'yon ay hindi ako mahihirapan ng ganito sa pagnanakaa ng pagkain." Inis niyang sabi.

Naghanap siya ng pwede niyang pagnakawan at saktong may dumaan na karwahe sa hindi kalayuan. Kitang-kita niya ang mga prutas at tinapay na nasa karwahe. Napapalakpak siya nang wala sa oras bago sundan ang karwahe. Hindi siya makahanap ng tiyempre para pasukin ang loob nito dahil marami pang tao kaya't hinantay niya na lang namakalayo sila sa palengke.

"Jackpot!" Nakangisi niyang sabi.

Nagtago kaagad siya sa mataas na damo ng bigla itong huminto malapit sa may ilog. Bumaba ang dalawang gwardya at kaagad na ibinaba ang mga prutas at tinapay.

Napangiti siya. Pwede niyang kuhanin ang mga 'yon at kumaripas na lamang ng takbo.

Ngunit ang ngiting kanina lamang ay nakaukit sa kanyang labi ay unti-unting nawala nang makita niya ang sunod na ibinaba ng mga gwardya. Bangkay ng tao. Hindi bababa sa lima ang bangkay. Walang awa itong inihagis ng dalawang gwardya sa ilog.

Gusto niyang patayin ang dalawang gwardya ngunit kailangan niyang manatiling tahimik lalo na't alam niya kung kanina ito nag t-trabaho. Sa uniporme pa lang ay kilala na niya kung sino ang pinaglilingkuran nito.

"Ruthless as ever. How can he even sleep at night?" Umigting ang panga niya.

Wala na siyang ibang nagawa kundi ang umalis na bago pa siya makita. She was about to run ng marinig niya ang usapan nito.

"Hinahanap pa rin ng hari ang kanyang anak, ang prinsesa."

Hinahanap?

"Bakit kaya ginagawa 'yon ng hari sa gayong siya naman ang dahilan kung bakit nawala ang reyna at ang prinsesa."

"Idagdag mo pa ang prinsipe, wala ng dahilan ang hari para hanapin ang prinsesa."

Ibinalik niya na lang ang atensyon sa daraanan niya. Kailangan niyang makalayo ng hindi siya nakikita. Following the carriage was a bad idea. She was decieved! Ang akala niya ay laman ng tiyan ang karga nito ngunit puro bangkay pala.

Umiling siya. She needs to hide her hair. Her silver hair.

Itinali niya ito bago kumaripas ng takbo. Hindi pa man siya nakakalayo ay narinig na nito ang pagtawag sa kanya ng dalawang gwardya.

"Ang prinsesa!"

"PRINSESA!"

Ngumisi siya. "Princess my ass."

Hindi na siya nasundan ng humahabol sa kanya kaya't bumalik na siya sa tinitirhan niya. Sa maliit na bahay na gawa lamang sa mahabang tela na napulot niya. Malamig na simento ang tulugan niya at sanay na siya. Wala siyang gasera dahil baka masunog lang ang maliit niyang bahay. Mas okay na rin 'yon para hindi siya makita ng mga tao.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip ng may pumasok sa maliit niyang bahay. Kaagad siyang tumayo at tiningna ito ng masama.

"Anong ginagawa mo rito Ismael?" Kunot noo niyang tanong sa binata.

Nilapag nito ang dalang plastik atsaka siya nginitian. "Masama bang dalawin ang matalik kong kaibigan?"

Napaismid siya sa sinabi nito. "Sa pagkakatanda ko ay wala akong kaibigan at kailanman ay hindi ko kakailanganin ng kaibigan." Bumalik siya sa pagkakausalampak sa sahig.

"Napakasakit naman ng iyong sinabi."

Inirapan niya ito atsama ipinikit ang mata. "Umalis ka na ng— "

"Ikaw ang dapat umalis Mairy." Putol nito sa sinasabi niya.

Inis niyang idinilat ang kanyang mata. "Who the hell are you para paalisin ako? This is my house—"

"Ang iyong ama--- ang hari. Nalaman na niya kung nasaan ka at sa pagkakaalam ko ay mahigpit ng binabantayan ang bayan na 'to."

Wala ng siyang sinayang na minuto at kaagad na kinuha ang mga mahahalagang gamit...ang gamit ng kanyang ina.

"Hindi ka basta basta makakalabas ng bayan na 'to mairy. Akala ko ba'y hindi ka magpapakita sa tauhan ng iyong ama?"

Napasabunot siya sa kanyang sarili. "Hindi nga pero sila ang nakakita sa akin! Now move ismael dahil kailangan ko ng umalis."

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Tutulungan ulit kita Mairy, pero kapag nahuli ka ulit ay wala na akong magagawa. Ayokong kalabanin ang hari." Pinulot nito ang plastik na dala atsaka ibinigay sa kanya.

"Kinakailangan mong itago ang iyong buhok dahil 'yan ang palatandaan na ikas ang prinsesa. Walang nagbabantay sa daan papunta sa kabilang nayon. Doon ka muna at susunod na lamang ako."

Kinuha niya ang laman ng plastik. Isang tela. Itinaklob niya ito sa kanyang ulo. "You don't need to do that Ismael. Mapapahamak ka lang at ayokong may mamatay nanaman ng dahil sa aki— "

"I'm not going to follow orders from you you're highness. Ang susundin ko lamang ay ang namayapang reyna."

Napako siya sa kinatatayuan niya. Ang kanyang ina.

"Now go, princess Mairy Alois Hernandez. Run as fast as you can."

His Concubine (Self-Publish)Where stories live. Discover now