Chapter 5: The Exorcist

Start from the beginning
                                    

"In fairness, okay ang sounds niya," sabi ni Hannah habang naglalakad sila ni Jules papunta sa nakaparada niyang Hi-Ace sa labas ng mansyon. Bago sila sumakay ay natanaw ni Jules si Miguel sa bintana ng kuwarto niya. Nakasilip sa likuran ng kurtina.

Nagkatitigan sila.

Pero ang nakita niya ay hindi ang galit at nagmumurang binata tulad ng unang engkuwentro nila ni Hannah sa kanya. Ang nakita niya ay isang nilalang na may desperasyon at takot sa mukha—at tingin na nagsasabing kailangan niya ng tulong nila.

Nagulat si Jules sa tunog ng busina at napalingon.

"Jules! Tara na!" sigaw ni Hannah mula sa sasakyan, may subo na ng yosi sa bibig.

Pagtingin muli ni Jules, ay wala na si Miguel sa bintana.

Kinambyo ni Hannah ang sasakyan at humarurot ito paalis.

***

Mabigat ang traffic sa EDSA sa may Cubao. Lalo na iyong patungo ng South. At pinalala pa ng banggaan ng isang pribadong SUV at taxi na nagkagitgitan sa ilalim ng fly-over. Nagtatalo ang dalawang driver sa gitna ng kalye. Busina ng mga naipit na sasakyan. May paparating pa na ambulansya na malakas ang sirena.

Mula sa nakaparadang Hi-Ace sa tapat ng bus station ay tanaw nina Jules at Hannah ang komusyon. Nahanapan nila iyon ng kaaliwan habang hinihintay ang pagdating ng bus na galing Tarlac. May take -out silang Mcdo na kinakain. Burger, fries at softdrinks.

"Uy Julius, siyanga pala, napa-encash mo na ba 'yung cheke?" tanong ni Hannah habang sumubo ng fries.

Napa-roll ng eyes si Jules habang humigop ng softdrinks. Inis lang siya kapag tinatawag siyang Julius ni Hannah. "Yes, nagwithdraw na rin ako ng panggastos natin," aniya.

"Pang-gas ko ha," ngiti ni Hannah.

Sa bangketa, nagkalat ang mga tao na paroon at parito. Kanya-kanyang ng pace ng pagmamadali sa kung saan man ang kanilang destinasyon—mga trabahador, estudyante at mangangalakal. Marami rin ang naka-istambay lang—mga street vendors ng mineral water, Cobra energy drink, at samu't-sari na mga biskwit. May mga biyahero na naka-abang sa sidewalk, kanilang mga bagahe sa kanilang mga paanan. Iba'y maleta. Iba naman'y mga bayong.

"Tingin mo madali lang itong mission natin?" pag-isip ni Hannah.

"'Di ko sure," kibit-balikat ni Jules. "Pero, 'di tulad ng dati, may advantage na tayo."

Ang tinutukoy na advantage ni Jules ay isang religious artifact na ginamit nila noong last mission, sa pagpapatalsik ng dimonyong si Berith kay Berta. Ang nasabing religious relic ay isang makapangyarihang rosaryo na pagmamay-ari dati ni San Lorenzo Ruiz, ang protomartyr ng Pilipinas.

"Yeah, secret weapon!" pag-cheer ni Hannah. "Talo natin agad ang dimonyo! Tapos kubra agad ng bayad!"

"For sure," ngiti ni Jules.

Napunta ang atensyon ng dalawa sa nagdatingang mga bus nang mag-GO ang traffic light. Ila'y lumagpas sa kanila at nasulyapan nila'ng mga nakasakay sa loob. Mga pagod na mukha ng mga pasahero at sa mga sarili'y minuni ang mga panahon na sila rin ay sumasakay ng bus, ang mga oras na nasayang sa biyahe, ang hassle kapag siksikan, ang amoy ng pawis, ang amoy ng mainit na mga hininga. Napailing si Hannah at nagpasalamat na kahit papaano'y may sasakyan siya bagama't luma ng modelo.

"O, baka eto na," sabi ni Jules.

May dumating na provincial airconditioned bus at pumasok sa terminal. Umayos sila ng upo at pinanood ang pagbukas ng pinto ng bus at pagbaba ng mga pasahero. Bata-matanda. Babae-lalake. Maliit at malake.

Ang Dalawang Anino ni SatanasOn viuen les histories. Descobreix ara