Chapter 4: Sa Mansyon

Start from the beginning
                                    

"Talaga? Naglalakad sa kisame? Nag-spiderwalk?" gulat na sabi ni Hannah. "Malakas na entity ito, chong!"

"Most probably, first hierarchy," sabi ni Jules.

"At involved pa mga Satanista! Sana worth it ito!" iling ni Hannah. "Kung bakit kasi tuwing Pasko eh nagkakaron tayo ng kaso ng possession."

"Ewan ko ba," sabi ni Jules.

Saglit silang natahimik at nagbuntong-hininga.

"'Di mo talaga type si Pam?" tanong ni Hannah.

"Shut up, Hannah."

***

Nakarating sila sa mansion ni Don Carlos sa Forbes Park nang walang hassle. Pinarada ni Hannah ang Hi-Ace sa may sidewalk, nahihiya lang na iakyat ang sasakyan niya sa driveway ng bahay. Dala ni Jules ang kanyang hard case at sila'y kumatok at agad na pinagbuksan mismo ng Don, na para bang kanina pa ito naghihintay.

"Good, you're here, come in," sabi ng Don.

Ipinakilala ni Jules si Hannah sa Don at sinundan nila ito papasok ng bahay. Pagtuntong sa entrance hall ay napa-wow sila nang makita ang loob ng mansion. Ang laki ng living room ay tipong puwede kang magtanghal ng ballroom dancing. May malaking chandelier at mga paintings sa walls. At ngayon lang sila nakakita ng ganoong kalaking Christmas tree na nasa loob ng bahay. Nang tanungin, sinabi ni Don Carlos ay imported pa iyon galing Amerika.

"Parang walang tao, sir," pansin ni Jules.

"Day off ng helpers, so, it's just me and my wife," sabi ni Don Carlos. "Lumabas si Miguel, I don't know kung what time siya babalik. So, where do we start?"

"Siguro, check namin ang bedroom niya," sabi ni Jules.

Tumango ang Don at sinundan nila siya paakyat ng spiral staircase. Feeling lang ni Hannah ay na nasa palasyo siya ng isang prinsesa—at gusto sana niyang lokohin si Jules pero nagdalawang-isip pagka't nariyan ang Don. Pagakyat ng second floor ay may family room na may sala at bookshelves. May dalawang hallway sa magkabila, isa papunta ng Master's Bedroom, at isa ay patungo ng dalawang bedroom.

Binuksan ni Don Carlos ang isang kuwarto at sinabing iyon ay kay Miguel.

"Pwede ba naming silipin ang loob?" tanong ni Hannah.

"Sure, go in," paghimok ng Don. "I'll leave you two here for awhile..."

Iniwan sila ng Don at pumasok ang dalawa sa kuwarto. Agad na may naramdamang mabigat si Hannah sa loob, na may naiwan pang "signature" kung sino mang entity ang nanatili sa kuwarto. Binuksan naman ni Jules ang hard case niya at inilabas ang kanyang K2 Meter.

Typical na kuwarto ito ng isang 18-year old. May mga action figures, magazines, libro, video consoles at video games. Mac na desktop computer. Flat screen TV. DVD Player. Stereo system. CD racks. Ang type ng music ni Miguel ay medyo extreme, even sa taste ni Hannah. Morbid Angel, Deicide, Children of Bodom, Cannibal Corpse, Dying Fetus, Obituary, Carcass at Slayer. Death Metal. Ito ang pinapakinggang music ni Miguel.

"Well, siguradong walang Celine Dion dito," tingin ni Hannah sa mga CD.

"Ha-ha," plastik na tawa ni Jules.

Sa wall ay may mga poster din ng mga death metal bands, images ng mga bungo, kabaong, cemetery, pentagram symbols, inverted crosses, 666, cannibalism at demons. May poster ng dimonyo na may ulo ng kambing side by side ng poster ni LeBron James.

"At least, kahit paano, may LeBron James," muni ni Jules. "All is not lost."

"Agree," tango ni Hannah.

Ang Dalawang Anino ni SatanasWhere stories live. Discover now